Thursday, September 14, 2017

KONSAGRASYON NG MGA ACOLYTES

Ito ay gawin matapos ang Sermon gamit ang Basic Pattern of Worship.  Tatayo ang pastor sa harapan ng altar na nakaharap sa kongregasyon at sasambitin ang mga sumusunod:
Pastor: Mga kapatid, ipinipresenta ko ang (mga) kapatid na ito na sumailalim sa isang palihan o pagsasanay upang maging karapat-dapat sa konsagrasyon bilang Acolyte ng __________ United Methodist Church.
Papasok ang mga kandidatong acolytes mula sa narthex patungo sa harapan ng chancel.
Pastor: Mga kapatid at mga kaibigan, tinawag kayo ng Diyos upang maging acolyte. Ito ay sagradong responsibilidad kung saan kinikilala ang inyong mga natatanging talento at kakayahang kumilos sa kalagitnaan namin at para sa amin. Sa ngalan ng pag-ibig, pinasasalamatan ka namin (kayo) sa pagtanggap mo (ninyo) ng hamon upang maging Acolyte(s).
Siyasatin ng Pastor ang (mga) kandidatong acolyte(s)
Pastor: Sumasampalataya ba kayo na pinatnubayan kayo ng Espiritu ng Diyos upang gampanan ang responsibilidad ng isang acolyte?
Acolytes: Sumasampalataya ako (kami).
Pastor: Gagawin ba ninyo nang may katapatan ang inyong katungkulan bilang acolyte sa kapurihan ng Diyos at paglilingkod sa Iglesya?
Acolytes: Opo, sa tulong ng Panginoon.
Pastor: Susundan mo (niyo) ba ang Panginoong Jesus bilang iyong (inyong) Guro at Hari ng iyong (inyong) buhay?
Acolytes: Opo.
Pastor: Gagawin ba ninyo ang lahat ng makakaya na maging responsableng disipulo ni Cristo?
Acolytes: Opo, sa biyaya ng Diyos.
Pastor: Maging tapat ba kayong kasapi ng United Methodist Church at itaguyod ito sa pamamagitan ng inyong panalangin, presensya, kaloob, pagsaksi at serbisyo?
Acolytes: Opo.
Hilingin ng Pastor ang mga kandidato na lumuhod at ipapatong niya ang kamay sa ulo ng bawat isa habang sinasambit ang mga sumusunod:
Pastor: _______________, binabasbasan kita bilang acolyte ng ________ _______________ , sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Santo Espiritu. Amen.
Ang kuwintas ng acolyte o alba nito ay isusuot ng pastor sa mga kandidato, kasama ng kanilang mga magulang at lider layko. Ang kuwintas ng acolyte o ang alba ay isusuot nila sa tuwing ginagampanan ang kanilang katungkulan. Ang mga acolytes ay tatayo at haharap sa kongregasyon.
At sa harap ng kongregasyon, sasabihin ng pastor:
Pastor: Mga kapatid at mga kaibigan, magdiwang tayo’t nagbigay ang Diyos ng mga acolytes upang maihayag sa atin ang liwanag ni Cristo. Gagawin ba ninyo ang lahat ng inyong makakaya upang alalayan sila sa mga responsibilidad kung saan sina tinawag? Ibibigay ba ninyo sa kanila ang inyong mga panalangin?
Kongregasyon: Opo.

Sa diwang ito, maaaring isa-isang batiin ng pastor ang mga acolytes. Ang pagsamba ay magpapatuloy. Mainam na isunod dito ang PASASALAMAT AT KOMUNYON, o di kaya ANG PAGPAPAHAYO.

No comments:

Post a Comment