Wednesday, September 13, 2017

ANG SERBISYO NG KAMATAYAN AT MULING PAGKABUHAY (BURIAL OF THE DEAD SERVICE)

SA PAGPASOK
PAGHAHANDA                                                                       
+ANG SALITA NG KAGANDAHANG LOOB                            
Sa diwang ito, habang nasa pintuan ng simbahan o narthex, ang pastor, mga acolytes, ang kabaong, ang naulilang pamilya, and komunidad. Sasambitin ng pastor ang mga sumusunod: 
Sinabi ni Jesus, “Ako ang Mulingpagkabuhay at ang Buhay. Yaong sumasampalataya sa akin, bagama’t namamatay, gayunpaman, mabubuhay sila, at hindi na mamamatay kailanman ang sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin. Ako ang Alpha at ang Omega, ang simula at ang wakas, ang una at ang huli. Namatay ako, at masdan ninyo, buhay ako magpakaylan - kaylan pa man, at hawak ko ang mga susi ng impiyerno at kamatayan. Sapagkat nabubuhay ako, mabubuhay din kayo.”
Ipapasok ang kabaong at dadalhin sa harapan ng altar at susunod ang pamilya sa prosesyon.
+PAGBATI                                                          
Pastor: Mga kapatid at kasama, tayo ay nagtitipon ngayon upang sama-samang purihin ang Diyos at upang sumaksi sa ating pananalig. Samantalang ipinagdiriwang at pinararangalan ang buhay ng ating kapatid, kasama, kaibigan, at magulang na si __________________________. Sa pagdadalamhati natin ngayon, gawaran nawa tayo ng Diyos ng kagandahang loob, upang makasumpong tayo ng kaaliwan sa gitna ng sakit na nararamdaman. Makasumpong tayo ng ginhawa sa gitna ng kapighatian, pag-asa sa gitna ng kahirapan, at muling pagkabuhay sa gitna ng kamatayan.
+IMNO                
+PANALANGIN                                                              
Pastor: Sumainyo ang Panginoon!                           
Kapatiran: At sumainyo rin.
Pastor: Manalangin tayo…. O Diyos….  
ANG PANGUNGUMPISAL                                             
Tugon: PUSONG DALISAY, SA AKI’Y LIKHAIN.DIWA MO, O DIOS, PAGHARIIN
Tinig 1: Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos. Sang-ayon sa iyong kagandahang-loob. Mga kasalanan ko’y iyong pawiin. Ayon din sa iyong pag-ibig sa akin. Linisin mo sana ang aking karumihan, at ipatawad mo yaring kasalanan! T
Tinig 2: Ang pagsalansang ko ay kinikilala. Laging nasa isip ko at alaala. Sa iyo lang ako nagkasalang tunay, at ang nagawa ko’y di mo nagustuhan. Kaya may matuwid ka na ako’y hatulan. Marapat na iyong parusahan.  T
Tinig 3: Ako’y masama na buhat nang iluwal. Makasalanan na nang ako’y isilang. Nais mo sa aki’y isang pusong tapat. Puspusin mo ako ng dunong mong wagas.  T
Tinig  4:  Ako ay linisin, sala ko’y hugasan. At ako’y puputi nang walang kapantay. Sa galak at tuwa ako ay puspusin. At muling babalik ang galak sa akin.  T
Tinig 5: Ang kasalanan ko’y iyo nang limutin. Lahat kong nagawang masama’y pawiin. Isang pusong tapat sa aki’y likhain. Bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin.  T
Tinig  6: Sa iyong harapa’y h’wag akong alisin. Ang Espiritu mo ang papaghariin. Ang galak na dulot ng ‘yong pagliligtas. Ibalik at ako ay gawin mong tapat.  T
Tagapanguna: O aming Diyos, patawarin ninyo po kami. Amen
Lahat: Amen.
TAHIMIK NA PAGBUBULAY
ANG SALITA NG KAPANATAGAN          
Tugon: ANG MABUTING PASTOL, KALOOB NIYA, BUHAY NA GANAP AT KASIYA-SIYA.
Tagabasa 1: Si Yahweh ang aking Pastol, di ako mangangailangan. T
Tagabasa 2: Pinahihimlay nya ako sa luntiang pastulan. Dinadala n’ya ako sa tabi ng tahimik na batis. T
Tagabasa 3: Pinapanumbalik n’ya ang lakas ng aking kaluluwa. Inaakay nya ako sa landas ng katuwiran alang-alang sa kanyang pangalan. T
Tagabasa 4: Oo, bagamat tumatahak ako sa lambak ng kamatayan, walang kasamaan akong kinatatakutan. Pagkat kasama kita, ang iyong pamalo at ang iyong tungkod ang nagpapalakas ng aking loob. T
Tagabasa 5: Ipinaghahanda mo ako ng dulang sa presensya ng aking mga kaaway. Nilalangisan mo ang aking ulo. Umaapaw ang aking saro. T
Tagabasa 6: Buong katiyakan, susundan ako ng kabutihan at awa sa lahat ng araw ng aking buhay at mananahan ako sa bahay ng Panginoon nang walang hanggan. T
+GLORIA PATRI        

PROKLAMASYON AT TUGON
DALANGING PANGKALIWANAGAN
(awitin, “Pangunahan Mo”) Pangunahan mo, aming pagbubulay. Karunungan Mo’y sa mi’y maging ganap.
ANG ARALIN SA LUMANG TIPAN
Tagabasa: Ang pagbasa mula sa Aklat ni _______________ kabanata ____ mula sa talata ____ hanggang ____. Ang Salita ng Diyos.                                                               
Komunidad: Salamat sa Diyos.
Tugon:  (awitin, “Pangunahan Mo”) Pangunahan mo, aming pagbubulay. Karunungan Mo’y sa mi’y maging ganap.

ANG ARALIN SA MGA LIHAM/GAWA NG MGA APOSTOLES
Tagabasa: Ang pagbasa mula sa ______________________, kabanata _____, sa mga talatang ______ hanggang _______.  Ang Salita ng Diyos.
Komunidad: Salamat sa Diyos.

+ ANG PAGDAKILA SA EBANGHELYO
Ang lahat ay magsitayo hanggang matapos ang pagbabasa ng aralin sa ebanghelyo.
(awitin, Alleluia, UMH186) Alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia.

+ANG ARALIN SA EBANGHELYO
Pastor: Sumainyo ang Panginoon.                          
Komunidad: At sumaiyo rin.
Pastor: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San ______________.
Komunidad: Papuri sa iyo, Panginoon.
Pastor: (Basahin ng malinaw ang aralin). Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

TANGING AWIT
Sa diwang ito, ang koro ay maaring mag-alay ng awit o isang natatanging alay na awit na aawitin ng komunidad.
SERMON
PAGPANGALAN
PAGSAKSI
+PAGTATAGUBILIN
Pastor: Diyos naming lahat, na walang katapusang nagmamahal sa amin. Patuloy kaming dumadalangin para sa isa’t isa na sa gitna ng aming pangangailangan at pagdadalamhati ay nagkakaisa. Pagkalooban mo nawa ng lakas ang bawat isa sa aming nanghihina. Iparanas mo nawa ang awa sa amin na mga nagkasala. Ipadama mo nawa ang kapayapaan sa lahat ng nalulumbay. Manatili nawang totoo sa amin ang iyong pagmamahal at pagkupkop. Sa lahat ng aming paglalakbay ay magtitiwala sa iyo. O aming Diyos, kasama ng iyong iglesya at lahat ng samahan sa langit, inaalay namin sa iyo ang pagpaparangal at pagluluwalhati, ngayon at sa walang hanggan.
Lahat: Amen
Pastor: O aming Diyos, iyo ang lahat ng naibigay mo sa amin. Kung paanong noong una, ibinigay mo si _____________ sa amin, kaya ngayon, ibinabalik namin si _____________ sa iyo.

Sa bahaging ito, ipatong ng pastor ang kamay nito sa kabaong o urn, kasama ng iba pang nakatayo sa tabi ng kabaong o urn, mga kaaanak na malapit, habang nagpapatuloy:

Pastor: Tanggapin mo ______________ sa tangkilik ng iyong awa. Ibangon mo si ____________ kasama ng buo mong sambayanan. Tanggapin mo rin kami at ibangon mo sa panibagong buhay. Tulungan mo nga kaming magmahal at maglingkod sa iyo sa sanlibutang ito at nang makapasok kami sa iyong kagalakan sa bagong langit at lupang darating.
Lahat: Amen

Pastor: Sa iyong mga kamay, O mahabaging Tagapagligtas, itinatagubilin namin ang iyong lingkodna si ______________. Tanggapin mo siya sa tangkilik ng iyong awa, sa pinagpalang kapahingahan ng walang hanggang kapayapaan, at sa maluwalhating samahan ng mga banal.
Lahat: Amen.

+PAGPAPAHAYAG SA PANANAMPALATAYA
TAWAG SA PAGHAHANDOG                                       

ANG PAGHAHANDOG
(Lilikumin ang mga handog at itatalaga sa altar)
+PANALANGIN UKOL SA MGA HANDOG                   

PASASALAMAT AT KOMUNYON
AWIT NG KOMUNYON         
ANG PAGHAHANDA NG TINAPAY AT ALAK
ANG DAKILANG PASASALAMAT
Pastor: Sumainyo ang Panginoon.                   
Komunidad: At sumaiyo rin.
Pastor: Itaas ninyo ang inyong mga puso.
Komunidad: Itinataas namin ang mga yaon sa Panginoon.
Pastor: Magpasalamat tayo sa Panginoon nating Diyos.
Komunidad: Matuwid na magpasalamat at magpuri.
Pastor: Matuwid … imno ng pasasalamat at pagdakila.
Lahat: (aawitin) Kabanalbanalang Dios ng lakas at tatag. Langit lupa’y pinagpapala. Papuri ay sa langit. Mapalad S’yang parating sa ngalan ng Dios. Papuri ay sa langit.
Pastor: Banal ka, O Diyos … misteryo ng pananalig sa kay Cristo.
Lahat: (awitin) Namatay, at nabuhay, babalik muli.
Pastor: Ibuhos mo …ngayon at sa walang hanggan.                                                              
Tugon: Amen, Amen, Amen.

Pastor: At ngayon, … manalangin tayo:
Lahat: (aawitin) Dios na Magulang, Banal ang ngalan. Pamamayani ay sumaamin. Gawin nawa ang ‘yong kalooban. Sa lupa gaya ng langit.
Ipagkaloob ngayon sa amin, Pang-araw-araw naming kakanin. Kami sa sala ay patawarin, Nagpapatawad sa kapwa rin.
H’wag mong sa tukso’y kami’y tulutan. Kundi iligtas sa kasamaan. Pamamayani, kapangyarihan, kaluwalhatian, sa ‘Yong tanan. Amen.

PAGPIRA-PIRASO NG TINAPAY

PAMAMAHAGI NG TINAPAY AT SARO

+PANALANGIN NG PASASALAMAT AT PAKINABANG

ANG PAGTATAPOS
MGA PANANALITA MULA SA PAMILYA
IMNO                           
+PAGBABASBAS              
+TATLONG AMEN                                                                      
ANG PAGHAHATID SA HULING HANTUNGAN
+++++++++++++++
MGA PINAGBATAYAN
1.        Ang Aklat ng Pagsamba (The Book of Services). Philippines: PCC-UMC-BCEC, 2004.
2.        The United Methodist Church Hymnal. USA: The United Methodist Publishing House, 2005.
3.        The United Methodist Book of Worship. USA: The United Methodist Publishing House, 2002.
4.        Ang Imnaryong Cristiano. Manila: OMF Publishers, 1980.
5.        Ang Imnaryong Metodista. Philippines: The Methodist Cooperative Association, 1946.


No comments:

Post a Comment