Thursday, April 19, 2018

Morning Praise and Prayer through Shi Ba Shi

Morning Praise and Prayer through Shi Ba Shi

GATHERING
“BLESS THE LORD”
BLESS THE LORD, MY SOUL, AND BLESS GOD'S HOLY NAME. BLESS THE LORD, MY SOUL, WHO LEADS ME INTO LIFE. (3X)
 “DAYGON TA ANG DIOS, UG DAYGON ’YANG NGALAN,
 DAYGON TA ANG DIOS, NAG- GIYA KANATO” (3X)

+CALL TO PRAISE AND PRAYER
Leader: God of all beginnings, you created humankind in your own image, male and female.
People: O God our Parent, help us to be redeemed in that image as integral components of the ecosystem.
Leader: God of all beginnings, you created the elements that made the earth and all lives in it.
People: O God our Parent, help us to nourish our interdependence.
Leader: God of all beginnings, you created us affirm the sacredness of life that dwells within and around us.
People: Help us, O God our Parent, to harmoniously unify and uplift our spirit, breathe peace of mind and revitalize our body in our daily life and activities.
All: Amen. 

At this moment, the Tibetan bowl will be beaten thrice

SONG                                          “MORNING HAS BROKEN”
BAGONG UMAGA’Y, BAGONG LIWANAG, HUNI NG IBON NA KAY LIYAG.

ATING AWITAN, BAGONG PAGSIKAT, SIKAT NA DULOT NG WIKA NIYA.

TUBIG NA ALAY NG KALANGITAN, AY HAMOG SA HALAMANANG TANGKAY.
ATING PURIHIN, BANLAW SA LUPANG, SUMISIKOL SA PAGDAAN NIYA.

BAWAT UMAGA’Y BAGONG PAG-ASA, DULOT NIYANG BUHAY SA KALULUWA.
BATIS NA LAYA’T KAHINAHUNAN AY DUMADALOY SA LIKHA NIYA.

LECTION             
REFLECTION  

MEDITATIVE MOVEMENT OF SHI BA SHI
At this moment, the instructor/leader will introduce the basic orientation and the spirituality expressed through Shi Ba Shi.

Leader: Brothers and sisters, Shi Ba Shi stands for the 18 oriental healing movements that emphasized the importance of being one with the nature. As we do the 18 movements of healing, we are putting ourselves to embrace in the life giving Spirit revealed in the nature, re-weaving ourselves into the tapestry of humanity, and enable us to inspire oneself and our neighbour.

Then the Leader will lead the prayer with the Meditative Movements. The Leader will say. Let us pray together.

O God of Nature, as we do the 18 meditative movements of healing help us to be healed. Help us to enjoy the space for our own holistic and spiritual growth.
AMEN.
Having a moment of silence.

O God of Nature, as we do the 18 meditative movements of healing, relieve us from the unnecessary tensions and stress that oppressed us.
AMEN.
Having a moment of silence.

O God of Nature, as we do the 18 meditative movements of healing, restore our intrinsic energy, give us peace of mind that help us discern our priorities in life.
AMEN.
Having a moment of silence.

O God of Nature, as we do the 18 meditative movements of healing, purify us from pollutants and make us alert, focus and with sharp memory.
AMEN.
Having a moment of silence.

O God of Nature, as we do the 18 meditative movements of healing, makes our immune system healthy, cleanse and energize us.
AMEN.
Having a moment of silence.

Leader: Amen, Amen, Amen.

Then the Leader will introduce the 18 meditative movements of healing.

1.       Waving hands by the lake.
2.       Expanding chest on top of the mountain.
3.       Painting the rainbow.
4.       Parting the clouds.
5.       Weaving silk in the air.
6.       Rowing the boat.
7.       Sage presents peach.
8.       Gaze at the moon.
9.       Wind rustles lotus leaves.
10.   Waving hands in the clouds.
11.   Scooping the sea and viewing the sky.
12.   Rolling with the waves.
13.   The dove spread it wings.
14.   Dragon emerging from the sea.
15.   The flying wild goose.
16.   Windmills turning in the breeze.
17.   Bouncing ball in the sunshine.
18.   Natures fragrance drifts up.

THE LORD’S PRAYER
DIOS NA MAGULANG, BANAL ANG NGALAN. PAMAMAYANI AY SUMAAMIN. GAWIN NAWA ANG ‘YONG KALOOBAN. SA LUPA GAYA NG LANGIT.

IPAGKALOOB NGAYON SA AMIN, PANG-ARAW-ARAW NAMING KAKANIN. KAMI SA SALA AY PATAWARIN, NAGPAPATAWAD SA KAPWA RIN.

H’WAG MONG SA TUKSO’Y KAMI’Y TULUTAN. KUNDI ILIGTAS SA KASAMAAN. PAMAMAYANI, KAPANGYARIHAN, KALUWALHATIAN, SA ‘YONG TANAN. AMEN.

+BLESSING
Leader: The Lord blesses us and keeps us. The Lord makes his face shine on us and be gracious to us. The Lord look upon us with favour and grant us peace. Amen.

Response through a Song                             
“KAPAYAPAAN”
(“Shalom to You” Tune)
KAPAYAPAAN, NAWA’Y MANAHAN. GAWARAN MO, DIOS NG KALAKASAN
AT SA KAY CRISTO, KAMI’Y MATUTO NA PAGLINGKURAN ANG SAMBAYANAN

+++++++

The Great Thanksgiving in Building a Compassionate Community with PLHIV and their Families

THANKSGIVING AND COMMUNION[1]
(For the World AIDS Day or related celebration)

TAKING THE BREAD AND CUP
The pastor, standing behind the Lord’s Table, facing the people from this time through Breaking the Bread, takes the bread and cup; and the bread and wine are prepared for the meal.

THE GREAT THANKSGIVING
Pastor: The Lord be with you!
People: And also with you!
Pastor: Lift up your hearts. The pastor will lift hands and keep them raised.
People: We lift them up to the Lord
Pastor:  Let us give thanks to the Lord our God.
People: It is right to give our thanks and praise

Pastor: It is right and good to give our thanks and praise to you, O God our Parent. For you created as male and female with the capacity to establish empowering relationship, and an inhabited world that is a sanctuary for each other. We breathe with your breath, and called as “good” in the creation. Your love, God our Parent remain steadfast and through your prophets and Jesus Christ you taught us to love our neighbor, especially the poor, oppressed, marginalized, exploited, and deprived, and like the people living with HIV and AIDS and their families. You delivered us from captivity and made covenant with us. And so with all the prophets of yesterday and of today, and all the martyrs and saints we sing a hymn of unending praise.

The pastor will lower his/her hands.

All: HOLY, HOLY, HOLY LORD! GOD OF POWER AND MIGHT. HEAVEN AND EARTH ARE FULL OF YOUR GLORY. HOSANNA IN THE HIGHEST! BLESSED THE ONE WHO COMES IN THE NAME OF THE LORD. HOSANNA IN THE HIGHEST!

The pastor will raise his/her hands.

Pastor: Holy are you, O God our Parent, because you loved the world so much, you sent your beloved Son Jesus, preach good news to the poor, to proclaim freedom for the prisoners, recovery of sight for the blind, to release the oppressed, and to proclaim the Day of the Lord. By the baptism of Jesus’ suffering, death and resurrection, you gave birth to your Church, delivered us from the bondage of sin and death, and made with us a new covenant by water and the Spirit.

The pastor will hold hands, palms down, over the bread or lift the bread.

On the night in which Jesus gave himself for us, He took bread baked by the women, gave thanks to You, broke the bread and gave is to his disciples, and said: “Take, eat; this is my body which is given for you. Do this in remembrance of Me.”

The pastor will hold hands, palms down, over the cup or lift the cup.

When the supper was over he took the cup, gave thanks to you, gave it to his disciples, and said: “Drink from this, all of you; this is my blood of the new covenant, poured out for you and for many for the forgiveness of sins. Do this, as often as you drink it, in remembrance of Me.” 

The pastor will raise his/her hands.

With this bread and with this wine, we eat and drink in solidarity with our sisters and brothers living with HIV and AIDS, and their families, as we proclaim the mystery of faith.

All: CHRIST HAS DIED; CHRIST IS RISEN; CHRIST WILL COME AGAIN.

The pastor will hold hands, palms down, over the bread and cup.

Pastor: Pour out your Holy Spirit on us gathered here, and on these gift of bread and wine. Make them be for us the body and blood of Christ that we may be for the world the body of Christ, redeemed by his blood.

The pastor will raise his/her hands.

By the same Spirit heal us in body, mind, and spirit, cleansing away all that separates us from you. By your Spirit make us one with Christ, one with each other, and one in ministry to all the world, until Christ comes in victory, and we feast at God’s banquet. Through you Son Jesus Christ, with the Holy Spirit in your Holy Church, all honor and glory is yours, God our Parent, now and for-ever.

All: Amen! Amen! Amen!

THE LORD’S PRAYER
The pastor’s hands will be extended in open invitation.
And now, with confidence of children of God, let us pray.

The pastor will raise his/her hands.

Dios na Magulang, Banal ang ngalan.
Pamamayani ay sumaamin. Gawin nawa ang ‘yong kalooban.
Sa lupa gaya ng sa langit.
Ipagkaloob ngayon sa amin, pang-araw-araw naming kakanin.
Kami sa sala ay patawarin, nagpapatawad sa kapwa rin.
H’wag mong sa tukso’y kami’y tulutan. Kundi iligtas sa kasamaan.
Pamamayani,
kapangyarihan, kaluwalhatian, sa ‘Yong tanan. Amen

THE BREAKING OF THE BREAD
The pastor, still standing behind the Lord’s table facing the people, breaks the bread while saying:
Because there is one loaf, we, who are many, are one body, for we all partake of the one loaf. The bread which we break is a sharing in the body of Christ.

The pastor lifts the cup while saying:
The cup over which we give thanks is a sharing in the blood of Christ.

GIVING THE BREAD AND CUP
The bread and wine are given to the people with these words being exchanged:
The body of Christ, given for you. AMEN.

The blood of Christ, given for you. AMEN.

PRAYER AFTER COMMUNION

Reference:
1.        (2013) Building Compassionate and Caring Churches and Communities with People Living with HIV and AIDS. NCCP: Philippines.
2.        The United Methodist Book of Worship.




[1] Rev. Jeric C. Cortado, Southern Philippines Methodist Colleges, Inc., Mt. Apo Village, Kidapawan City. April 2018.

Monday, April 2, 2018

Blessing of the Good Friday Oil

ANG PAGBABASBAS NG LANGIS SA BIYERNES SANTO[1]

Ang pagtatalaga ay gawin matapos ang Sermon gamit ang Basic Pattern of Worship. Ang lahat ay magsitayo.

Pastor: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang.
Lahat: Amen.
Pastor: Mga kapatid, sinasabi nating mapalad ang mga nagtitiyaga at nagtitiis. Narinig na ninyo ang tungkol sa pagtitiis ni Jacob, at ang ginawa sa kanya ng Panginoon sa bandang huli. Ito’y nagpapakilalang mabuti at mahabagin ang Panginoon. Pagagalingin ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya. Ibabangon siya ng Panginoon, at patatawarin kung siya’y nagkasala. Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong kapwa ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ang isa’t isa, upang kayo’y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid (halaw sa Sulat ni  Santiago 5:11, 15-16).

PAGBABASBAS SA LANGIS                       
Pastor: O Diyos, nagpapasalamat kami sa kaloob na langis. Kung paanong pinahiran ng Iyong mga apostol ng langis ang maraming maysakit at pinagaling sila, ibuhos mo rin ang iyong Banal na Espiritu sa amin at sa kaloob na langis na ito,  upang maranasan nang buong-buo nilang tumatanggap na may pananalig at pagsisisi ang gawain ng pagpapahid ng langis; sa pamamagitan ni Jesu-Cristong aming Panginoon. Amen.

Sa diwang ito gagawin ng pastor ang pagpapahid ng langis sa noo. Ang kongregasyon ay maaring mag-aalay ng tahimik na panalangin sa harap ng altar bago babalik sa kinauupuan.



[1] Ang ritwal ay una kong ginamit sa Biyernes Santo ng taong 2011, Founder United Methodist Church, Brgy. Aringay, Kabacan, Cotabato.

Easter Sunday Liturgy Guide

ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA LINGGO NG MULING-PAGKABUHAY NG PANGINOON[1]

PAGTITIPON
PAGHAHANDA
Ang pananambahan ay magsisimula sa madilim na paligid. Ang komunidad ay magtipon sa harap ng isang malaking liwanag na sumasagisag sa muling pagkabuhay. Naroon din makikita ang Kandila ng Pagkabuhay. Ang bawat isa ay magkaroon ng mga kandila na sisindihan sa hudyat ng tagapanguna.

+TAWAG SA PAGSAMBA
Tagapanguna: Sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Santo Espiritu. 
 Lahat: Amen.
Tagapanguna: Ang biyaya at ang kapayapaan mula kay Cristo-Jesus, ating Panginoon ay sumainyo.
Komunidad: At sumainyo rin!
Tagapanguna: Mga kapatid kay Cristo, sa banal na umagang ito kung saan napagtagumpayan ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang kamatayan. Tayo ay nagtitipon bilang iglesya upang magnilay at magdiwang sa tagumpay ni Cristo laban sa kamatayan!
Komunidad: Hosanna sa kaitaasan!

+PANIMULANG PANALANGIN                                          

PAGPAPARANGAL SA BAGONG ILAW
PAGBABASBAS NG SIGA
Pastor: Ang kapayapaan ni Cristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikiisa ng Santo Espiritu ay sumainyong lahat.                    
Komunidad: At sumaiyo rin.
Tagapanguna: Ang pagtawid ng Panginoon mula sa kamatayan patungo sa pagkabuhay ay inilalarawan ng apoy na nagbibigay liwanag sa kadiliman ng gabi.
Pastor: Tayo ay manalangin. (Tumahimik) Diyos na aming Magulang, sa pamamagitan ng iyong Anak kami’y iyong dinulutan ng ningas ng iyong kaliwanagan. Ang bagong ningas na ito ay iyong gawing banal at ipagkaloob mong kami’y pagningasin nitong aming pagdiriwang upang makasapit kaming may dalisay na kalooban sa walang maliw na kaliwanagan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalanghanggan.
Lahat:  Amen.

Pagkatapos na mabasbasan ang bagong apoy, ang kandila ng muling pagkabuhay ay dadalhin ng acolyte sa pastor.

PAGSINDI NG KANDILA NG PAGKABUHAY
Sisindihan ng Acolyte ang Kandila ng Pagkabuhay, at sasambitin ang mga sumusunod:
Ang Liwanag ni Cristo na sumibol sa kalangitan, winakasan ang kadilimang hatid ng kasalanan at kamatayan.

Ang sindidong Kandila ng Pagkabuhay ay itataas upang makita ng lahat, sasabihin ng Acolyte:
Si Cristo ang ating Liwanag!

At sasambitin ng Pastor ang mga sumusunod:
Mapawi nawang tuluyan ang dilim ng kasalanan sa puso natin at isipan. Si Jesu-Cristo’y nabuhay, siya’y ating kaliwanagan.

+PRUSISYON PAPASOK SA SANGTUARYO
Sa diwang ito sisindihan ng kapatiran ang kanilang dalang kandila.
Tagapanguna: Mangyaring sindihan ang inyong mga kandila mula sa apoy ng kandila ng Pasko ng Pagkabuhay.
Pagkatapos ay umayon ng prusisyun patungo sa sangtuaryo, habang sinasaliwan ng angkop na awitin o musika. Titigil ang Pastor sa Chancel, siya ay haharap sa tao, sasambitin ang mga sumusunod:

Pastor: Tayo nang magbigay-dangal kay Jesus na ating ilaw sa diwa nati’t isipan. Si Jesu-Cristo’y nabuhay, siya’y ating kaliwanagan.

Komunidad: Salamat po, O Dios, sa ilaw na iyong bigay, upang kami ay tanglawan. Si Cristo-Jesus ay nabuhay. Si Cristo-Jesus ang ating kaliwanagan.

Ilalagay ng pastor ang Kandila ng Pagkabuhay sa dapat kalagyan. Ilalagay ang mga kandilang dala ng mga tao sa tabi o sa paligid ng Kandila ng Pagkabuhay, na nakalagay sa lugar na makikita ng lahat. At pagkatapos ang mga ilaw sa dakong sambahan ay pailawin na.

+AWIT NG MULING PAGKABUHAY NI JESUS       
“CELEBRATE, JESUS CELEBRATE”

PROKLAMASYON AT TUGON
ANG ARALIN MULA SA GAWA NG MGA APOSTOLES
Tagabasa: Ang pagbasa mula sa Gawa ng mga Apostoles (10:34-43 basahin). Ang Salita ng Diyos.                                             Komunidad: Salamat sa Diyos.
Tugon:  (aawitin, “Ang Salita ng Diyos”HFJ#353) Ang salita ng Dios ay may sinag, Laging nagniningning ang bukas; Kung sa kamay ng Dios ilalagak, Ang yaman na angkin at hirap.

ANG ARALIN SA MGA LIHAM
Tagabasa: Ang pagbasa mula sa Sulat ni Apostol Pablo sa mga taga-Colosas (3:1-4 basahin). Ang Salita ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos.
Tugon:  (aawitin, “Ang Salita ng Diyos”HFJ#353) Ang salita ng Dios ay may sinag, Laging nagniningning ang bukas; Kung sa kamay ng Dios ilalagak, Ang yaman na angkin at hirap.

+PAGDAKILA SA EBANGHELYO

+ANG ARALIN SA EBANGHELYO
Pastor: Sumainyo ang Panginoon.                          
Komunidad: At sumaiyo rin.
Pastor: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.
Komunidad: Papuri sa iyo, Panginoon.
Pastor: (Basahin ng malinaw ang Juan 20:1-18). Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Tugon:(awitin, Alleluia, UMH186) Alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia.

ANTHEM                                    

SERMON                                                                           

+KAPAHAYAGAN NG PANANAMPALATAYA        

TAWAG SA PAGSISISI
Tagapanguna: Ang kamay ng Diyos ang nagdala sa atin upang magsama sa dako at panahong ito. Ang Diyos ay umaanyaya upang suriin ang ating mga sarili sa kanyang iglesya. Gaano tayo kabukas sa Diyos? Gaano natin kamahal ang ating kapwa? Gaano tayo katotoo sa liturhiyang ating pinagsasaluhan? Tayo ay magsuri.

Ang lahat ay magkaroon ng sandaling katahimikan at tahimik na pagbubulay.
Tugon: (Jesus, Remember Me, UMH#488) Jesus, Remember me when you come into your kingdom. Jesus, remember me, when you come into your kingdom.

ANG PAGSISISI
Tagapanguna: O Diyos, kami ay nangungumpisal sa iyo na sa maraming pagkakataon ay hindi kami naging bukas sa iyo. Hindi namin nakikilala ang iyong kabutihan sa aming kapwa dahil sa aming pagkamakasarili. T
Tagapanguna: Itinuon namin ang aming isipan sa mga makamundong bagay at binalewala ang iyong kalooban sa amin. T
Tagapanguna: O aming Diyos, patawarin ninyo po kami sa aming kahibangan, sa aming kayabangan, at sa aming mga pagkukulang. T
Tagapanguna: Ihinga mo nga sa amin minsan pa ang hininga ng buhay, at kami ay lalakad sa iyong liwanag at kabanalan. Amen.

+SALITA NG PAGPAPATAWAD
Pastor: Tayo ay pinatawad ng Diyos, sa kanyang habag pinagkalooban tayo ng bagong buhay at pagkakataon. Kumikilos ang Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga propeta at ni Cristo-Jesus upang dalhin ang kaganapan ng buhay. Patuloy na kumikilos ang Diyos upang tayo ay palayain at gawing mapagpalaya.                                                                     

+GLORIA                

PASASALAMAT AT KOMUNYON
TAWAG SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna: Mga kapatid, “huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa iba sapagkat iyan ang haing kinalulugdan ng Diyos” (Hebreo 13:16).                                              

+ANG PAGHAHANDOG                                                            
+DOKSOLOHIYA                   
+PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

ANG PAGPAPAHAYO
MGA MALASAKIT AT BALITA
IMNO                             “The Day of Resurrection”  TMH # 437

PANALANGING PASTORAL                                                   
+BENDISYON                   
+TATLONG AMEN                                                                          
PAGHAYO
+++++++++++++++






[1] Inihanda ni
Rev. Jeric C. Cortado, April 20, 2014

Blessing of Water

RITWAL SA PAGBABASBAS SA TUBIG[1]
Prepared by Rev. Jeric C. Cortado, 2013 

Bahagi ng tradisyong Kristiyano ang pagbabasbas ng tubig na gagamitin sa pagbabautismo, pagbabasbas sa mga tao, mga dako, mga kagamitan at sa pagtataboy ng mga masasamang espiritu. Malimit itong inilalagay sa isang “water font” na kadalasan ay matatagpuan sa pasukan ng simbahan. Bilang pagpapaalala sa ating tinanggap na Bautismo, isinasawsaw ng mga Kristiyano ang kanilang mga kamay sa nabasbasang tubig at ipinapahid sa kanilang noo sa anyong krus habang pumapasok sa simbahan. Sa Orthodox Church, binabasbasan nila ang tubig upang magamit sa mga serbisyo ng pagbabasbas at pagtataboy ng mga demonyo at masasamang espiritu. Sa Anglican Church, ginagawa ang pagbabasbas ng tubig sa panahon ng pagdiriwang ng Sakramento ng Binyag. Subalit sa ilan sa mga kasapi ng Anglican Communion, ang paggamit ng tubig sa mga pagbabasbas ng mga dako at kagamitan ay naging optional. Ito ang isa sa mga namana nating mga Metodista, ang tubig ay ginagamit sa pagbibinyag at bahagi ng ating ritwal sa pagbibinyag ay ang pagbabasbas ng tubig. Ang natirang tubig na nabasbasan ay ating inilalagay sa isang container upang magamit sa pagbabasbas ng mga kagamitan, ng tao at dako. Subalit nasa discretion ng pastor kung gagamit ng tubig sa pagbabasbas, bagama’t marami na rin akong nakasalamuhang pastor na Metodista na gumagawa nito lalong higit dito sa Mindanao. Ang gabay sa pagbabasbas ng tubig na ito ay hinango sa ginagawa ng mga naunang Kristiyanong komunidad kung saan nakaugat din sa ating Biblical tradition. Maaring gawin ang pagbabasbas bilang bahaging ritwal sa isang regular ng pananambahan, bagama’t nakaugalian na itong isinasagawa sa Semana Santa, o sa tuwing ipinadiriwang ang Easter Sunday.

Gagawin ang pagbabasbas ng tubig matapos ang Sermon. Tatayo ang sa likod ng altar or Lord’s Table, o kung saan nakalagay ang “font” na pinaglagyan ng tubig. Sasambitin ng pastor ang mga sumusunod habang nakaharap sa mga tao:

Mga kapatid, ang tubig na ito ay isang paalala sa tinanggap nating bautismo at pagkakakilanlan bilang isang Kristiyano. Hilingin natin sa Diyos na pakabanalin ito at hayaang maranasan natin ang presensya ng Banal Espiritu sa mga ito.

Matapos ang sandaling katahimikan ay magpapatuloy ang pastor sa kanyang pananalangin.

Diyos na aming Magulang, ang kaloob Mong tubig na bukal ng buhay at pag-asa, naglilinis sa aming mga kasalanan at nagkakaloob ng buhay na ganap at kasiya-siya.  Basbasan niyo po ang tubig na ito, hayaang maranasan ang Iyong pagkalinga sa pamamagitan nitong tubig. O Diyos, bukal ng buhay at pag-asa, gawin mo kaming malaya mula sa kasalanan sa pamamagitan ng tubig na ito. At hayaang lumapit sa Iyo upang tanggapin ang biyaya ng kaligtasan. Sa kay Cristo Jesus, kasama ng Santo Espiritu. Amen.

Kukunin ng pastor ang asin na nakalagay sa isang mangkok at itataas habang sinasambit ang mga sumusunod:
Diyos na aming Magulang, basbasan niyo ang asin na ito, at kung paanong binasbasan mo ang asin na ibinuhos ni Propeta Eliseo sa bukal ng tubig upang gawing malinis at magbigay ng buhay (2 Hari 2:19-21). Saan man gamitin ang asin at tubig na ito ay maging kapahayagan nawa ng paglilinis, pagpreserba at pagpapanumbalik sa kalikasan ng buhay, maging bukal ng kapangyarihang nakapagpapataboy ng karamdaman, ng masasamang espiritu, at nagsisilbing sanggalang.  Amen 

Ilalagay ng pastor ang asin sa nabasbasang tubig.
Sinabi ng Diyos, “Wiwisikan ko kayo ng tubig na dalisay upang kayo’y luminis. Aalisin ko rin ang naging mantsa ninyo dahil sa inyong mga diyos-diyosan. Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu” (Ezekiel 36:25-26).

Itataas ng pastor ang kanyang kamay at sasambitin ang mga sumusunod:
O Diyos, linisin niyo po kami, sala namin ay hugasan at kami ay puputi nang walang kapantay (Awit 51:7)

Sa diwang ito, sasalok ang pastor ng nabasbasang tubig, ilalagay sa isang sisidlan at wiwisikan ang mga tao. Kapag nakabalik na ang pastor sa kanyang lugar, haharap ang pastor sa madla at sasabihin ang mga sumusunod:
Nawa’y ang makapangyarihang Diyos ay maglilinis sa ating mga kasalanan at gawin tayong karapat-dapat sa kanyang makalangit ng piging. Amen.
+++++++++++++++++++++++++





[1] Ang ritwal na ito ay naihanda bilang bahaging topiko sa klase ng Sacramental Theology and Practice class ng SPMCI, school year 2013-2014. Ginamit ko itong ritwal nang ako ay madestino sa Founder United Methodist Church, Brgy. Aringay, Kabacan, Cotabato at sa SPMCI mismo.