Monday, April 2, 2018

Blessing of the Good Friday Oil

ANG PAGBABASBAS NG LANGIS SA BIYERNES SANTO[1]

Ang pagtatalaga ay gawin matapos ang Sermon gamit ang Basic Pattern of Worship. Ang lahat ay magsitayo.

Pastor: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang.
Lahat: Amen.
Pastor: Mga kapatid, sinasabi nating mapalad ang mga nagtitiyaga at nagtitiis. Narinig na ninyo ang tungkol sa pagtitiis ni Jacob, at ang ginawa sa kanya ng Panginoon sa bandang huli. Ito’y nagpapakilalang mabuti at mahabagin ang Panginoon. Pagagalingin ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya. Ibabangon siya ng Panginoon, at patatawarin kung siya’y nagkasala. Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong kapwa ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ang isa’t isa, upang kayo’y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid (halaw sa Sulat ni  Santiago 5:11, 15-16).

PAGBABASBAS SA LANGIS                       
Pastor: O Diyos, nagpapasalamat kami sa kaloob na langis. Kung paanong pinahiran ng Iyong mga apostol ng langis ang maraming maysakit at pinagaling sila, ibuhos mo rin ang iyong Banal na Espiritu sa amin at sa kaloob na langis na ito,  upang maranasan nang buong-buo nilang tumatanggap na may pananalig at pagsisisi ang gawain ng pagpapahid ng langis; sa pamamagitan ni Jesu-Cristong aming Panginoon. Amen.

Sa diwang ito gagawin ng pastor ang pagpapahid ng langis sa noo. Ang kongregasyon ay maaring mag-aalay ng tahimik na panalangin sa harap ng altar bago babalik sa kinauupuan.



[1] Ang ritwal ay una kong ginamit sa Biyernes Santo ng taong 2011, Founder United Methodist Church, Brgy. Aringay, Kabacan, Cotabato.

No comments:

Post a Comment