PAGBABASBAS NG ORCHARD O
ORGANIC FARM[1]
Rev. Jeric C. Cortado
Ito ay isagawa
matapos ang Sermon gamit ang Basic Pattern of Worship. Ang lahat ay magtitipon
sa Orchard. Habang naghahanda ay inaawit ang isang angkop na imno.
Pastor: Sumainyo ang Panginoon.
Komunidad: At sumaiyo rin.
Pastor: Ang Diyos na Magulang ang ating
saklolo.
Komunidad: Siyang lumikha ng langit at
lupa.
Sa diwang ito,
basahin ng isa sa mga acolyte ang Awit 8. At aawitin ng komunidad ang Doxology
bilang tugon.
Pastor: Ang biyaya ng Diyos ay
sumainyo.
Komunidad: At sumaiyo rin.
Pastor: Manalangin tayo. Diyos ng Sangnilikha, kinikilala
namin ang sanlibutang ito na iyong kaloob. Ang pagkain at mga halamang mula sa
lupa ay mula rin sa langit. Tulungan niyo kaming makita sa mga biyayang kaloob
ng lupa ang iyong presensya, pag-ibig at pagkalinga, lalong higit sa orchard na
ito.
Basbasan
mo ang orchard na ito, gawin mong sangtuaryo ng iba’t ibang mga puno, halaman,
at bungang-kahoy. Igawad mo rin sa amin ang kapakumbabaan at kasigasigan sa
pangagalaga ng mga pananim na nakapaloob sa orchard. Tulungan niyo po kaming
maging mabuting katiwala sa mga ito. At sa pangangalaga namin ay higit naming
maunawaan ang kabanalan ng iyong sangnilikha. Mula sa orchard na ito, kami ay
makabahagi sa pagtugon sa pangangailangan ng aming kapwang salat sa pagkain,
masangkapan sila ng kalakasan at maturuang purihin ka sa pamamagitan ng
pangangalaga ng iyong mga nilikha. Kay Cristo-Jesus kasama ng Santo Espiritu,
magpasawalang hanggan. Amen.
Wiwisikan ng Holy
Water at Organikong pataba ang Orchard. Babalik ang lahat sa dakong
pinagtitipunan. Ang pagsamba ay magpapatuloy. Mainam na isunod dito ang
PASASALAMAT AT KOMUNYON, o di kaya ANG PAGPAPAHAYO.
[1] Ito
ay naihanda at ginamit bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-20 Foundation
Anniversary ng Southern Philippines Methodist Colleges Incorporated, July 25,
2014, 8:00 ng umaga.
No comments:
Post a Comment