Wednesday, October 12, 2016

“ANG HUKOM AT ANG MGA BALO”

“ANG HUKOM AT ANG MGA BALO”[1]
Isang Pagninilay sa Lucas 18:1-8
1.        ONSTAGE. EXT. SA DAANAN. ARAW
Pedro: Tingnan mo nga Jesus! Ginawa na natin ang lahat. Napudpod na ang ating mga sandalyas. Nangangamoy na tayo sa pawis sa pagsusulong ng pagbabago. Pero ano ang ating napala?
Jesus: Kalma ka lang. Wala ka talagang pasensya, Pedro.
Pedro: Ah ganon, magpasensya! Kalma lang! Ano ka ba Jesus! Buksan mo nga ang iyong mga mata! Hindi biro ang pinaggagawa natin. Para tayong nagbubungkal para patagin ang malaking bundok sa ating harapan. Ginagawa nating hangal ang ating sarili, Jesus!
Jesus: Talagang hangal tayo, Pedro. Kung tunay tayong may pananalig sa Panginoon at sa ating mga sarili, kaya nating patagin ang bundok at maitapon sa dagat. Alam mo noong bata pa ako, noong nasa Nazaret pa kami ng balo kong inang si Maria. Habang sila ay nagtatrabaho sa bukirin ng panginoong-maylupang si Ananias. Narinig ko ang pag-uusap nila nanay kasama ang kanyang mga kasamahang pesante.
(Patuloy sa paglalakad sina Pedro, Jesus at iba pang mga alagad habang nag-uusap….papuntang exit)
EXIT.

2.        ONSTAGE.EXT.SA BUKIRIN. ARAW
(Nag-uusap ang mga pagod at dismayadong mga kababaihan sa kanilang trabaho.)
Susana: Gago talaga itong si Ananias! Napakawalanghiya niya! Sana magkasakit yan at mamatay na!
Rebecca: Mantakin mo, tatlong linggo na tayong nag-tatrabaho ditto sa kanyang bukirin. Pero hindi parin tayo binabayaran. Hindi maari ito! Sumpa man, sa pamamagitan ng trumpeta sa Jerico malalaman ng buong mundo ang kanyang kasakiman at kasamaan. At ang matandang ito ay babayaran tayo. Dahil kung hindi!
Michal: Dahil ano, Rebecca? Huminahon ka nga. Huwag mong sayangin ang iyong lakas. Ano ang magagawa natin kung hindi niya tayo bigyan ng sahod? Wala! Kung buhay pa lang sana ang ating mga asawa ay maipagtatanggol nila tayo. Pero ano ang ating magagawa? Mga balo na tayo. Pasan natin ang krus at kailangan magtrabaho na parang hayop.
FREEZE.

3.        ONSTAGE.EXT.SA DAANAN.ARAW
(Si Jesus sa daanan, habang patuloy na nagkukuwento sa kanyang mga alagad.)
Jesus: Ang aking inang si Maria, kasama ang aming mga kapitbahay gaya ni nanay Susana, mga balo sa Nazareth ay hindi nabayaran sa tatlong linggo nilang sahod sa pag-aani ng bunga ng olibo sa bukirin ni Ananias. Galit sila dahil ilang ulit na itong ginawa ni Ananias sa kanila at ng iba pang panginoong-maylupa. Malimit napagsasamantalahan sa maliit na sahod at hirap ng trabaho. Maliban na sila ay nakakaranas ng diskriminasyon.
(Magpapatuloy sila sa paglalakad patungong exit.)
EXIT.
4.        RELAX.EXT. SA BUKIRIN.ARAW
(Ang mga kababaihan ay nagpulong upang pag-usapan ang mga susunod nilang hakbang.)
Maria: Mga kasama, kailangang kumilos tayo. Hindi na tama na ganito na lang lagi. Ang ating mga anak ay nagugutom dahil sa kasakiman ng mga panginoong-maylupa.
Michal: Kumadre, mayroon ba tayong magagawa? Kapalaran natin ito at tanggapin natin ang kapalarang ito.
Maria: Ano bang pinagsasabi mong kapalaran? Hindi totoo yan Michal. Hindi ko matatanggap na kapalaran natin ang maghirap ng ganito. Ang magutom ang ating mga anak. Alam mo ba ang sinabi ng nasira kong asawa na si Jose? At sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. Sabi niya, tayo ang gumagawa ng ating kapalaran, nasa ating mga kamay ang ating kinabukasan.
Susana: Totoo yan Maria, pero tayo’y mga babae at mga mahihina. Alam mo yan diba?
Maria: Papaano mo masabing mahina tayo dahil tayo ay mga babae, Susana? Hindi ba si Judith ang pumugot ng ulo sa isang higante na nakalimutan ko na kung sino yon? Noong panahon na ang mga kalalakihan ng Israel ay nabalot ng takot, sino ang namuno laban sa pang-aatake ng mga Canaanites? Si Deborah na babae katulad mo at katulad ko. At hindi ba’t si Reyna Esther ay palaban din?
Rebecca: Tama si Maria. Ang problema, ang babae lalo na at balo ito, dahil sa pag-iisa malimit nakatago katulad ng daga sa lungga.
Maria: Kung ganon, panahon na para lumabas sa lungga at parusahan ang abusadong pusa.
Susana: Oo, tama! Kumilos tayo para sa ating kagalingan na mga balo at kababaihan, at para sa ating mga anak!
Maria: Tayo na’t tumungo sa Cana at magsampa ng reklamo laban sa gahamang si Ananias. Ano ang trabaho ng hukom, di ba’t ipataw ang katarungan, tama? Kausapin natin ang hukom sa gayon ay dalhin niya ang ating mga reklamo sa korte.
(Maglalakbay sila patungong Cana…..going exit direction.)
EXIT.
5.        ONSTAGE. EXT. SA DAANAN.ARAW
Jesus: Si Nanay Maria, kasama ang iba pang balo sa Nazareth ay tumungo sa gawing norte patungong Cana. At nakipagkita sa hukom na nagngangalang Jacinto. Isang mataba at kalbong hukom na nakabase sa Cana.
(Kasama ang kanyang mga alagad ay magpatuloy sa paglalakbay…..going to exit direction.)
EXIT.

6.        ONSTAGE.EXT. SA HARAP NG TAHANAN NI JACINTO.ARAW
Rebecca: Hukom na Jacinto! Hukom na Jacinto! Hukom na Jacinto! Hukom na Jacinto!
Jacinto: Anong kaguluhan mayroon dito sa labas ng aking bahay? Pambihira! Sino kayong mga nanggugulo?
Susana: Kami ang mga balong galing pa sa Nazareth! May sasabihin lang kaming mahalga sa iyo. Pakiusap pakinggan mo kami.
Jacinto: Kayong mga patay gutom. Ano ang inyong nais? Bakit ninyo ako ginugulo?
Maria: Hindi namin kayo ginugulo. Naandito kami dahil ipinagkait sa amin ang tatlong linggong sahod. Matapos kaming naghirap sa pagtatrabaho sa bukirin ni Ananias ay hindi kami binayaran.
Jacinto: At ano ngayon?
Rebecca: Hukom ka di ba? At bilang hukom ipinapataw aming hustisya’t katarungan sa mga naaapi.
Jacinto: Ipinakukulong namin ang mga nanggugulo na tulad ninyo. Abala ako ngayon, kaya puwede bang huwag ninyo akong gambalain.
Maria: Sir, ang amin lang pakiusap. Huwag mo naman kaming talikuran agad. Alam naming kilala ninyo ang matandang si Ananias. Pinagtrabaho niya kami sa kanyang taniman ng olibo ng tatlong linggo. At hanggang ngayon ay di pa pa namin natatanggap ang aming pinagpagalan. Sa tingin niyo ba makatarungan ang kanyang ginawa sa amin?
Jacinto: At ano ang gusto ninyong mangyari ngayon?
Susana: Nais naming sampahan siya ng kaso sa korte. Nais naming pagkalooban niyo kami ng katarungan.
Jacinto: Well, dapat malinaw ito. Kung ipagtatanggol ko kayo sa korte, magkano naman ang ibabayad niyo sa akin?
Michal: Ano? Pakiulit nga po ang sinabi niyo? Galing kami sa mahirap na distrito.
Jacinto: Ang sabi ko, kug ilalakad ko ang kaso ninyo, magkano naman ang kabayaran dito? Aba’y di biro itong usapin.
Maria: Sir, nakita niyo naman, kami ay mga balo’t mahihirap.  Ano ang aming maibabayad sa inyo? At paano kami makababayad kung hindi kami babayaran ni Ananias.
Jacinto: Ah, ok! Nauunawaan ko. Kung gayon, babalik nalang kayo sa susunod na linggo. Ako ay abala ngayon. Kaya balik nalang kayo next week at tingnan ko kung anong magagawa ko para sa inyo.

Jesus: Kaya, mula sa Cana, ang aking ina kasama ang iba pang mga balo ay naglakad ng pitong milya pabalik ng  Nazareth. At matapos ang isang lingsgo….
Susana: Ipagkaloob mo sa amin ang katarungan! Hukom na Jacinto parang awa mo na!
Rebecca: Babayaran ka namin kapag naibigay na ni Ananias ang nararapat naming sahod. Ipaglaban mo kami sa korte.
Jacinto: Bayaran? Magkano? Sabihin niyo sa akin at magkano ang kabayaran?
Michal: Makakaipon kami ng sampung denaryo, o kahit pa labing limang denaryo ang ibibigay namin.
Jacinto: Ano! Limampung denaryo? Ganon lang? Ang cheap nyo ah! Hiniling niyo akong makipag-usap at ipaglaban kayo laban sa pinakamakapangyarihan. Tapos limampung denaryo lang! Hindi niyo ba naiisip na sa isang kumpas lang ng kanyang kamay ay pwede akong mabitay o ipapatay?
Susana: Unawain niyo naman ang kalagayan aming. Kami ay balo at mahirap.
Jacinto: Of course naintindihan ko kayo. At dapat din ninyong maunawaan na marami akong ginagawa. Hindi ko kayo maasikaso. Babalik nalang kayo sa susunod na linggo at titingnan ko kung ano ang aking magagawa.
(Maglalalakbay ang mga kababaihan…..going to exit direction.)
EXIT.

7.        ONSTAGE. EXT. SA DAANAN.GABI.
(Papasok sina Jesus na may dalang sulo habang naglalakbay.)
Jesus: Kaya pitong milya na naman ang nilakad nila nanay pabalik ng Nazareth. At matapos ang isang linggo, binagtas na naman nila ang pitong milya patungong Cana.
(Patuloy na naglalakbay sina Jesus, dala nila ay sulo…..going to exit direction.)
EXIT.

8.        ONSTAGE.EXT.SA HARAPAN NG TAHAHAN NI JACINTO.ARAW
(Ang mga kababaihan sa harap ng tahanan ng hukom na si Jacinto.Si Jacinto ay nasa pintuan ng kanyang tahanan kaharap ang mga nagrereklamong kababaihan.)
Susana: Ngunit sir, gaano pa ba katagal kaming pabalik-balik dito?
Rebecca: Payat na payat na ang aming mga anak dahil wala nang makain. Marami na sa kanila ang nagkakasakit.
Michal: Hukom, pagmasdan mo  aking suso. Tuyong-toyo na! Ang aming mga anak ay namamatay na sa gutom, nagkakasakit na sila.
Jacinto: Pakialam ko sa mga batang yan! Hindi naman ako ang nagluwal sa kanila. Hindi ko naman mga anak yan. Kaya bakit niyo ako ginagambala? Bakit di n’yo nalang pag-usapan sa inyo? Umalis na kayo at tigilan na ninyo ang panggugulo sa akin.
Maria: O sige po. Huwag niyo itong gawin para sa kapakanan namin at sa aming mga anak.
Jacinto: At para kanino naman!
Maria: Gawin niyo ito para sa Diyos.
Jacinto: Ha ha ha…para sa Diyos? Anong pakialam ko sa Diyos? Nasa langit siya at ako naman ay dito sa lupa. Hindi ba’t sinasabi ninyo na ang Diyos ay magkakaloob ng katarungan sa mga mahihirap? Bakit di kayo kumuha ng mataas na hagdanan. Akyatin niyo ang Diyos doon sa langit at kausapin niyo siya. Doon kayo humingi ng katarungan. At ako’y tigilan na ninyo!
Susana: Wala kang kasing sama! Abusadong hukom!
Maria: Huminahon ka Susana.
Michal: Ano na gagawin natin ngayon, Maria? Bigo tayo.
Maria: Hindi, hindi pa tapos ang laban! Patuloy nating ipaglaban ating mga karapatan.
Rebecca: Nasisiraan ka na ba ng bait, Maria? Papaano tayo lalaban ni wala tayong dalang kahit man lang pamalo!
Maria: Hindi natin kailangan ng pamalo o espada sa laban na ito, Rebecca.
Rebecca: Kung magkagayon, ano ang gagawin natin, Maria?
Maria: Ang kailangan ay tiyaga at pasensya.
Susana: Para ano pa? Para sa ano?
Maria: Upang wakasan ang pasensya ng hukom. Naalala niyo ba ang  ginawa ni Moises sa Ehipto? Taglay ng Faraon ang lahat. Nasa kanya ang kayamanan, mga sundalo at karwaheng pandigma! Si Moises ay wala. Ang tanging taglay niya ay ang katigasan ng ulo sa tingin ni Faraon. Sa pamamagitan niya, ginawang dugo ni Yahweh ang tubig sa Ehipto. Pinadalhan ng mga balang  at sangkatutak na peste ang kaharian ni Faraon. Ginawang madilim ng tatlong araw ang lungsod nito.
Susana: Pero, Maria, mga babaing balo lamang tayo. Nagawa iyon ni Moises dahil lalaki siya at maraming mga taong nasa likuran niya.
Michal: Para lamang tayong nga lamok, samantalang sila’y mga dambuhalang elepante.
Maria: Iyan ang punto, Michal. Yan ang isa sa mga pesteng dumating sa Ehipto, mga lamok. At dahil dito, tinitiyak ko sa inyo na ang sanlibung lamok ang hindi magpapatulog sa elepanteng nakatira sa palasyo. Halikayo! Bumalik tayo sa bahay ni Jacinto.
(Papasok sa kanyang tahanan si Jacinto at aalis ang mga kababaihan……going to exit.)
EXIT.

9.        ONSTAGE.EXIT.SA DAANAN.GABI
(Papasok si Jesus kasama ang mga alagad nito na may dalang sulo.)
Jesus:  Kaya’t ang may matitigas na ulo na mga magsasaka at babaing balo ay bumalik sa harapan ng bahay ng matabang hukom.
(Magpatuloy sa paglalakbay sina Jesus….going to exit.)
EXIT.

10.     ONSTAGE.SA HARAP NG TAHANAN NI JACINTO.ARAW
Jacinto: Nandito na naman kayo? Pambihira! Hindi ba’t sinabi kong layuan na ninyo ako? Bigyan niyo na ako ng katahimikan! Mga bingi ba kayo! Ano pa ang hinihintay ninyo, umalis na kayo!
Maria: Kami ay naghihintay sa hukom ng Israel upang ipagkaloob ang katarungan para sa mahihirap.
Jacinto: Kung gayon, umupo kayo diyan. Dahil matagal ang hinihintay ninyong katarungan.
Maria: Yan talaga ang gagawin namin. Mga kapitbahay at kasama, magsiupo tayong lahat dito sa harapan ng bahay ni hukom Jacinto.
(Uupo silang lahat ng mga nagrereklamo…..then Freeze.)
FREEZE.

11.     ONSTAGE. EXT. SA DAANAN. ARAW
Jesus: Pagkasabi ni nanay Maria, ang lahat ng mga balong kasama niya ay nagsiupo sa harapan ng bahay ng matabang hukom. Sila ay nagpicket-rally doon.
(Patuloy na maglalakbay sina Jesus …..going to exit direction.)
EXIT.
12.     RELAKS.SA HARAPAN NG TAHANAN NI JACINTO.ARAW
(Galit na galit si Jacinto habang kinakausap ang mga nag-piket rally.)
Jacinto: Ang titigas talaga ng ulo ninyo! Ang kukulit ninyo! Sige, manatili kayo diyan hanggang sa kayo ay manigas sa kahihintay! Bahala kayo!
(Tatalikuran ni Jacinto ang mga tao….papasok sa tahanan....then ang mga tao mag-freeze.)
FREEZE.

13.     ONSTAGE.SA DAANAN.ARAW
(Papasok sina Jesus mula sa lower left…going to center stage…)
Jesus:  Isinarang muli ng hukom ang kanyang pintuan. At hindi pa nagtagal ay hinarap niya uli ang mga tao.
(Magpapatuloy sila sa paglalakbay….going to lower right  stage….then freeze.)
FREEZE.

14.     RELAKS.SA HARAP NG TAHANAN NI JACINTO.ARAW
(Lalabas at haharapin uli ni Jacinto ang mga tao.)
Jacinto: Andiyan parin kayo? Nasisiraan na ba kayo ng bait?
Susana: Hindi! Ikaw ang nauubusan na ng pasensya, hukom!
Maria: Hindi kami aalis dito hangga’t hindi ninyo ipagkakaloob sa amin ang katarungan!
(Tatalikuran uli ni Jacinto ang mga tao at papasok sa kanyang tahanan…then Freeze ang mga tao sa kanilang atake.)
FREEZE.

15.     RELAKS. SA DAANAN. ARAW
(Mula sa lower right stage….maglalakbay sina Jesus patungong center stage.)
Jesus: Muling isinara ng hukom ang pintuan at hinayaan ang mga tao sa labas.
(Magpatuloy sa paglalakbay sina Jesus patungong lower left stage…uupo kasama ang mga alagad upang magpahinga….then Freeze.)
FREEZE.

16.     RELAKS. SA HARAP NG TAHANAN NI JACINTO.ARAW
Rebecca: Masisira ang inyong bahay sa kasasara ninyo hukom!
Susana: Ano sa tingin mo, Maria? Mayroon ba tayong mapapala sa ginagawa natin?
Maria: Ang ating mga ninuno ay nagdanas ng hirap ng apat na raang taon sa Ehipto, hanggang sa makamit nila ang kalayaan. Hindi tayo titigil.
(Papasok sa tagpo ang tao 1)
Tao 1: Hoy! Sino kayo? Humihingi ba kayo ng limos sa hukom?
Rebecca: Katarungan ang hinihingi namin at hindi limos.
Susana: Nagtrabaho kami ng tatlong linggo sa bukirin ng panginoong-maylupang si Ananias. Ngunit hindi niya kami binayaran. Ayaw niyang ibigay ang pinagpagalan naming sahod.
Tao 1: Magnanakaw ang taong yan! Eh, ano naman ang problema ninyo sa hukom? May ginawa ba ang hukom para sa inyo?
Maria: Yan ang aming hinihintay. Pero tingnan niyo naman, binigyan ni Ananias ng suhol ang hukom at pati ang mga kapitan ng sundalo. Marami pa siyang binigyan ng suhol na opisyal ng imperyo.
Tao 1: Tama talaga yan, ang mga nasa kapangyarihan ay nagtutulungan upang matakpan ang baho ng bawat isa sa kanila. Hoy! Kayong mga nakaistambay lang dyan! Halikayo! Samahan natin ang mga kababaihang na ito sa kanilang laban.
(Papasok sa tagpo ang ibang mga tauhan…sasama sa piket rally…..then Freeze.)
FREEZE.

17.     RELAKS.SA DAANAN.ARAW
(Magpatuloy sa pagkukuwento si Jesus sa kanyang mga alagad habang sila ay nagpapahinga.)
Jesus: Nagtawag ng nagtawag ang tao. Tinawag ang kanyang mga kaibigan na nakaistambay lang sa tabi-tabi. Hanggang sa nakabuo sila ng isang malaking grupo sa harap ng tahanan ng hukom. Ang mamamayan ng Cana ay nakiisa sa mga babaeng balo mula sa Nazareth na nagpicket-rally.
FREEZE.

18.     RELAKS. SA HARAP NG TAHANAN NI JACINTO.ARAW
(Lalabas uli si Jacinto mula sa kanyang tahanan at haharapin ang mga nagpipiket rally na mga kababaihan.)
Jacinto: Kasumpa-sumpa kayo! Ano ang gusto ninyo! Hindi ako ang gobernador ng Galilea at naandito upang bigyan kayo ng mga tsokalate at minatamis. Kung kayong lahat ay nawawala na sa matinong pag-iisip. Lumayas kayo at bigyan ninyo ako ng kapayapaan. Mga patay gutom!
(Muling tatalikuran ni Jacinto ang mga tao at papasok sa kanyang tahanan…….then Freeze ang mg tao.)
FREEZE.

19.     RELAKS. SA DAANAN.ARAW
(Tatayo sina Jesus mula at patuloy sa paglalakad patungong lower center.)
Jesus: Dumami ng dumami ang mga taong sumama sa hanay ng mga babaeng balo sa harapan ng pintuan ng hukom. Sila’y gaya ng mga pesteng lamok na maiingay at nangangagat sa elepanteng natutulog o nagtutulog-tulugan.
(Magpatuloy sila sa paglalakad ….going to exit direction.)
EXIT.

20.     RELAKS. SA HARAPAN NG TAHANAN NI JACINTO.ARAW
(Lalabas si Jacinto at haharapin uli ang mga tao.)
Jacinto: Tama na! Ang kukulit ninyo! Ang iingay ninyo! Tama na sa panggugulo ninyo sa akin. Sige, sige sige, pumasok na kayo sa loob at pag-usapan natin ang inyong mga karaingan, at nang matapos na ito ngayon.
Susana: Yes! Sa wakas bumigay din ang elepante. Pagod na siya sa mga mumunting kagat at ingay ng mga lamok.
Jacinto: Hindi ko na matiis ang ginagawa ninyong iskandalo sa akin. Magkagayon pa man, gusto ko lang ilagay sa isipan ninyo na gagawin ko ito hindi dahil sa Diyos. Hindi dahil sa inyong mga anak o sa inyong mga kapakanan. Gagawin ko ito dahil sa kakulitan ninyo at gusto ko nang mawala kayo sa aking paningin.
(Makikita sa tagpo ang pagdiriwang ng mga tao….then Freeze.)
FREEZE.
21.     ONSTAGE. SA HARAP NG TAHANAN NI JACINTO.ARAW
(Papasok sina Jesus patungong lower center.)
Jesus: Dinala ng hukom na si Jacinto ang kaso ng mga babaeng balo sa korte at naipanalo. Inutusan ng korte si Ananias na bayaran ang mga balo sa kanilang nararapat na sahod at danyos perwisyo. Oo, nanalo sila sa laban! Ganyan naman talaga ang pagpapanalo sa laban. Lumaban ka hanggang wakas. Ganito rin sa Panginoon, manalangin ka gabi’t araw na walang pagmamaliw. Kung gagawin natin ito hindi niya tayo bibiguin. Ipagkakaloob niya sa atin ang nararapat at katarungan.
Rufa: Pagpalain ng Diyos ang iyong labi, Jesus. Pagpalain ng Diyos ang babaeng nagsilang sa iyo sa mundong ito.
Pedro: Tama ka diyan, lola Rufa!
Jesus: Oo, maging ang lahat, pagpalain ng Diyos. Ang lahat ng lumalaban hanggang wakas para sa buhay na may dangal, hustisya’t katarungan. Para sa lipunang mapayapa at nakabatay sa katarungan.
Lahat: Amen.

FREEZE.
CURTAIN!
Pinaghalawan:
     Vigil, Jose Ignacio Lopez. 2000. JUST JESUS: The Message of a Better World, vol 2. New York: The Crossroad Publishing Company.



[1] Inihanda at pinagyaman ni REV. JERIC C. CORTADO, Kutangbato United Methodist Church, Sinsuat Avenue, corner Macapagal Street, Cotabato City, 2007.

Saturday, October 8, 2016

“MAY DATING BAGAMAT WALANG DATONG”

MAY DATING BAGAMAT WALANG DATONG”
A Biblico-Theological Reflection based on the Gospel of Jesus according to Luke (16:19-31) for the 18th Sunday after Pentecost, September 25, 2016 by Rev. Jeric C. Cortado

Ang aralin sa ebanghelyo ay naglalahad ng nagpapatuloy na kuwento ng pagtuturo ni Jesus at padidisipulo. Nagpapatuloy na tugon sa mga taong naghahanap ng pagkakataon upang siraan siya at ang samahan na kanyang binubuo at pinamamahalaan. As described in the gospel, when many tax collectors and other outcast came to listen to Jesus, the Pharisees and the teachers of the Law started grumbling. “This man welcomes outcasts and even eats with them!” (Luke 15:1-2) When Jesus said, “No servant can be the slave of two masters; such a slave will hate one and love the other or will be loyal to one and despise the other. You cannot serve both God and money” (Luke 16:13). The Pharisees made fun of him, considered by Jesus as lovers of money (Luke 16:14). So Jesus continued to share the wisdom of God through the parables, analogies, and stories, and one of these is the story about The Rich Man and Lazarus, the story of the rich and the poor. Jesus took advantaged that moment to teach and strengthen his disciples to embrace the attitudes that he wanted to possessed by them.

First, being a disciples of Jesus our existence is essential. Jesus said to the Pharisees, “You are ones who make yourselves look right in the other people’s sight, but God knows your heart. For the things that are considered of great by people are worth nothing in God’s sight” (Luke 16:15). Ito yaong sinasabi na “May datong pero walang dating. May dating bagamat walang datong.” Ayon sa paglalahad ng kuwento, ang isa ay nabubuhay sa sobra-sobrang kayamanan. Samantala ang isa na kilala sa pangalang Lazaro ay nabubuhay sa sobra ng mayayaman. Parang ang ating bansa na nabubuhay sa surplus product na ipinapadala o ipinapautang sa atin ng mga mayayamang bansa. Samantala ang mga mayayamang bansa ay nabubuhay sa ating kahirapan. The rich man dressed with very expensive clothes, while the poor are covered with sores.

According to Guztavo Gutierrez, this is the only case in which person in a parable is given a name. And what is more surprising here is the person named is the poor, someone who is in the Greco-Roman empire is generally anonymous and insignificant. But in the Kingdom of God’s perspective as being preached by Jesus, ang may datong ay walang dating sa Diyos at ang may dating ay ang walang datong. Those whom according to criteria of power and social prestige are the most important are anonymous before God. Those who are considered insignificant and nameless are the ones who have a value in the kindom of God. Remember, the first disciples of Jesus were came from the considered by the empire insignificant, nameless, and controversial classes of society. Unlike the members of the Sanhedrin who came from the upper echelon of the society and appointed by the empire. What is important for Jesus is the essence of our existence to give L.O.V.E, which is to give Life for others, to give Opportunities of Life, to give Voice for our neighbor that they can freely express their aspiration and their identity, and to give Empowerment by organizing the people in the struggle towards the fullness of life.

Second, the disciples of Jesus are commissioned to bridge the gap instead of building a gap. In the gospel lesson, Abraham said to the rich man, there is a deep pit lying between us (v. 26). What is that “deep pit lying between us” all about? On the issue of human sexuality of that time, gap is the perspective of his disciples, their society, and religious institution on women and their sexuality. In the Greco-Roman dominated Palestinian society, they were taught that women are exclusively for childbearing and rearing and always under the instruction of a man.  They were not allowed to study the Scriptures nor obliged along with children and slaves to recite the “shema” (morning prayer) and even the prayer at meals. They were not counted to constitute a quorum in a meeting or congregational assembly.  In the temple of Jerusalem, women were limited to the outer portion of the temple, and they were separated in the synagogues from men and were not allowed to read aloud or take any leading function.

On the issue of age, for the disciples’ attitude, children were least important beneficiaries of the Kingdom of God. But for Jesus, children were the first actual owners of the kingdom (Luke 18:15-17). The disciples created a gap between Jesus and the children, between the children and the movement of the people. And Jesus said, “Let the children come to me and do not stop them.” This challenge us to make a bridge that bringing the children to Jesus. Let the children come - it means for us - receive the children. And receiving the children is bringing them in the community of faith – that let them involve in the development of an innovative method of education designed to assist them towards a complete fulfillment as an individual person of worth. The statement of Jesus, to let the children come urges us to strongly affirm that all children have the right to quality education, appropriate to their stage of development that utilizes the best education techniques and insights.

Sometimes if not all the time, what makes us separate to one another is our attitude. In the gospel, what Jesus tried to point out is that we must live in a kind of life that is inspiring and empowering, not domineering and discriminating.

And third, the disciples of Jesus build a Christic character instead of doing character assassination. In Luke 17:21, Jesus said, ‘The kingdom of God is within you.’ First, it stressed the values of the Kingdom of God. The values of the kingdom are different from and opposed to the values of this world wherein evil reigned supreme. “The kingdom of God is within you” pointed out inner personal liberation from total allegiance to any temporal power. Second, it made us to realized that God’s political power (Kingship which connotes political power) is within you. This political power about to emerged and come would be from the hands of the poor and the little ones, as stated in the Luke 6: 20, “Happy are you poor; the Kingdom of God is yours!” As disciples of Jesus, it should be our character to bring people together, see each one potential that can be developed for leadership. Ang buhay na may dating sa Diyos bagamat walang datong, is a kind of life creating hopes, opportunities, communities where everybody can express freely and share their own humanity and sexuality; and to launch the new story of life and hope which is a life giving and other affirming. Amen.

Reference:
1.        Gutierrez, Guztavo (1998). Sharing the Word Through the Liturgical Year. Philippines: Claretian Publications.
2.        Pilch, John J. (2004). The Cultural World of Jesus, Sunday by Sunday Cycle C. Philippines: St. Pauls.


“A LIFE THAT IS A GIFT OF LIFE”

 “A LIFE THAT IS A GIFT OF LIFE”
A Biblico-Theological Reflection based on the Gospel of Jesus according to Luke (17:5-10)
By Rev. Jeric C. Cortado, October 2, 2016

Every first Sunday of October, Christian churches celebrates the World Communion Sunday. This celebration was first observed by the Presbyterians in 1936, adopted by the Federal Council of Churches (USA) in 1940, shortly thereafter observed in Methodist and Evangelical United Brethren Church, and inherited by the United Methodist Church founded in 1968 at Texas, USA.  In this celebration we join in Spirit with our sisters and brothers around the world in remembering Christ’s sacrifice and God’s initiative for all of us. We affirm God’s inclusive love and grace, and that we are equal before him, as men and women. And once again reminded the attitudes should be by those in the body or in the movement of Jesus Christ.

First, the willingness to deepen each one’s faith as one body of Christ. The gospel lesson starts with a petition from the apostles, “Dagdagan niyo po ang aming pananalig” (Luke 17:5). According to John J. Pilch, the word “faith” in the New Testament is better translated as “loyalty” or “reliability.” Ang hiling ng mga alagad, ay hiling na tulungan silang mapatatag ang kanilang katapatan sa Diyos, sa misyon ng Diyos at maging reliable sa pagtugon ng mga hamon ng panahon. Same with us today, deepen our faith, strengthen our loyalty to God in Christ and to fully mature as reliable agent of God’s liberating word and actions.

Jesus answered them to have faith like a mustard seed, like one of the smallest seed but gives impact to the world. For Jesus, the size of faith does not matter but having faith either big or small that gives impact. Having faith like a mustard seed, though small but terrible in its impact is a kind of faith supposed to be embrace and live out by the disciples. A kind of faith that leads to build a household, a community where everybody regardless of their races, color, sexual orientation, generation and culture can feel at home, having a safe space and secured place (Luke 13:18-19). Having faith like a mustard seed means having the qualities of life like what the mustard seed have.

According to the studies, this plant is found in the various location of the world. Even though considered as one of the smallest seeds, it can grow up to 20 feet tall and 20 feet wide shrub. It can grow and survive in a dry land, clay or sandy soil, and in the dry and wet climates. Even if the tree will be cut down to the trunk it can grow again. The mustard tree has many uses, it can produce edible salt, the small branches of it can be used as toothbrush, and the leaves can be used to prevent tooth decay and alleviate tooth aches. This plant gives impact anywhere it is planted at any time to anyone.

In this sense, Jesus are called us as his disciples to live out our faith that give impacts to our community, and can survive even in the dry times in our lives, even during the times of pruning we can overcome it and came to be stronger than before.

Second, the willingness to be compassionate as the God our Parent is compassionate (Luke 6:36).  The word “compassionate” came from the word “compassion”, which is in Hebrew word (the plural of a noun) and tradition in its singular form means “womb”. Compassion for the Hebrew people or indigenous and marginalized people during the time of Jesus is both feeling and a way of being that flows out of that feeling. Compassion means “feeling the feelings of somebody else, the suffering of our neighbor and being move by that suffering to do something. Thus, leads us to be compassionate, meaning to be a womb.

Jesus is expecting to live out this attitude by his disciples when he said, “If your brother sins, rebuke him, and if her repents, forgive him. If he sins against you seven times in one day, and each time he comes to you saying, ‘I repent,’ you must forgive him” (Luke 17:3-4). In response to this, the disciples asked to Jesus, “Make our faith greater”, this simply expressed that they have faith but not enough to sustain their life to be compassionate. And so Jesus answered, “If you had faith as big as a mustard seed, you could say to this mulberry tree, ‘Pull yourself up by the roots and plant yourself in the sea!’ and it would obey you” (Luke 17:5-6).

And so, to be compassionate means to serve and not to be served. As Jesus said to his disciples, “Suppose one of you has a servant who is plowing or looking after the field. Do you tell him to hurry along and eat his meal?” (Luke 17:7). Instead of saying, “Get my supper ready…wait on me while I eat and drink..” (Luke 17: 7-8). This reminds us and his early disciples that we should exist not to be served but to serve.

When Jesus said, “Do you tell him/her to hurry along and eat his/her meal,” that in our vernacular could be is saying, “Hunong usa diha sa imong pagtrabaho dong o inday. Naa ko giandam nga pagkaon, mangaon sa ta,” was in the context of the Greco-Roman world that even the relatively poor one had at least one servant. Except, the poorest families who are forced to give some of their children to other families as servants to ensure that they would be fed. Ang nais ipahiwatig ni Jesus ay hayaan ang kapwa na makasalo sa biyaya ng Diyos. Tulungan ang kapwang magawang maibalik ang dangal at pagkakataong lumago. Inviting a servant to eat his meal instead of saying “Get my supper ready,” is an invitation of reclaiming their dignity as a human being. This action reveals the attitudes or the disciples should be, that empowers and provides the opportunity for his/her neighbor to be redeemed to their state of life.

And third, the willingness to deepen our faith as one body of Christ and to be compassionate means to live out a life that is a gift of life. A life that we affirm always during our celebration of the Holy Communion, especially in our prayer of thanksgiving, “We give you thanks for this Holy Mystery in which you have given yourself to us. Grant that we may go into world, in the strength of your Spirit to give ourselves for others, in the name of Jesus Christ, our Lord.” We are gathered in one table to remind ourselves to the final advice of Jesus, “When you have carried out all your orders, learn to say, ‘We are worthless servants, we have only done our duty’.” (v.10). This only says that in doing services and living out our faith, hindi natin hinahanap ang papuri. Sapagkat ang ating ginagawa ay isa nang akto ng papuri at pasasalamat sa Diyos na nagbigay sa atin ng buhay.

Having faith like a mustard seed is having a kind of life that makes the body of Christ relevant and concrete., and the grace of God be visible to the people. It is a kind of faith the brings us again to the Lord’s table and commit once again to be more reliable, bold and strong for the realization of life in its fullness. Amen.

Reference:
1.        Pilch, John J. (2004). The Cultural World of Jesus, Sunday by Sunday Cycle C. Philippines: St. Pauls.