KONSAGRASYON NG MGA MAGSISIPAGTAPOS[1]
Inihanda ni Rev. Jeric C. Cortado, Southern Philippines Methodist Colleges, Inc., Mt. Apo Village, Kidapawan City
Ang Konsagrasyon sa
mga Magsisipagtaspos ay gawin matapos ang Sermon gamit ang Basic Pattern of
Worship ng United Methodist Church. Sa yugtong ito, ang mga magsisipagtapos
kasama ang kanilang mga guro ay lalapit sa altar kaharap ang pastor.
PANIMULA
Pastor: Ang
pagtatapos ay panahon ng magkahalong emosyon. Habang ginugunita ang ating
naging karanasan sa paaralan, iniisip ang pag-asang darating. Ito ang panahon
ng pagpapaubaya sa ating mga anak upang humakbang sa mas mataas na antas ng
pag-aaral.
PAGBABASBAS SA MGA MAGSISIPAGTAPOS
Sa yugtong ito ang mga magsisipagtapos ay luluhod kasama ang
kanilang mga magulang sa kanilang likuran.
Pastor: Tayo
ay manalangin (tumahimik ang lahat). Diyos ng Kaalaman, sa iyong karunungan
kami ay tinuruan ng kaparaanan at kalayaan. Basbasan mo ang mga mag-aaral na
ito sa kanilang pagtatapos sa ________________.
Nagpapasalamat kami sa mga gurong matiyaga na nagturo at mga magulang na laging
umaalalay sa kanila. Samahan niyo po ang mga anak mong ito sa kanilang patuloy
na pag-aaral sa buhay at paglalakbay. Palakasin niyo po sila at sangkapan ng
mga kakayahang pagtagumpayan ang anumang hamong kanilang haharapin. Maitanim sa
kanilang isip at puso ang kahalagahan ng pananalig sa iyo. Amen.
Ito ay konsagrasyon
sa mga magsisipagtapos sa kolehiyo.
PAGBABASBAS
SA MGA MAGSISIPAGTAPOS
Sa diwang ito aanyayahan ng pastor na lumapit ang mga magsisipagtapos
sa harapan, habang ang mga magulang nila, sponsor, at guardians ay nasa
kanilang likuran.
Pastor: Ang mapagpalayang
turo ni Cristo sa pamamagitan ng ________, ang pagiging mabuting katiwala, ang
talino, ang kahusayan sa pamamahala at paglilingkod
sa kapwa ay sumainyo.
Graduating
Class: Amen.
Graduating
Class: Diyos, aming Magulang at dakilang Guro,
kilala Niyo kami at tinawag sa pamamagitan ng aming mga pangalan. Kilala niyo
na kami bago pa namin kayo nakilala, minahal niyo na kami bago pa namin kayo
minahal. Marinig nawa namin ang Iyong
tinig at hamon upang itaguyod ang kinabukasang may pag-asa.
Pastor: Basbasan mo ang mga
mag-aaral na ito sa kanilang pagtatapos sa kolehiyo. Nagpapasalamat kami sa
kanilang mga gurong matiyaga na nagturo. Sa mga magulang, sponsor at guardians
na umalalay sa kanilang pag-aaral. Samahan niyo po sila sa kanilang patuloy na
paglalakbay. Alisin niyo po sa kanila ang mga pag-aalinlangan at lahat ng sagka
upang maunawaan ang layunin ng kanilang buhay. Maitanim sa kanilang isip at
puso ang kahalagahan ng pananalig sa iyo at ng katapatan. At sa kanilang
paghayo, mahayag sa pamamagitan nila ang natatanging tatak at katangian ng
______________, bilang bukal ng tanglaw at balon ng mga dakila. Amen.
PAGBABASBAS
SA MGA SAGISAG NG PAGTATAPOS AT PARANGAL
Sa yugtong ito
babasbasan ang mga sagisag ng pagtatapos, gaya ng Gown, Toga, Medalya, Ribbons
at iba pa. Wiwisikan ng Holy Water.
[1] Naihanda
ang gabay na ito noong ako ay madestino sa Kutang Bato United Methodist Church,
Sinsuat Avenue, Cotabato City, taong 2007-2009.
No comments:
Post a Comment