ANG SERBISYO NG PAGSAMBA SA LINGGO NG
MULING-PAGKABUHAY NG PANGINOON[1]
PAGTITIPON
PAGHAHANDA
Ang pananambahan ay magsisimula sa madilim na paligid. Ang
komunidad ay magtipon sa harap ng isang malaking liwanag na sumasagisag sa
muling pagkabuhay. Naroon din makikita ang Kandila
ng Pagkabuhay. Ang bawat isa ay magkaroon ng mga kandila na sisindihan sa
hudyat ng tagapanguna.
+TAWAG SA
PAGSAMBA
Tagapanguna: Sa pangalan ng Ama, ng Anak,
at ng Santo Espiritu.
Lahat:
Amen.
Tagapanguna: Ang biyaya at ang kapayapaan
mula kay Cristo-Jesus, ating Panginoon ay sumainyo.
Komunidad: At sumainyo rin!
Tagapanguna: Mga kapatid kay Cristo, sa
banal na umagang ito kung saan napagtagumpayan ng ating Panginoong Jesu-Cristo
ang kamatayan. Tayo ay nagtitipon bilang iglesya upang magnilay at magdiwang sa
tagumpay ni Cristo laban sa kamatayan!
Komunidad: Hosanna sa kaitaasan!
+PANIMULANG
PANALANGIN
PAGPAPARANGAL
SA BAGONG ILAW
PAGBABASBAS NG
SIGA
Pastor: Ang kapayapaan ni Cristo, ang
pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikiisa ng Santo Espiritu ay sumainyong lahat.
Komunidad: At sumaiyo rin.
Tagapanguna: Ang pagtawid ng Panginoon mula
sa kamatayan patungo sa pagkabuhay ay inilalarawan ng apoy na nagbibigay
liwanag sa kadiliman ng gabi.
Pastor: Tayo ay manalangin. (Tumahimik)
Diyos na aming Magulang, sa pamamagitan
ng iyong Anak kami’y iyong dinulutan ng ningas ng iyong kaliwanagan. Ang bagong
ningas na ito ay iyong gawing banal at ipagkaloob mong kami’y pagningasin
nitong aming pagdiriwang upang makasapit kaming may dalisay na kalooban sa
walang maliw na kaliwanagan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo kasama ng Espiritu
Santo magpasawalanghanggan.
Lahat: Amen.
Pagkatapos na
mabasbasan ang bagong apoy, ang kandila ng muling pagkabuhay ay dadalhin ng
acolyte sa pastor.
PAGSINDI NG
KANDILA NG PAGKABUHAY
Sisindihan ng
Acolyte ang Kandila ng Pagkabuhay,
at sasambitin ang mga sumusunod:
Ang
Liwanag ni Cristo na sumibol sa kalangitan, winakasan ang kadilimang hatid ng
kasalanan at kamatayan.
Ang sindidong Kandila ng Pagkabuhay ay itataas upang
makita ng lahat, sasabihin ng Acolyte:
Si
Cristo ang ating Liwanag!
At sasambitin ng Pastor ang mga sumusunod:
Mapawi nawang tuluyan ang dilim
ng kasalanan sa puso natin at isipan. Si Jesu-Cristo’y nabuhay, siya’y ating
kaliwanagan.
+PRUSISYON
PAPASOK SA SANGTUARYO
Sa diwang ito
sisindihan ng kapatiran ang kanilang dalang kandila.
Tagapanguna: Mangyaring sindihan ang inyong
mga kandila mula sa apoy ng kandila ng Pasko ng Pagkabuhay.
Pagkatapos ay
umayon ng prusisyun patungo sa sangtuaryo, habang sinasaliwan ng angkop na
awitin o musika. Titigil ang Pastor sa Chancel, siya ay haharap sa tao,
sasambitin ang mga sumusunod:
Pastor: Tayo nang magbigay-dangal kay
Jesus na ating ilaw sa diwa nati’t isipan. Si Jesu-Cristo’y nabuhay, siya’y
ating kaliwanagan.
Komunidad: Salamat po, O Dios, sa ilaw na
iyong bigay, upang kami ay tanglawan. Si Cristo-Jesus ay nabuhay. Si
Cristo-Jesus ang ating kaliwanagan.
Ilalagay ng
pastor ang Kandila ng Pagkabuhay sa dapat kalagyan. Ilalagay ang mga kandilang
dala ng mga tao sa tabi o sa paligid ng Kandila
ng Pagkabuhay, na nakalagay sa lugar na makikita ng lahat. At pagkatapos
ang mga ilaw sa dakong sambahan ay pailawin na.
+AWIT NG MULING PAGKABUHAY NI
JESUS
“CELEBRATE,
JESUS CELEBRATE”
PROKLAMASYON
AT TUGON
ANG ARALIN
MULA SA GAWA NG MGA APOSTOLES
Tagabasa: Ang pagbasa mula sa Gawa ng mga Apostoles (10:34-43 basahin). Ang Salita
ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos.
Tugon: (aawitin, “Ang Salita ng
Diyos”HFJ#353) Ang salita ng Dios ay may
sinag, Laging nagniningning ang bukas; Kung sa kamay ng Dios ilalagak, Ang
yaman na angkin at hirap.
ANG ARALIN SA MGA LIHAM
Tagabasa: Ang pagbasa mula sa Sulat ni Apostol Pablo sa mga taga-Colosas (3:1-4
basahin). Ang Salita ng Diyos. Komunidad:
Salamat sa Diyos.
Tugon: (aawitin, “Ang Salita ng
Diyos”HFJ#353) Ang salita ng Dios ay may
sinag, Laging nagniningning ang bukas; Kung sa kamay ng Dios ilalagak, Ang
yaman na angkin at hirap.
+PAGDAKILA SA EBANGHELYO
+ANG ARALIN SA EBANGHELYO
Pastor: Sumainyo ang Panginoon.
Komunidad: At sumaiyo rin.
Pastor: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.
Komunidad: Papuri sa iyo, Panginoon.
Pastor: (Basahin ng malinaw ang Juan 20:1-18). Ang Mabuting Balita ng
Panginoon.
Tugon:(awitin,
Alleluia, UMH186) Alleluia, alleluia,
alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia.
ANTHEM
SERMON
+KAPAHAYAGAN NG PANANAMPALATAYA
TAWAG SA
PAGSISISI
Tagapanguna: Ang kamay ng Diyos ang nagdala
sa atin upang magsama sa dako at panahong ito. Ang Diyos ay umaanyaya upang
suriin ang ating mga sarili sa kanyang iglesya. Gaano tayo kabukas sa Diyos?
Gaano natin kamahal ang ating kapwa? Gaano tayo katotoo sa liturhiyang ating
pinagsasaluhan? Tayo ay magsuri.
Ang lahat ay
magkaroon ng sandaling katahimikan at tahimik na pagbubulay.
Tugon: (Jesus, Remember Me, UMH#488) Jesus, Remember me when you come into your
kingdom. Jesus, remember me, when you come into your kingdom.
ANG PAGSISISI
Tagapanguna: O Diyos, kami ay
nangungumpisal sa iyo na sa maraming pagkakataon ay hindi kami naging bukas sa
iyo. Hindi namin nakikilala ang iyong kabutihan sa aming kapwa dahil sa aming
pagkamakasarili. T
Tagapanguna: Itinuon namin ang aming isipan
sa mga makamundong bagay at binalewala ang iyong kalooban sa amin. T
Tagapanguna: O aming Diyos, patawarin ninyo
po kami sa aming kahibangan, sa aming kayabangan, at sa aming mga pagkukulang. T
Tagapanguna: Ihinga mo nga sa amin minsan pa
ang hininga ng buhay, at kami ay lalakad sa iyong liwanag at kabanalan. Amen.
+SALITA NG
PAGPAPATAWAD
Pastor: Tayo ay pinatawad ng Diyos, sa
kanyang habag pinagkalooban tayo ng bagong buhay at pagkakataon. Kumikilos ang
Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga propeta at ni Cristo-Jesus upang dalhin ang
kaganapan ng buhay. Patuloy na kumikilos ang Diyos upang tayo ay palayain at
gawing mapagpalaya.
+GLORIA
PASASALAMAT
AT KOMUNYON
TAWAG SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna: Mga kapatid, “huwag nating kaligtaan ang paggawa ng
mabuti at ang pagtulong sa iba sapagkat iyan ang haing kinalulugdan ng Diyos”
(Hebreo 13:16).
+ANG
PAGHAHANDOG
+DOKSOLOHIYA
+PANALANGIN UKOL
SA PAGHAHANDOG
ANG
PAGPAPAHAYO
MGA MALASAKIT AT BALITA
IMNO “The Day of Resurrection” TMH # 437
PANALANGING PASTORAL
+BENDISYON
+TATLONG AMEN
PAGHAYO
+++++++++++++++
No comments:
Post a Comment