1.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna: At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng
mabuti at ang pagtulong sa iba sapagkat iyan ang haing kinalulugdan ng Diyos
(Hebreo13:16). Ialay natin sa Diyos ang katapatan at kapahayagan ng ating
pasasalamat.
2.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna: Sa
pagsilang ni Jesus sa sabsaban, naisilang din ang ating pag-asa. Pasalamatan
natin ang Diyos sa pamamagitan ng pagkakaloob ng ating mga ikapu, pangako, at
handog.
3.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Alalahanin natin ang kahulugan ng pagtatalaga. Alalahanin na isang pagpapala
ang maghandog ng buhay.
4.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna: Wala
tayong pagmamay-ari sa mundong ito, maging ang ating buhay ay hindi natin
pagmamay-ari. Ito ay sa Diyos. Tayo ay katiwala lamang sa buhay na ito at
inaasahan sa atin na pagyamanin ito para sa kapakanan ng lahat.
5.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Ating purihin ang sanggol sa sabsaban sa pamamagitan ng ating mga handog.
Kilalanin natin ang tagumpay ng Diyos sa ating buhay. Tumugong may galak sa
Kanyang panawagang humayo upang mangaral.
6.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Sino ang mangunguna sa bayan ng Diyos? Walang iba kundi iyong nagsisimula nang
nabubuhay at nakakaunawa sa habag ng Diyos. Ang ating buhay at mga kaloob ay
maging tugon sa hamon ng kapaskuhan.
7.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Tayo ay katiwala lamang sa buhay na ito. At inaasahan sa atin ng Diyos na
pagyamanin ito para sa kapakanan ng lahat. Ang mga tahanan ay gawing mahalagang
daluyan ng biyaya.
8.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Ating hangad ang kagalingan ng bayan ng Diyos. Nagiging ganap ito sa diwa ng
ating pagbabahagi sa yamang ipinagkatiwala sa atin ng Diyos.
9.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Ating ipadama ang ating pasasalamat sa diwa ng pagkakaloob. Isang kapahayagan
ng kahandaang ipagdiwang ang natatanging pangyayaring naipahayag ng Diyos, ang
dakila nitong inisyatiba upang atin siyang makapiling sa kay Cristo Jesus.
10.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Mga kapatid, magdala kayo ng mga handog sa tuwing haharap sa Panginoon, ayon sa
inyong makakaya at sa biyayang tinanggap ninyo mula sa Kanya.
11.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Mga kapatid, ating pakinggan ang tagubilin ni Apostol Pablo (2 Corinto 9:7-8),
“Ang bawat isa’y dapat magbigay ayon sa sariling pasiya, maluwag sa loob at di
napipilitan lamang, sapagkat ang ibig ng Diyos ay kusang pagkakaloob. Magagawa
ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay higit pa sa inyong
pangangailangan upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa.”
12. TAWAG SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Ipinagkaloob ng Diyos ang kanyang bugtong na anak na si Jesu-Cristo upang tayo
ay makasumpong ng buhay at kasaganaan. Kaya naman, tayo’y inaanyayahan na
ihandog din ang ating sarili at lahat ng tinatangkilik sa Panginoon na tanda ng
pag-ibig at ating pasasalamat sa kanya.
13. TAWAG SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Mga kapatid, alalahanin natin na ang pagsilang ni Jesus sa sabsaban ay
kapahayagan ng pagkakaloob ng Diyos upang tayo ay makaranas ng buhay na ganap
at kasiya-siya. Maunawaan natin na ang kabanalan at kahulugan ng buhay ay
naglalarawan ng pag-iral bilang mabuting katiwala sa sangnilikha; maalab na
nagbabahagi ng kakayahan at talento sa ikapagtatatag ng Kanyang kaharian.
14.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Pinagpala tayo ng Diyos higit pa sa napapangalanan nating kaloob sa ating
Bautismo. Ating parangalan ang Diyos sa diwa ng ating mga gawa at mga kaloob.
15.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Bilang mga taong pinatawad at may bagong pakikipag-ugnayan kay Cristo, ialay
natin ang ating mga sarili sa Diyos. Siya na nagturo sa atin ng pagmamahal at
pagtulong sa kapwa. Sa mga sandaling ito, buong kagalakang handugan ang Diyos
ng pasasalamat.
16.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Tayo ay ka-manggagawa ng Diyos upang diligin ng buhay at lakas ang lipunan. Ito
ay magiging ganap sa ating pagkakaloob sa abot ng ating makakaya.
17.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Ating ialay ang ating mga kakayahan, talento, at pangako. Hayaang lumago ito sa
pamamagitan ng ating pag-aalay sa dulang ni Jesus.
18.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Inaanyayahan tayo ng Diyos upang maging bahagi sa pagtatag ng Kanyang kaharian
dito sa lupa. Inisyatiba ng Diyos ang magbigay biyaya sa atin, at tungkulin din
natin ang magbahagi ng biyaya sa kapwa.
19.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Mga kapatid, sa masaganang habag ng Diyos, ialay natin ang ating mga sarili
bilang handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang kapahayagan ng
pagsamba natin sa Diyos.
20.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna: Mga
kapatid, magbigay kayo, at kayo'y bibigyan; tinakal nang mabuti,
siksik, liglig, at umaapaw. Sa panukat na inyong isukat ay doon kayo muling
susukatin. (Lucas 6:38)
21. TAWAG SA
PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Dalhin natin ang bunga ng ating mga pagpapagal sa harapan ng Diyos. Ito ay
kapahayagan ng ating pagiging mabuting katiwala.
22. TAWAG SA
PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Dalhin ang ating mga kaloob na may kagalakan sa Diyos Manlilikha. Pagningasin
ang ating mga liwanag upang ang iba ay makasumpong nito at makapagkaloob ng
luwalhati sa Diyos.
23. TAWAG SA
PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Mga kapatid kay Cristo, dapat nating paliwanagin ang ating mga ilaw sa harapan
ng lahat. Sa gayon ay makita ng bawat isa ang mabuting gawa ng Diyos, at
luwalhatiin ang Amang nasa langit. Maghandog na may kagalakan.
24. TAWAG SA
PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Gumawa ang Diyos ng ugnay sa atin sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sa gayon ay
malagpasan natin ang kasalanan, mapagtagumpayan ang kapangyarihan ng kamatayan,
at may dahilang magdiwang sa pag-ibig ng Diyos. Ipahayag natin ang ating
pasasalamat sa pamamagitan ng mga alay na salapi kalakip ng ating buhay.
25. TAWAG SA
PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Gawing ganap ang ministeryo at programa ng kanyang iglesya sa pamamagitan ng
ating mga alay pasasalamat.
26.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Ang sangnilikha ay sa Diyos. Pinagpala niya tayo ng mga materyal, likas na
yaman, at ng mga kasama sa buhay. Atin itong ipagpasalamat sa Diyos sa
pamamagitan ng ating paghahandog.
27.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Mga kapatid, “huwag nating kaligtaan ang
paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa iba sapagkat iyan ang haing kinalulugdan
ng Diyos” (Hebreo 13:16).
28.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Ating papurihan ang Diyos sa pamamagitan na pagkakaloob ng mga bagay na
makatutulong sa ikapagtataguyod ng bukas na ministeryo ng iglesya.
29.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Ating papurihan ang Diyos sa pamamagitan na pagkakaloob ng mga bagay na
makatutulong sa ikapagtataguyod ng bukas na ministeryo ng iglesya. Ipadama
natin ang pag-ibig ng Diyos sa lipunang ating kinabibilangan sa pamamagitan ng
ating pag-aalay ng ikapu, pangako, at talento.
30.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Dalhin
natin ang bunga ng ating pagpapagal upang pagpalain ng Diyos. Pagpapaalala rin
ito na ang lahat ay dumadaan. Subalit ang pag-ibig ng Diyos ay mananatili sa
pamamagitan ng ating ipagkakaloob. Ang lipunang ating kinabibilangan ay
mabibiyayaan.
31.
TAWAG SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna: Kung hindi tayo marunong magbahagi, paano tayo makatutulong sa
iba? Kung ating itago at di ipahayag ang pag-ibig ng Diyos, paano ang bagong
buhay ay lumaganap? Tayo ay ka-manggagawa ng Diyos upang diligin ng buhay at
lakas ang bawat isa. Gawing ganap ang adhikain ng iglesya Metodista sa
kapurihan ng Diyos.
32.
TAWAG SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna: Paano natin maisisiguro na ang iba ay makaririnig din ng Salita
ng Diyos? Paano nila matututunan na maitayo rin ang kanilang mga tahanan sa
bato at hindi sa buhanginan? Ang mga programa at ministeryo ng iglesia ang
siyang magiging kapahayagan ng pag-iingat ng Diyos sa lahat. Isang kapahayagan
ng pasasalamat at suporta ang mga ikapu, kaloob, at pangakong inihahandog.
33.
TAWAG SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna: Sa
kay Kristo, nasaksihan natin ang pagkalinga ng Diyos. Sa kay Kristo,
natututunan natin na magbahagi. Sa diwang ito, pinaalalahanan tayo sa ating mga
natutunan – ang magbahagi.
34.
TAWAG SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna: Ano ang maaari nating
maibahagi sa misyon ni Cristo-Jesus. Ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang mga
kakayahan upang tayo ay makatupad sa kanyang kalooban. Patuloy tayong
magbigay-pugay sa Diyos sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga kakayahang taglay
para sa bukas na ministeryong pinasimulan ni Cristo.
35.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna: Bilang pinatawad at pinagkasundong bayan, sa Diyos
ay ihandog ang ating sarili at mga kaloob. Sa Kanya ay magpasalamat at ipahayag
natin ito sa pamamagitan ng mga kaloob.
36.
TAWAG SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Sino ang mangunguna sa mga anak ng Diyos? Tiyak sila yaong nagsimula nang
mamuhay sa kalooban ng Diyos. Ang pagkakaloob ay isang akto ng awa at habag,
akto ng pasasalamat at pananampalataya, at higit sa lahat, katuparan ng
pangkalahatang plano ng Diyos.
37.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna: Tayo ngayon ay nasa yugto ng pagtatanong ng
sarili, kung ano ang maaari nating maibahagi sa misyon ni Cristo-Jesus.
Ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang mga kakayahan upang tayo ay makatupad sa
kanyang kalooban. Patuloy tayong magbigay-pugay sa Diyos sa pamamagitan ng
pagkakaloob ng mga kakayahang taglay para sa bukas na ministeryong pinasimulan
ni Cristo.
38. TAWAG SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Ano ang tugon natin sa Diyos na kumikilos sa ating kalagitnaan upang tayo ay
ingatan? Kahit sa gitna ng kagipitan ay pinalalakas tayo at binigyan ng
pag-asa. Paano natin ipakita ang ating pasasalamat sa Diyos na Dakila? Nawa’y
ang ating mga kaloob ay maging tapat na kapahayagan ng pasasalamat.
39.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Inaanyayahan tayo ni Jesus upang ipagkaloob ang ating buhay sa gawain. Ang
ating mga kaloob ay ibigay nang sama-sama, at ang ating gawain ay gawing may
pagkakaisa. Nangangahulugan ito ng kaganapan ng paghahari ng Diyos.
40.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Patuloy tayong inaanyayahan upang maging bahagi sa gawain ng Diyos. Sa
ikapagtatag ng malayang lipunan at ganap na pagbabago. Ang ating mga kaloob ay
sagisag ng buhay at kapahayagan ng katapatan sa Diyos.
41.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Ang taos pusong pagkakaloob ay nagbubunga ng ibayong pagpapala. Dalhin natin sa
harap ng Panginoon ang mga ito bilang pasasalamat at pagpapatunay na tayo ay
tapat na bahagi sa ministeryo ni Cristo-Jesus.
42. TAWAG SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna: Mga kapatid, patunay ng ating pinasiglang ugnayan
kay Cristo ay ang ating kasiglahang mag-alay ng ating mga sarili’t kaloob sa
Diyos. Siya ang nagturo sa atin ng pagmamahal, pagkalinga at pagtulong sa
kapwa. Kaya’t sa pagkakataong ito, mag-alay bilang mga natuto kay Cristo.
43.
TAWAG
SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Mga kapatid, ating alalahanin (Deuteronomio 16:17), na maghandog tayo ayon sa
ating makakaya at ayon sa biyayang tinanggap natin sa Diyos.
44. TAWAG SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna: Mga
kapatid, halina’t lumapit sa dambana ng Diyos upang ialay ang buhay at
kakayahan. Ang ating pag-aalay ay isang malaking kapahayagan ng pananalig natin
sa Diyos. Ang ating pag-aalay ay para sa kapakinabangan ng buong Sambahayan
niyang banal.
45. TAWAG SA PAGHAHANDOG
Tagapanguna:
Mga kapatid, “huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin, iinumin, o
daramtin. Sapagkat ang mga bagay na ito ang kinahuhumalingan ng mga taong wala
pang pananalig sa Diyos. Alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo
ang lahat ng ito. Ngunit pagsumakitan ninyo nang higit sa lahat ang pagharian
kayo ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ipagkaloob niya ang
lahat ng kailangan ninyo” (Mateo 6:31-33).
++++++++++++++++++++
No comments:
Post a Comment