“SI JONAS AT SI
YAHWEH”
Isang Pagninilay sa Aklat ni Jonas sa Pamamagitan ng Maikling Dula
Ni: Jeric C. Cortado, December 2006
SCENE 1: Creation to
Conflict (Malikhaing Galaw)
SCENE 2: Si Jonas at si
Yahweh nag-uusap patungkol sa Ninive. Si Jonas ay sinugo ni Yahweh.
ONSTAGE
Yahweh :
Jonas….Jonas…. Ikaw ay magaling, masunurin, at matapat na lingkod.
Jonas : Aba
siyempre Yahweh… Kahit saan mo ako susuguin…pupunta ako.
Anuman ang iyong ipag-uutos susunod ako.
Yahweh : Yan ang
gusto ko sa yo Jonas….
Jonas : Ako pa!
Susunod ako Yahweh.
Yahweh : Kahit
saan?
Jonas : Oo!
Yahweh : Nakita ko
ang kanilang kalagayan….nahihirapan at lugmok sa
kasamaan. Walang tumutulong sa kanila upang
mabago at lumaya.
Jonas :
Aba! Dapat lamang silang tulungan
Yahweh. Kaya….
Yahweh : Kaya
pumunta ka sa Ninive….
Jonas : Aba!
Kahit saan…. Wag lang sa Ninive!
Yahweh :
Libo-libong mga naroroon na walang kamalay-malay sa kanilang
pagkawasak.
Jonas : Sila ay
dapat lang na magunaw! Karapat-dapat nilang maranasan ang
pagkawasak sa
kanilang kasamaan! Sariwa pa sa aking isipan
ang pagsasamantala, ang kahirapang idinulot sa aming bayan. Marami sa
amin ang nawalan ng ama, ng ina, ng anak dahil sa kanilang kalupitan noong
sinakop kami. Marami sa amin ang kanilang binihag at inalipin.
Yahweh : Sila mandin sa kasalukuyan ay
nakakaranas ng paghihirap. Marami din
sa kanila ang mga uring pinagsasamantalahan. At
inaalipin sa sarili
nilang
bayan. Kailangan silang ugnayan at samahan.
Jonas :
Nakakalito ka Yahweh….hindi kita maintindihan!
Yahweh : Hindi mo
ako naiintindihan dahil galit ang nasa puso mo. Hindi simpleng
bayan ang pinag-uusapan dito Jonas! Kundi uri
(tatahimik) na bagamat
marami sa
bilang ay inaalipin at pinagsasamantalahan ng iilan.
Jonas : (natahimik
sa Jonas) O sige…sige. Ikaw naman ang laging tama eh.
Pupunta ako. Dahil alam ko naman…hindi rin sila magbabago.
Sinasayang
ko lang ang panahon ko doon.. Dapat lang silang magunaw.
Yahweh : Ano yong
sinabi mo?
Jonas :
Hehehe….wala po Yahweh. Sige po Yahweh aalis na ako….
(aalis
si Jonas sa patakas sa direksyon ng Tarsis. Subalit ito ay napuna
ni Yaweh)
Yahweh : Hindi
diyan ang daan patungong Ninive Jonas…. Pa Tarsis yan… dito
ang patungong Ninive.
Jonas : Aw! Oo
nga….Sabi ko nga po…diyan eh.
EXIT
SCENE
3:
Sa daan patungong Tarsis….
ONSTAGE
Papasok
sa lower right stage si Jonas…lingon ng lingon na tila may pinagtataguan at may
humahabol ang tingin sa kanya…makakatagpo niya sa center left ng mga taong
patungong Tarsis.
Jonas : Dito po
ba ang daan patungong Tarsis (hapong- hapo ang mukha)?
Tao 1 : Oo
dito nga…
Tao 2 : Pa
Tarsis ka rin ba?
Jonas : (palinga-linga) Hah! Oo… pa Tarsis din
ako.
Tao 3 :
Sumabay ka na sa amin…
Jonas :
Sige..salamat.
[Biglang
may malakas na pagsabog at sunod-sunod na putukan….ang lahat ay
nagkagulo…nagsihanapan ng makukublihan…papasok ang mga kasapi ng Big Fish
community…tutulungan silang makalabas sa kaguluhang yaon]
EXIT
SCENE
4:
Si Jonas sa Big Fish Community. Ang komunidad ay magtitipon sa pang-umagang
debosyon.
“Kadakilaan
Mo”[1]
Kakilaan
Mo, O Dios sinasaysay ng bawat tanawing aking minamasdan,
Kapangyarihan
mo sa puso nakintal, kaya magpupuri habang nabubuhay.
Sa
hangin at bundok, sa tubig at lupa, sa dagat at batis, sa bawat nilikha,
Kapangyarihan
mo doo’y nababadya, kaya’t kagalakan ang magpuring kusa.
O
Dios dakila! Dakila kailanman! Puso’y sumisigaw, di ko mapigilan,
Kaligayahan
ko ang aking isasaysay, kal’walhatian mo na di mapaparam.
[Tapos ng awit, makikita
ang daily routine ng komunidad sa umaga at sa buong araw.]
Papasok si Jonas….
Luz : O
Jonas! Kumusta ka na? Kumusta na ang iyong pakiramdam?
Jonas : Nasaan
ako? Anong lugar ito?
Greg : Nasa
sinapupunan ka ng Malaking Isda...isang komunidad. Kami ay mga
kasapi rito…malayang namumuhay dito. Dati
kaming mga alipin at
bihag ng digmaan…binihag ng Asirya… Tulad mo
mga Israelita din
kami..
Luz :
Salamat kay Yahweh at ligtas ka na….
Jonas : (gulat na tugon)Yahweh?
Luz :
Oo…bakit?
Jonas : Ahhh..wala
po…wala…wala.
Greg : Ano
ang iyong pakay sa Tarsis?
Jonas : Hindi
sa Tarsis ang punta ko… Tumakas lang ako kay Yahweh… sa
nagsugo sa akin patungong Ninive.
Luz at Greg : Ninive!
Greg :
Lungsod iyon ng Imperyong Asiria…
Jonas : Lugar
na kinasusuklaman ko…bansang kiniiinisan ko…lahing dapat lang
magunaw at maubos. Silang nag-alipin at
nagpahirap sa atin. Ngunit
hindi ko maintindihan si Yahweh….bakit sinugo
niya ako doon.
Maligtas daw sila at mabago….
Luz :
Mahabagin si Yahweh….
Jonas : Pero
hindi siya makatarungan!
Luz : Ang
pag-ibig niya ay hindi lamang para sa atin…kundi laan para sa lahat.
Jonas : Dapat
lang na magunaw sila! Nararapat lamang sa kanila ang parusa ng
Diyos. Yon ang nais kong gawin ni Yahweh. Wasakin
ang mapang-
aliping bayan na yan!
Greg : Isinugo ka hindi dahil sa
Asiria…..hindi dahil sa Israel. Ikaw ay lingkod
niya at propeta hindi dahil sa iyong bayan. Hindi
dahil sa mga
Israelita…kundi dahil sa kay Yahweh. Mayorya
din sa kanila ang uring
biktima ng karahasan at inhustiya sa kanilang
bayan. Biktima ng
teroristang pangangatake ng kanilang estado.
Luz :
Balita ko…malubha ang karamdamang kinakaharap nila at
nangangailangan sila ng tulong…hangad din
nilang lumaya…katulad
natin. Marami din tayong mga kababayaan
doon…ating mga ka-uri.
Jonas : (lalakad papalayo sa
dalawa….tahimik…nagnilay…makikita ang
pagbabago ng
posisyon…mukhang nakumbinsi ang mokong!) Noong
nasa
bingit ako ng kamatayan…ang muntik nang maputol ang aking
hininga…naalala ko si Yahweh. Ilinigtas niya
ako sa pamamagitan
ninyo… (tatahimik)
Tutuparin ko ang kanyang mga sugo.. Kailangan
kong pumunta sa Ninive.
Luz at Greg : Ihahatid
ka na namin….
Jonas :
Salamat…
EXIT
SCENE
5:
Sa Ninive
(Ang
mga movers na magpoproject ng kalagayan ay naandoon na…wala pang gagalaw)
Jonas : Nasaan ang mga tao dito? Patay
na yata! Mabuti naman kung
ganon. Kahit mangaral ako dito…alam ko
matitigas ang ulo nila….hindi
rin sila magbabago. At sa gayon…higit nilang
mararanasan ang
paghuhukom …magugunaw ang bayan na ito!
(Ipakikita
sa malikhaing galaw ang kalagayan mayroon sa Ninive)
Jonas :
Magugunaw ang lugar na ito….masisira ang bayang ito. Hanggat
nananatili ang pagsasamantala! Hanggat
nananatili ang
kasakiman! Hanggat nananatili ang
pagkagahaman ng tao sa
kapangyarihan. Na sa halip na tugunan ang
lehitimong hinihingi ng
kanyang bayan ay dahas ang isinasagot. Gugunawin ang lugar na ito.
Hanggat hindi panghawakan ang pagbabago na
kalooban ni Yahweh.
(Pero
naroon pa at the back of Jonas’ mind na hindi magbabago ang mga taga-Ninive)
[Si
Jonas sa harap ng audience…change mode mula sa pagiging propetang projection]
Jonas : Ok ba
ang linya ko…hindi magbabago ang Ninive. (exit
going toward sa audience na proud. O Ano maniniwala ba kayo na mababago? (itatanong sa audience habang naglalalakad)
Asus! (Paasar na actuation)
(Subalit
sa di niya inaasahang pangyayari…nagbago ang mga tao sa Ninive..bagay na
ikinagalit niya kay Yahweh.) [Makikita ng galaw na naglalarawan ng pagsisi ng
mga tao ang at pagbabago ng lipunan..aawitin ng komunidad na salitan ang mga
sumusunod]
LORD, HEAR OUR PRAYER
A A G
F E E G G F
E D D
Lord, hear our
prayer. Lord, hear our prayer
DELIVER US, O LORD
A A A
A G A G
G G G F-F E
D
De li ver us, O Lord. De li ver us, O
Lord
Then fade…
Jonas : (Papasok) Hindi dapat mangyari ito!!
Yahweh : (Papasok) Jonas…Ano ang iyong problema?
Jonas : Alam ko
na ikaw ay mahabagin, O Yahweh. Matiyaga, punong-puno ng
Pag-ibig
at awa. Madaling mapawi ang iyong galit. Ibig ko pang mamatay
kaysa
mabuhay at nakikita ko kung papaano mo ginawang ligtas ang
Ninive. Kaysa makitang buhay ang mga tao sa
bayang iyan. Mamatay na
lang sana ako!
Yahweh : Ano ang
iyong ikinagagalit? Ang nais ko sa aking bayan ay maging
makatarungan sa lahat. Maging daluyan ng
paglaya…ibigin ang
kapwa…ihayag ang Mabuting Balita…yan ang
iyong Misyon. (Going to
exit with Jonas, habang inaakbayan). Ako ay
Ako nga. Ako ay Diyos na
manlilikha…hindi lang kayo ang concern ko….sila
din. Kung papaano
ang pagpapahalaga ko sa inyo…ganon din sa
kanila…
Jonas : Ang
labo mo kasi kung minsan Yahweh….hindi kita maintindihan…
Yahweh : Buksan mo
lang ang iyong puso…imulat mo ang iyong mga mata sa
kalagayan ng iyong paligid…naandoon
ako…nakikipag-uusap…
nakikipag-usap sa’yo…tiyak maiintindihan
mo…..O aawit na yata
kayo … pumunta ka na.
Jonas : Anong
ka? Anong ako?…kasama ka doon… di ba? Anong saysay ng
awit…anong mensahe…kung di ka namin kasama (may ngiti). God is
with us.
Yahweh : O siya…..
EXIT
FINALE
: Aawitin
ng Choir ang THE MISSION o ng grupo (movers) ang PANANAGUTAN.
Walang sinuman ang
nabubuhay para sa sarili lamang,
Walang sinuman ang
namamataya para sa sarili lamang.
Koro:
Tayong lahat ay may
pananagutan sa isa’t-isa, tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling Nya.
Sa ating
pagmamahalan ang paglilingkod sa kanino man, Tayo’y itinuring ng Panginoon
bilang mga anak. (Koro)
Sabay-sabay na
nag-aawitan ang mga bansa, tayo may magdadala ng Balita ng Kaligtasan. (Koro)
TABLEAUX
Lahat: Sa Pangalan ng
Ama, ng Anak, at ng Santo Espiritu. Amen.
EXIT
Curtain!
[1] Komposisyon ni S.E
Ruperto, isinalin sa Filipino ni Dr. Romeo del Rosario, kasalukuyang Pangulo ng
Union Theological Seminary.
No comments:
Post a Comment