Wednesday, June 1, 2016

“EFFATA: MABUKSAN SA ISANG MAKABULUHANG BUHAY”

 “EFFATA: MABUKSAN SA ISANG MAKABULUHANG BUHAY”[i]
A Biblico-Theological Reflection based on Mark 7:24-27 for the 15th Sunday After Pentecost

Ang lipunang Hebreo na kinamulatan ni Jesus ay nagdanas ng  kahirapang dulot ng heavy religious obligations and civil taxes. Nadagdagan pa ng matinding tagtuyot at mababang ani na nagdulot sa mga magsasaka na masadlak sa pagkakautang at kaalipinan. Masyadong pinahirapan ng mapagsamantalang sistemang ipinapatupad ng relihiyon, puppet na rehimen at ng imperyong Roma. Sa ganitong kalagayan, ang mamamayang Hebreo ay naghangad ng isang mamumuno sa kanila tungong kalayaan. Magbukas ng pagkakataon upang maranasan ang inaasam na buhay na ganap at kasiyaya. At sa ganito ngang kalagayan, nagsimula ang ministeryo at samahan ni Jesus tungo sa matuwid na daan ng pagbabago.

Itinatampok ng aralin sa ebanghelyo ang katagang binitawan ni Jesus na “EFFATA”, ibig sabihin “Mabuksan”.

Una, ang katagang “EFFATA” ng Panginoon ay nagpapahiwatig ng hamong maging bukas para sa lahat ang ating paglilingkod. Sa pagdating ni Jesus sa lugar na kung saan sana siya makapagpahinga mula sa kanyang hectic schedules ay agad itong dinumog ng mga tao. Sa layuning makapagpahanga ay sinadya nitong lumayo muna sa lupain ng mga Hudyo. Dumako pansamantala upang makapagpahinga sa paganong lipunan. Sa pagdating niya sa lugar ang babaeng may anak na inaalihan ng masasamang espiritu ay nagpatirapa sa kay Jesus. Ipinamamanhik ng babaing Hentil na pagalingin ang anak niya.

Ang mga Hentil ay isa sa mga kinasusuklamang lipi ng mga Hudyo. Sapagkat ang kanilang kulay at kaanyuan ay nagpapaalala sa kalupitang dinanas nila sa mga dayuhang kadugo nito. Sa kulturang nagpautal at nagbingi ng lipunang Hudyo. Ang babaeng ito ay kabilang sa kulturang minsang nananakop at nag-alipin sa bayan ng Diyos, sa mga anak ng Diyos. Kapuna-puna sa tugon ni Jesus ang nararamdaman ng mga Hudyo sa mga Hentil. “Kailangang busugin muna ang mga anak. Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga tuta.” Kulang na lang sabihin ng diretsahan na hindi siya priority. Walang badyet para sa kanya at hindi kasali sa misyon ni Jesus at ng mga alagad.

Napaka-harsh ang salitang binitawan ni Jesus, “..Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga tuta.” Sa harap ng mga alagad nito na patuloy na binibigyan ng instruction sa inclusive ministry sinabi ito ni Jesus. Sinabi ni Jesus sa babae ang tingin ng mga Hudyo sa mga tulad nilang Hentil. Sa pamamagitan ng babaing ito, inihayag ni Jesus ang exclusivist na pananaw ng mga alagad niyang Hudyo sa misyon ng pagpapalaya sa bayan ng Diyos. Inihayag ni Jesus ang “common perspective” na kailangang baguhin ng mga Hudyong alagad ni Jesus.

Pangalawa, ang tugon ng babaeng itinuturing na tuta ay EFFATA. “Tunay nga po, Panginoon, ngunit ang mga tuta mang nasa ilalim ng hapag ay naninimot ng mga mumong nalalaglag ng mga anak.”  Ang tugon ng babaing ito ay hindi lamang kapakumbabaan, kundi pagpapahalaga sa grasya ng Panginoong sinasayang ng mga anak ng Diyos. Ang tugon ng babaeng ito ay larawan ng katotohanan na bagamat sila ay bahagi ng kultura ng imperyo, subalit sila man din ay biktima mismo ng kanilang imperyo. Sila man din na nasa mababang uri ng kanilang sosyodad ay nangangarap ding maka-alpas sa kinasasadlakang hirap. Sa kahirapang di kayang tugunan ng imperyong kinabibilangan nito at wala silang ibang pinaniniwalaan kundi si Jesus. Ang tugon ng babae ay nagpapahiwatig na ang misyon ng Diyos ay hindi lamang sa Hudyo kundi sa lahat ng mga api, aba, at pinagsasamantalahan. Ang EFFATA na hatid ng babae ay ang ma-realize ng mga alagad ang inclusive mission ng Diyos. At sila ay tinawag upang tumugon at maging bahagi sa mission na ito.

Pangatlo, ang katagang “EFFATA” ng Panginoon ay nagpapahiwatig ng hamong mabuksan tayo sa isang makabuluhang buhay. The life and ministries of Jesus is the greatest manifestation of God’s initiative to heal our land. It is stated in our Book of Worship, that the root word healing in the New Testament Greek, sozo, is the same as that of salvation and wholeness. It is God’s work of offering persons balance, harmony, and wholeness of body, mind, spirit, relationship through confession, forgiveness, and reconciliation between God and humanity. It is our ministry as the Body of Christ making our fellowship as sanctuary of healing.

In the gospel, we can see Jesus showing us what we should do and what we can do in the world in which we live. In our Book of Discipline we affirmed that whenever United Methodist has had a clear of mission, God has used our Church to save persons, heal relationship, transform social structures. We live out the word of Jesus, “Ephphatha, be opened!” Open up! And actively demonstrate a common life of gratitude and devotion, witness and service, celebration and discipleship. Amen.



[i] Rev. Jeric C. Cortado, Southern Philippines Methodist Colleges, Inc., September 6, 2015.

No comments:

Post a Comment