SERBISYO NG PASASALAMAT 2018[1]
PAGPASOK
PAGTITIPON
+AWIT NG
PAGTITIPON SPMCI Chorale
“SURELY
THE PRESENCE OF THE LORD IS IN THIS PLACE”
Words and
Music by LANNY WOLFE
+PROSESYUNAL
Candle Lighters, Bible Bearer, Graduating Class and
Parents/Guardians, Faculty and Staff, Board of Trustees, President and Guest
Preacher, Officiating Pastors.
PAGBATI AT
PAGTANGGAP Prof.
Framer Cristy P. Mella
SPMCI President
+TAWAG SA PAGSAMBA
Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating
Magulang, ng Anak, at ng Santo Espiritu.
Komunidad: Amen.
Tagapanguna: Ang biyaya at kapayapaan mula sa Diyos ay sumainyo.
Komunidad: At sumaiyo rin.
Pastor: Sa
pagtitipon natin ngayon, ating ipinagdiriwang ang tagumpay na nakamit ng ating
mga kapatid na nag-aral sa Southern Philippines Methodist Colleges Inc., at sa
galak na hatid nito sa kanilang mga magulang, tagasuporta, at komunidad na
pinanggalingan nila. Ating kilalanin ngayon ang kanilang mga inaning karunungan
at paglago. Salubungin natin ang biyayang hatid ng pagdiriwang na ito sa ating
lahat.
Lahat: Hosanna sa
kaitaasan!
+IMNO “GREAT IS THY FAITHFULNESS”
Tunay kang
matapat, Dios na Magulang
Di nagbabago,
di nag-iiba.
Maghapon,
matanghali, maumaga;
Sa buong
panahon, matapat ka!
Koro:
Tunay
kang matapat, tunay kang matapat!
Araw-araw
aking namamalas.
Ang
iyong kabutihang walang kupas,
Tunay
kang matapat, sa paglingap.
Tag-araw’t
tag-ulan at tag-ani man,
Araw, buwa’t
bituin sa gabi.
Nag-aawitang
lagi’t sumasaksi;
Sa katapatan
mong anong laki. (Koro)
Kapatawaran at
kapayapaan,
Mga pangako
mong umaakbay.
Lakas ngayo’t
pag-asang sumisilang,
Ang lahat ng
ito’y Iyong bigay. (Koro)
+PANIBUKAS
NA PANALANGIN
Tagapanguna: Tayo ay manalangin.
Lahat: O Diyos na aming Magulang, aming Guro na kumakalinga, nagtuturo ng tunay
na karunungan upang kami ay mamuhay sa pag-ibig at kapayapaan. Puspusin nawa ng
iyong pag-ibig at patnubay ang pananambahan naming ito. Sa kay Cristo Jesus,
kasama ng Santo Espiritu magpasawalanghanggan. Amen.
TAWAG SA PAGSISISI
Tagapanguna: Inaanyayahan tayo ni Jesus, ang Mabuting Pastol na tumawag sa ating
pangalan upang tayo ay makasunod sa kanya sa landas ng kabanalan at kalayaan.
Suriin ang ating mga sarili sa kanyang harapan at ikumpisal ang ating mga
kasalanan sa Diyos at sa kapwa.
Ang lahat ay
magkaroon ng sandaling katahimikan.
Tugon: PANGINOONG
DIOS, MAHABAG KA
PANALANGIN
SA PAGSISISI
Tinig 1: Panginoong Jesus, inihayag mo sa amin ang daan tungo sa landas ng
kabanalan at kalayaan mula sa gapos ng kasakiman at kaalipinan. Panginoon,
patawarin niyo po kami. T
Tinig 2: Ipinagkaloob mo sa amin ang aliw na dulot ng katotohanan at karunungan.
Inihatid mo kami sa buhay na walang hanggan. Panginoon, kaawaan mo kami. T
Tinig 3: Naging maramot kami sa aming kapya, naging pabaya sa aming mga
tungkulin. Madalas kami ay lumalabag sa iyong kalooban at tumataliwas sa iyong
mga kautusan. Patawarin ninyo po kami. T
+SALITA NG PAGPAPATAWAD
Pastor: Ang ating pagsisisi ay isang pagkilala sa ating katauhan at
pangangailangan sa biyaya ng Diyos. Nangako ang Diyos na patatawarin tayo sa
ating mga kahinaan. Tanggapin natin ang katiyakang ito nang may kapakumbabaan.
Sa ngalan ni Cristo-Jesus napatawad tayo.
+GLORIA
GLORIA! GLORIA! IN EXCELSIS DEO! GLORIA! GLORIA! ALLELUIA! ALLELUIA!
PROKLAMASYON AT TUGON
DALANGING PANGKALIWANAGAN
Pastor: Panginoon, buksan mo ang aming puso at isipan sa bisa ng iyong Banal na
Espiritu, at nang samantalang binabasa ang mga Kasulatan at ipinoproklama ang
iyong Salita, marinig naming may kagalakan ang sinasabi Mo sa amin ngayon.
Amen.
ARALIN SA LUMANG TIPAN Deut. 26:16-19 Gladimei Labagan
ARALIN SA EPISTULA James
3:13-18 Ruel Jade Zaldivar
+PAGDAKILA SA EBANGHELYO
Alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia,
alleluia.
(Alleluia, UMH186)
+ARALIN SA EBANGHELYO Matthew 5:1-16
The Rev. Shirlee Ann V. Casiano, ECP
DALIT NA AWIT “GOD’S FAITHFUL SHEPHERDS” Graduating Class
By Douglas E. Wagner
PAGPAPAKILALA
SA PANAUHING MANGANGARAL
Rev. Reymond C. Dungao
Rev. Reymond C. Dungao
SERMON
Rev. Connie Semy P. Mella, Th.D.
Academic Dean, Union Theological Seminary
+KAPAHAYAGAN
NG PANANAMPALATAYA
Pastor: Tayo ay magkaisa sa kapahayagan ng pananampalatayang Kristiyano.
Lahat: Sumasampalataya tayo sa
Diyos, ang Amang makapangyarihan, tagapaglikha ng langit at daigdig.
Sumasampalataya tayo kay Jesu-Cristo, ang namumukod-tangi N’yang anak, ang
ating Panginoon. Ipinaglihi S’ya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na
Espiritu at isinilang ni Birheng Maria. Nagdusa S’ya sa ilalim ng pamamahala ni
Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, at inilibing. Bumaba S’ya sa hanay ng
mga patay. Sa ikatlong araw, muli S’yang bumangon. Umakyat S’ya papasok sa
langit, at iniluklok sa gawing kanang kamay ng Ama. Muli S’yang darating upang
hatulan ang mga nabubuhay at ang mga patay. Sumasampalataya tayo sa Banal na Espiritu,
sa banal na Iglesia Katolika, sa komunyon ng mga banal, sa muling pagkabuhay ng
katawan, at sa buhay na walang hanggan. Amen.
PAGGAWAD NG SERTIPIKO NG PAGKILALA
Prof.
Framer Cristy P. Mella
SPMCI President
PARANGAL SA MGA MAGULANG Graduating Class
PARANGAL SA MGA ISPONSOR Graduating Class
PARANGAL SA MGA GURO Graduating Class
PASASALAMAT AT KOMUNYON
Ang
Pastor ay tatayo sa likod ng Dulang
PAANYAYA
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna: Ang pagiging mabuting katiwala ng biyaya ng
Diyos sa atin ay makapagkakaloob ng lugar sa hapag ng Diyos sa mga kapatid
nating gutom at hikahos, matutuluyan ng mga walang masilungan at
mapagpahingahan. Ang ating mga kaloob ay kapahayagan ng ating pasasalamat sa
Diyos sa biyayang kaloob, sa kanyang pagkalingang nahayag sa pamamagitan ni
Cristo Jesus.
+PAGHAHANDOG
Seedling
Graduating Student: Inihahandog namin ang
halamang ito na sumasagisag sa buhay na nadiligan ng biyaya ng karunungan at
paghahanda upang maging mabunga sa mundong kinalalagyan. Lalabas kami sa
pintuan ng Southern Philippines Methodist Colleges, Inc. na taglay ang mga
biyayang ito. O Diyos, sa Iyo namin ito inihahandog.
Bulaklak
Graduating Student: Ipinahahayag mo O
Diyos, sa mga bulaklak ang iyong kaluwalhatian, sa kamangha-mangha mong
nilikha. Ang katotohanan sa muli mong pagkabuhay na hindi lamang aliw ang hatid
kundi, kalayaan at walang hanggang buhay. Lalabas kami sa pintuan ng SPMCI
bilang kapahayagan ng iyong kamangha-manghang pag-ibig at pagkalinga. O Diyos,
sa iyo namin ito inihahandog.
Sindidong Kandila
Graduating Student: Sa sindidong kadilang
ito, ginugunita namin O Diyos, ang iyong walang patlang na pagkalinga. Maging
sa panahon ng mga kadiliman, pagsubok at kamatayan. Hinihingi namin ang
patnubay ng Banal na Espiritu na nagbibigay liwanag sa aming mga paglalakbay,
pagpapasiya at paggawa. Lalabas kami sa pintuan ng SPMCI taglay ang
pagpapahayag ng aming pananampalataya sa kabanalan at katauhan ng Panginoong
Jesus-Cristo. O Diyos, sa Iyo namin ito inihahandog.
Sablay
Graduating Student: Ang sablay na aming
isusuot sa seremonya ng pagtatapos ay sumasagisag sa tagumpay na aming nakamit.
Sa natatanging tatak ng SPMCI na aming minahal at niyakap. Sagisag ng
paglalagay namin sa aming sarili sa pagsusulong ng dangal ng buhay, karunungang
napapanahon, biyaya ng pagkakaiba-iba, at paglago sa anumang anyo at larangan.
O Diyos, sa Iyo namin ito inihahandog.
Medalya at Sertipiko
Graduating Student: Ang mga medalya na
isasabit at sertipiko na ibibigay sa mga magsisipagtapos ay sumasagisag ng
pagpapamalas ng kahusayan sa pagkakataon at karapatang ipinagkaloob na matuto
at lumago. Kapahayagan ito ng pagkilala at parangal sa mga mag-aaral na
nagpamalas ng kahusayan sa pag-aaral. O Diyos, itulot Mong maging sagisag ito
sa Iyong paanyaya na pag-ibayuhin, pagyamanin, at pahalagahan ang edukasyong
aming karapatan at katungkulan. O Diyos, sa Iyo namin ito inihahandog.
Cash/Love Gifts/Monetary Offering
Graduating Student: Aming Diyos, na
nagkaloob sa amin ng pangitain sa iyong mga layunin at kalooban. Itinatalaga po
namin ang mga kaloob na salapi, tinapay at alak sa pagsusulong ng mga gawaing
Iyong niloob. Ipadama mo nga sa amin ang Iyong Espiritu upang lumakas kami sa
paglilingkod. Tanggapin N’yo po ang aming paghahandog na kapahayagan ng aming
binago at pinasiglang pagtatalaga sa iyong mga hamon at aming bokasyon. Amen.
IMNO NG PAGKAKAISA
Words and Music by
Lucio D. San Pedro
Katulad ng mga butil na
tinitipon
Upang maging tinapay na nagbibigay buhay
Kami nawa’y matipon din
At maging bayan Mong giliw
Koro:
Iisang Panginoon, iisang katawan
Isang bayan, isang lahi
Sayo’y nagpupugay
Katulad din ng mga ubas
Na piniga at naging alak
Sino mang uminom nito
May buhay na walang hanggan
Kami nawa’y maging sangkap
Sa pagbuo nitong bayang liyag
(Koro)
Upang maging tinapay na nagbibigay buhay
Kami nawa’y matipon din
At maging bayan Mong giliw
Koro:
Iisang Panginoon, iisang katawan
Isang bayan, isang lahi
Sayo’y nagpupugay
Katulad din ng mga ubas
Na piniga at naging alak
Sino mang uminom nito
May buhay na walang hanggan
Kami nawa’y maging sangkap
Sa pagbuo nitong bayang liyag
(Koro)
PAGHAHANDOG
NG TINAPAY AT ALAK
ANG
DAKILANG PASASALAMAT
Pastor: Sumainyo ang Panginoon.
Komunidad: At sumaiyo
rin.
Pastor: Itaas ninyo ang inyong mga puso.
Komunidad: Itinataas
namin ang mga yaon sa Panginoon.
Pastor: Magpasalamat tayo sa Panginoon nating
Diyos.
Komunidad: Matuwid na
magpasalamat at magpuri.
Pastor: Matuwid …imno ng pasasalamat at
pagdakila.
Lahat: (aawitin) Kabanalbanalang Dios ng lakas at tatag.
Langit lupa’y
pinagpapala, papuri ay sa langit.
Mapalad S’yang
parating sa ngalan ng Dios.
Papuri ay sa
langit.
Pastor: Banal ka, O Diyos … misteryo ng
pananalig sa kay Cristo.
Lahat: (aawitin)
Namatay, at nabuhay, babalik muli.
Pastor: Ibuhos mo …ngayon at sa walang
hanggan.
Tugon: (aawitin)
Amen, Amen, Amen.
Pastor: At ngayon, …manalangin tayo:
Lahat: (aawitin)
Dios na Magulang, Banal ang ngalan.
Pamamayani ay sumaamin. Gawin nawa ang ‘yong kalooban.
Sa lupa gaya ng sa langit.
Ipagkaloob ngayon sa amin, pang-araw-araw naming kakanin.
Kami sa sala ay patawarin, nagpapatawad sa kapwa rin.
H’wag mong sa tukso’y kami’y tulutan. Kundi iligtas sa kasamaan.
Pamamayani,
kapangyarihan, kaluwalhatian, sa ‘Yong tanan. Amen.
PAGPIRA-PIRASO NG TINAPAY
PAMAMAHAGI NG TINAPAY AT ALAK
+PANALANGIN NG PASASALAMAT
PAGPAPAHAYO
KONSAGRASYON SA MGA MAGSISIPAGTAPOS
Sa diwang ito aanyayahan ng Pastor na lumapit ang mga
magsisipagtapos sa harapan, habang ang mga magulang nila, sponsor, at guardians
ay nasa kanilang likuran.
Pastor: Ang mapagpalayang turo ni Cristo sa pamamagitan ng SPMCI, ang pagiging
mabuting katiwala, ang talino, ang kahusayan sa pamamahala at paglilingkod sa
kapwa ay sumainyo.
Graduating Student: Amen.
Graduating Student: Diyos, aming Magulang
at dakilang Guro, kilala niyo kami at tinawag sa pamamagitan ng aming mga
pangalan. Kilala niyo na kami bago pa namin kayo nakilala, minahal niyo na kami
bago namin kayo minahal. Marinig nawa namin ang iyong tinig at hamon upang
itaguyod ang kinabukasang may pag-asa.
Pastor: Basbasan mo ang mga mag-aaral na ito sa kanilang
pagtatapos sa kolehiyo. Nagpapasalamat kami sa kanilang mga gurong matiyaga na
nagturo. Sa mga magulang, sponsor at guardians na umalalay sa kanilang
pag-aaral. Samahan niyo po sila sa kanilang patuloy na paglalakbay. Alisin niyo
po sa kanila ang mga pag-aalinlangan at lahat ng sagka upang maunawaan ang
layunin ng kanilang buhay. Maitanim sa kanilang isip at puso ang kahalagahan ng
pananalig sa iyo at ng katapatan. At sa kanilang paghayo, mahayag sa
pamamagitan nila ang natatanging tatak at katangian ng SPMCI, bilang bukal ng
tanglaw at balon ng mga dakila. Amen.
+IMNO NG SPMCI “BUKAL NG TANGLAW, BALON NG MGA DAKILA”
The assigned representatives will come before the altar.
The Officiating Pastor lights from the altar candle the candle of each
representative. As we sing the SPMCI hymn, the graduating students may offer
the lighted candle to their parents as the sign of their unending and deepest
gratitude.
+RITUAL SA
PAGTATANIM NG PUNO
+BENEDIKSYON
Tugon ng
Koro: “THE LORD BLESS YOU AND KEEP
YOU”
By Peter C. Lutkin
PAGHAYO
+++++++++++++++++++
SPMCI HYMN
“BUKAL NG TANGLAW, BALON NG DAKILA”
Lyrics by: Rev. Jeric C. Cortado Music by: Dss. Emelyn S.
Castillo
Southern Philippines Methodist Colleges,
Bukal ng Tanglaw at Pamarisan
Pangitain at mithii’y matapat,
Edukasyon bukas para sa lahat.
Kay
Kristong Banal at Mapagpalaya,
Hinugot
ang misyong binabandila
Ang
pananalig na mapagpalaya,
Napapanahong
dunong na dakila.
Koro:
SPMC, sa Diyos ang papuri,
Hangad mong bayan na walang uri.
Dangal ng buhay na itinatangi,
SPMC(3X), bigkis ng Tatlong Lahi.
Ang
kahusayan sa pamamahala,
Kapayapaan
at katarungan.
Pagkakaisa’t
pagkakapatiran,
Huwaran
ka aming karangalan
Coda:
Southern Philippines Methodist Colleges,
SPMC, balon ng mga Dakila
Huwaran ka, aming paaralan,
Kahit saan at, magpakaylanman.
[1]
Prepared by Rev. Jeric C. Cortado, Acting Dean of the College of Theology,
Southern Philippines Methodist Colleges, Inc., Mt. Apo Village, Kidapawan City,
Philippines.
No comments:
Post a Comment