“TURNING THE
ORDINARY VESSEL TO AN EXTRA-ORDINARY VESSEL”
Isaiah
62:1-5; 1 Corinthians 12:1-11; John 2:1-11
Rev.
Jeric C. Cortado, January 17, 2016
Almost two
years na rin kami dito sa Kidapawan, fourteen years bago ako nakabalik dito.
Kasabay ng pagpasok ko sa ministry ay ang pag-alis ko ng Kidapawan kung saan
ako ipinanganak at nagkamulat. Napadpad sa Makilala, Cavite, Mlang, Cotabato
City, Kabacan bago bumalik dito sa Kidapawan. Isang kagalakan na nakabalik ako
dito sa piling ng aking mga kamag-anak. Namulat ako na sa tuwing may okasyon sa
aming pamilya, hindi maaring pupunta ka na wala kang dala o contribution sa
isang okasyon. Maalala ko pa noon na kapag may mag-birthday sa pamilya nina
Auntie Verning at Uncle Pedong, may bitbit din kaming “soft drinks” or kakanin
or ibang menu. Parang nakaugalian lang…hindi naman obligasyon….o sapilitan.
Ganito siguro kung naramdaman mong bahagi ka ng isang pamilya. Alam kong
kaugalian natin ito bilang mga Asyano, lalong higit sa mga bansang sa kabila ng
kahirapan ay may matatag na pagkakapatiran at ugnayan sa isa’t isa. Mga
katangiang buhay na buhay din sa kapanahunan ni Jesus. Isang karangalan sa
kapanahunan ni Jesus ang maanyayahan sa isang okasyon at isang kapahayagan ng
pagkakapatiran ang may maihandog o maiabot na “regalo” ayon sa pangangailangan
ng particular na okasyon noon. Ang
kasalan sa kapanahunan ni Jesus ay isang masayang pagdiriwang kung saan
pinaghahandaan hindi lamang ng mga ikakasal kundi ng pamilya, kamag-anak, at kabayan
nito. Ang lahat ay abala sa paghahanda sa layuning magkaroon ng isang masaya at
grandiyusong pagdiriwang. Nakasalalay sa pagdiriwang ang karangalan hindi
lamang ng ikakasal kundi ng buong mag-anak at bayan. Sa ganitong kalagayan,
bahagi ng kanilang kultura ang “ambagan” para sa pagdiriwang kagaya ng ating
kaugalian bilang mga Pilipino.
Sa
kapanahunan din ni Jesus, reyalidad din ang malaking pagtaas ng agwat ng
mahirap at mayaman sa lipunan. Ang mga tao ay natutukoy ayon sa kanilang suot,
upuan sa mga pampublikong establishments, at mga okasyon. Ang ganitong
kalakaran ay kapansin-pansin din sa mga kagamitan at sisidlang ginagamit sa mga
okasyong kagaya ng kasalan. May tapayan na ginawa para sidlan ng tubig, may
tapayang laan para sa mababaang uri ng alak at sa special na mga alak. This is
the mindset of the society instilled by the Greco-Roman Empire who collaborated
with the hierarchy of the Temple. Sinasabi nga na ang “abundant wine” ay isa sa mga tampok
kapag may kasalan noon. Isang malaking kahihiyan sa mga nag-aasawa ang nauubusan
ng alak sa kalagitnaan ng pagdiriwang. At ang kahihiyang ito ay babaunin nila
hanggang sa kanilang kamatayan. Kaya ang inang si Maria ay gumawa ng
inisyatiba. At ang tugon ni Jesus sa kanyang ina, “Huwag ninyo akong pangunahan, Ginang!(Babae) Hindi pa ito ang panahon
ko.” Bilang tugon ni Maria, sinabihan niya ang mga naglilingkod, “Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa
inyo” (2:5). Sa tagpong yaon, maaring nagtatalo sa loob ni Jesus at ni Maria
ang kanilang relasyon bilang mag-ina. Sapagkat sa bawat pagkilos ni Jesus at ng
kanyang samahan ay laging nakaugnay sa mga adhikain niya at sa nagsugo sa
kanya.
Our readings
simply points out that even the “ordinary” could bring extra-ordinary gifts. In
this sense, Jesus counter-flows the mindset that hope is came out from the
ordinary and not from above. The miracle is not actually turning the water into
wine but turning the “ordinary” representing the poor, oppressed, marginalized,
exploited, deprived but struggling (pomeds) people into a vessel of the
greatest love of God to all, like the greatest wine. The ordinary jar turned
into extra-ordinary jar because it was used for a special wine. In the story,
Jesus clarified to us that once we give ourselves, our time, talents, and lives
for the mission of God as lived out by Jesus. We become an extra-ordinary one -
a vessel of God’s grace to all. Thus, turning water into wine means turning our
life to become the elements that enlightens and empowers, and not simply
refreshing. Amen.
No comments:
Post a Comment