1.
PAGSISISI AT
PAGPAPAWAD
Pastor: Sa harap ng
liwanag ng Diyos, nahahayag ang ating mga kasalanan. Tayo ay magbalik-loob
upang linisin ang ating mga kasalanan at makaranas ng kaginhawaan. Isang
kalakasan ang pagsisisi at pagtutuwid.
Tugon: (awitin, “Kyrie, Kyrie” tune UMH # 484) Panginoong Dios, Mahabag ka. (2x)
Tagapanguna: O
Diyos ng kapayapaan, ipinapahayag namin ang aming mga kahinaan. Ang walang
katapusang bangayan sa loob at labas ng Iyong tahanan. O Diyos, patawarin niyo
po kami. T
Tagapanguna:
Pinatatalas namin ang aming mga tabak upang makidigma, sa halip na gawin itong
araro at gamitin sa paghahanapbuhay. O Diyos, patawarin niyo po kami. T
Tagapanguna:
Ang isinusulong nami’y pansariling interes at layunin, sa halip na itaguyod ang
kagalingan ng lahat. O Diyos, patawarin niyo po kami. T
(Sandaling katahimikan)
Pastor: Ang mga tanda
ng kaligtasan ay sumasaatin. Pangungunahan tayo ng Diyos sa isinusulong nating
dakong walang api at nang-aapi. Isang dakong mabubuong muli ang bayan ng Diyos.
Ating pasalamatan ang Diyos sapagkat pinatatawad tayo.
2.
PAGSISISI
AT PAGPAPATAWAD
Pastor: Masyado na
tayong abala sa pagdiriwang ng kapaskuhan. May panahon pa kaya tayo upang
pagnilayan ang pagsilang ng Mesiyas sa sabsaban. Kung gaano kalinis ang ating
mga tahanan sa panahon ng pagdatal at kapaskuhan, ganon din ba kalinis ang
ating puso? Tayo’y lumapit sa Diyos, at suriin ang sarili.
Tugon: (awitin, “Kyrie, Kyrie” tune UMH # 484) Panginoong Dios, Mahabag ka. (2x)
Tagapanguna: O
aming Diyos, kinikilala namin ang aming pagkukulang sa iyo at sa Cristong
isinilang sa sabsaban. Hindi namin narinig ang iyak ng kaligtasan mula sa
sabsaban, dahil abala kami sa aming mga paputok at maiingay na tugtugan.
Patawarin niyo po kami. T
Tagapanguna:
Naging abala kami sa aming personal at makasariling paghahanda upang maitaas
ang sarili. O Diyos patawarin niyo po kami. T
Tagapanguna:
Tulungan niyo po kaming mapasigla ang tinanggap naming bautismo, at mapaalab
ang pagiging alagad ng pag-asa at katuwiran. Cristo, kaawaan Mo po kami. T
(Sandaling katahimikan)
Pastor:
Nakikipagtagpo sa atin ang Diyos sa iba’t ibang kaparaanan upang pakinggan ang
ating mga karaingan. Napapalaya tayo sa pamamagitan ng pagpapailalim sa Kanyang
kalooban. Ang Diyos sa pamamagitan ni Cristo-Jesus ay naghahayag na Siya ay
Pag-ibig at Pag-asa.
3.
PAGSISISI
AT PAGPAPATAWAD
Pastor: Ngayon ay
ipahayag natin ang ganap na pagsisisi sa Diyos, sa lahat ng ating mga
pagkukulang sa Kanya. Hindi lingid sa atin ang malawak na ministeryo ng ating Panginoong
Jesus sa pamamagitan ng iglesya. Ngunit nananatili lamang tayo sa apat na sulok
ng gusaling ito. Dalhin natin sa Diyos ang ating kahinaan at mga pasanin.
Tugon: (aawitin “Just As I Am, Without One Plea” tune) Aba akong di gasino, na tinubos ng dugo mo;
lumalapit na totoo, sa iyo Dios, na Cordero.
Opisyales ng Konsilyo ng Iglesya: Tinawag mo kami upang maglingkod nang may
katapatan, subalit hindi namin ito nagagampanan nang may pagpapakumbaba at
kasiglahan.
Tugon: (aawitin “Just As I Am, Without One Plea” tune) Sa aba kong kaluluwa, Dugo Mo nga ay sukat
na, Na makahugas sa sala, Oh! Cordero ng Dios Ama.
Komunidad: Pinagkalooban
mo kami ng buhay at talento, subalit hindi namin ito pinagyayaman sa
paglilingkod sa iyong iglesya. Naging bingi kami sa iyong panawagang
paglingkuran ka sa pamamagitan ng mga aba at nangangailangan. At naging
kampante na lamang kami sa pagdiriwang ng Pasko, na hiwalay sa tunay na
kahulugan – ang pagsisisi at pagpapakababa.
Tugon: (aawitin “Just As I Am, Without One Plea” tune) Akong abang lumalangoy, sa sigalot at
linggatong, At nang huwag maparool, Ampunin, Corderong Poon.
Mga Manggagawa ng Iglesya:
Patawarin mo rin kami, O Diyos, sa hindi namin paggampan nang ganap sa
tungkuling iniatang mo sa amin. Kahabagan mo kami sapagka’t kadalasan kami ay
nagkukulang at nagkakamali.
Tugon: (aawitin “Just As I Am, Without One Plea” tune) Sa ‘king aba’t maralita, bulag ang isip at
dukha, Magdalang habag at awa, Corderong Dios na dakila.
Tagapanguna:
Pinagsisisihan namin ang aming mga gawang masama, na siyang humahadlang sa
aming buhay kapatiran. Amen.
(Sandaling katahimikan)
Pastor: Sa kay
Cristo, ang pilay ay makalalakad, ang bingi ay makaririnig, ang bulag ay
makakakita, ang mga may sakit ay makararanas ng lunas, ang mga patay ay
mabubuhay, at ang mga nagpapakumbaba ay itataas. Maghahari ang Diyos,
magpapatawad, at magpapalakas sa ating paglilingkod.
4.
PAGSISISI
AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna:
Masyado tayong abala ngayon sa paghahanda ng kapaskuhan. Ngunit ang tanong,
naghahanda nga ba talaga tayo para sa sanggol na isinilang sa sabsaban? O sa
mga pansarili lamang nating kaligayahan?
Tugon: (aawitin UMH # 484) Panginoong Dios, mahabag ka.
Tagapanguna:
Paano mo masasabing may masayang kapaskuhan sa gitna ng maraming kumakalam na
tiyan at umuungol sa kumunoy ng kahirapan. T
Kabataan: Sa ating mga
pag-aawitan, palakpakan at sayawan, sa gitna ng salo-salo sa ganitong
pagdiriwang, paano madama ang tunay na esensya ng kapaskuhan kung hungkag ang
malasakit at pakunwari ang tawanan. T
Kababaihan: O
Diyos, patawarin niyo po kami. Sa abala naming paghahanda ay naging manhid
kami, at wala ng panahon upang pagnilayan kung anong ipinahihiwatig ng iyak ng
isang sanggol sa sabsaban.
(Tahimik na pagbubulay)
Pastor: Ang pagsilang
ni Jesus sa sabsaban ay tanda rin ng pagtanggap ng Diyos sa atin. Ang liwanag
ng pagsilang ni Jesus ay liwanag na nagpapahayag sa Diyos na nakiisa sa ating
kalagayan. Dahil ditto, may katiyakan na maranasan ang kanyang kapatawaran.
5.
PAGSISISI
AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Ang
araw ng Pasko ay araw ng pagdiriwang sa kaganapan ng pag-ibig ng Diyos. Ang
pag-ibig na ito ang matibay na pundasyon ng bawat pamilya at pamayanan.
Inaasahan sa atin na ito ay pagyamanin, sa ating mga tahanan at lipunang
kinabibilangan. Ngunit paano maisasakatuparan kung hindi naman natin ito tapat
na naisasabuhay?
Tugon: (aawitin UMH # 484) Panginoong Dios, mahabag ka.
Tagapanguna: Kami
ay naging makasarili O Diyos, sinira namin ang kabanalan ng iyong pag-ibig.
Ginawa naming pugad ng karumihan ang aming puso. O Diyos, patawarin mo kami.
Kumilos ka sa amin at kami ay pakabanalin.
T
(Tahimik na pagbubulay)
Pastor: Pinalalakas
tayo ng Diyos upang maging lingkod. Makinig sa kanyang tinig at manatiling
tapat sa kanya. Sa gayon, mabubuhay tayo nang may dangal sa lipunang ating
kinabibilangan.
6.
PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: “Panginoon,
makailan kong patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na nagkakasala sa
akin?” (Mateo 18:21a)
Komunidad: Mga kapatid, kung may mahulog sa pagkakasala,
kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Gawin ninyo ito nang
buong hinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso (Galacia 6:1).
Tagapanguna: Subalit ano po ang matuwid? Makailang ulit ko
pong patatawarin ang isang taong paulit-ulit na nagkakasala sa akin?
Komunidad: Magpaumanhinan kayo at magpatawaran kung may
hinanakit kayo sa isa’t isa. Pinatawad kayo ng Panginoon kaya’t magpatawad din
kayo (Colosas 3:13).
Tagapanguna: Makapitong ulit ko po ba siyang patatawarin?
(Mateo 18:21b)
Komunidad: Sinabi ni Jesus, “Kung makapito siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at makapito ring
lumapit sa iyo at magsabing, ‘Nagsisisi ako,’ patawarin mo.” (Lucas 17:4)
Pastor: Ang sabi ni Jesus magpatawad kayo hindi lamang “makapito, kundi pitumpung ulit pa nito.”
(Mateo 18:22b) Ang pag-ibig ay hindi magaspang ang pag-uugali, hindi
makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa (1 Corinto 13:5).
Pinagkalooban tayo ng biyayang umibig at magpatawad sa isa’t isa.
7.
PAGSISISI
AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Bagamat
dumating si Jesus sa ating mundo, hindi lahat ay tumanggap sa kanya. Buksan
natin ang ating mga puso upang matuto tayong magpasakop sa Diyos.
Matapos ang sandaling katahimikan ay aawitin ang nga sumusunod:
(Change My Heart tune)
Baguhin O Diyos, itong puso ko.
Dalisayin Mo, abang buhay ko.
Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang maglingkod sa iyo, ang dalangin ko.
Tinig 1: Panginoong
Jesus, liwanag ang hatid mo sa mga taong namumuhay sa kadiliman. Makalakad nawa
kami sa iyong liwanag. Panginoon, kaawaan mo kami. T
Tinig 2: Panginoong
Jesus, tinipon mo ang sangkatauhan sa iyong pagdating. Maging daan nawa kami
tungo sa pagkakaisa. Cristo, kaawaan mo kami.
T
Tinig 3: Panginoong
Jesus, ibinigay mo ang iyong sarili sa lahat ng naghahanap sa iyo. Magalak nawa
kami sa aming pagsamba sa iyo. Panginoon, kaawaan mo kami. T
(Tumahimik ang lahat)
Pastor: Kung tayo
ay nananalanging higit pa sa mga salita at ang ating mga pagdulog ay matapat at
walang halong pagkukunwari, ang ating Diyos ay malugod na tumatanggap,
nagpapatawad at nagkakaloob ng bagong buhay.
8.
PAGSISISI
AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Sa
pamamagitan ni Propeta Isaias, sinabi ng Diyos na lagi nating gawin ang matuwid
at itaguyod ang katarungan. Sa pagdating ba Niya, inihahanda ba natin ang ating
sarili sa pagtupad sa Kanyang mga utos?
Matapos ang sandaling katahimikan ay aawitin ang nga sumusunod:
(Change My Heart tune) Baguhin
O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang
maglingkod sa iyo, ang dalangin ko.
Pastor: Ang Diyos ay
nasasaktan sa ating mga nagawang pagkakamali at pagkukulang. Subalit ang Diyos
ay nagagalak sa ating paglapit na may pagpapakumbabang paghingi ng tawad sa
Kanya at sa kapwa. Gawin ang ating buhay na makararanas ng pagbabago sa Kanyang
kandungan.
9.
PAGSISISI
AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Sa
diwang ito, tayo ay lumapit sa Diyos upang humingi ng tulong at tawad. Linisin
at pagalingin sa kapangyarihang nakapagpapabago sa ating mga pag-uugali at
buhay.
Matapos ang sandaling katahimikan ay aawitin ang nga sumusunod:
(Change My Heart tune) Baguhin
O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang
maglingkod sa iyo, ang dalangin ko.
Pastor: Palubog na
ang karahasan at kahirapan upang bigyang daan ang bagong umaga. Pasalamatan
natin ang naging daan nito, ang SANGGOL NA ISINILANG SA SABSABAN, ang dakilang
kapahayagan ng malaking habag ng Diyos sa sangkatauhan.
10.
PAGSISISI
AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Ang
pagdatal ay hindi lamang simpleng paghahanda ng magagarang dekorasyon,
mamahaling palamuti, regalo, at pagkain. Ang pagdatal ay paghahanda higit sa
lahat sa ating sarili. Suriin natin ang ating sarili. Tayo ba ay naghahanda sa
kalagayaan at katangiang inaasahan ng Diyos?
(Sandaling katahimikan)
Tagapanguna: Tayo
ay manalangin.
Tinig 1: Mapagkalingang
Diyos, aming ipinahahayag ang aming mga pagkukulang at pagkakamali (sandaling
tumahimik upang bigyan ng pagkakataon ang komunidad sa tahimik na pagsisisi). Kami po ay
nangangailangan ng tubig na tutugon sa aming pagka-uhaw subalit tuyo ang aming
mga balon.
Tinig 2: Kami po ay
natatakot lumapit sa buhay na tubig. Takot kaming uminom ng tubig na nasa iyo
mismong mga kamay. Nahihirapan kaming tanggapin na kami ay nagkulang at
nagkamali.
Tagapanguna: O
Diyos, tulungan niyo po kami at kaawaan. Samahan niyo po kami sa pagbabago at
pagbabalik-loob sa iyo.
Tugon: (Change
My Heart) Baguhin O Diyos, itong puso ko.
Dalisayin Mo, abang buhay ko.
Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang maglingkod sa iyo, ang dalangin ko.
Pastor: Ang pagdatal
ay isang malaking pagluwal ng pagkakataong maranasan ang biyaya ng Diyos.
Nagbubukas sa atin sa bagong buhay at kaparaanan upang mabuhay. Tayo ay lumapit
sa Diyos at hayaang linisin Niya ang ating puso mula sa pagkainggit, galit, at
pagkukunwari. Ang pagsilang ni Jesus sa sabsaban ay isang malaking kapakitaan
sa mapagpakumbabang Diyos. Sa Diyos na madaling lapitan, kaibigan, at maasahan.
11.
PAGSISISI
AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Iniligtas
tayo ng Diyos sa pagsugo niya ng Kanyang Anak, na isinilang ni Birheng Maria.
Pinahahalagahan ba natin ang Ina ng Diyos? Tinutularan ba natin ang kanyang mga
halimbawa? Siyasatin natin ang ating mga sarili.
Matapos ang sandaling katahimikan ay aawitin ang nga sumusunod:
(Change My Heart) Baguhin
O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang
maglingkod sa iyo, ang dalangin ko.
Pastor: Magmahalan
tayo bilang magkakapatid, maging maunawain at mababang-loob. Binigyan tayo ng
Diyos ng kakayahang magmahal at lumaya. Ang sanggol na isinilang sa sabsaban ay
kapahayagan ng kasiguruhang ibinigay nga ng Diyos ang pag-asa sa buhay na
walang hanggan.
12.
PAGSISISI
AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Tayo
ay inaanyayahan sa katapatan ng paghahanda ng ating buhay sa pagdiriwang ng
kapanganakan ng Panginoong Jesus. Kung paano ang abang sabsaban ay naging bukas
sa Mesias upang makapanahan. Siya rin nawa nitong kapaskuhan at sa lahat ng
panahong tayo ay bukas sa Mesias. Ilagay ang ating sarili sa kahandaan upang
ganap na manahan ang Diyos sa ating kalagitnaan.
Matapos ang sandaling katahimikan ay aawitin ang nga sumusunod:
(Change My Heart) Baguhin
O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang
maglingkod sa iyo, ang dalangin ko.
Pastor: Nang tinawag
natin ang Diyos sa ating panghihina, pinakinggan niya tayo. Ang pagdatal ay
isang malaking kapahayagan ng Diyos. Ang pagsilang kay Jesus sa sabsaban ay
isang patunay na iniibig niya tayo. Anupat walang dahilan upang sa Diyos tayo
ay mag-alinlangan. Aleluya.
13.
PAGSISISI
AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Tayo
ay inaanyayahan ng Diyos na ating ipahayag sa Kanya at sa kapwa ang mga naging
kasalanan at ang nagawa laban sa kanyang kaluwalhatian. Tayo ay manalangin.
Lahat: Diyos na aming
Magulang, naninikluhod po kami sa Inyo sa paghingi ng kapatawaran sa aming mga
kasalanan sa Iyo at sa aming kapwa. Tulungan niyo po kaming makapagpanibago ng
buhay at gawi sa pamamagitan ng Iyong masaganang pagpapatawad. Amen.
Matapos ang sandaling katahimikan ay aawitin ang nga sumusunod:
(Change My Heart) Baguhin
O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang
maglingkod sa iyo, ang dalangin ko.
Pastor: Ang Diyos sa
pamamagitan ni Jesu-Cristo ay pumarito upang patawarin tayo at muli tayong
mapabilang sa kanyang pamilyang pinagpapala. Sa Diyos ang papuri!
14.
PAGSISISI
AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Ang
sanggol na si Jesus ay sagisag ng kagandahang-loob at awa ng Diyos. Nadarama ba
natin ang pag-ibig ng Diyos? Ibinabahagi ba natin sa iba ang pag-ibig na ito?
(Tumahimk)
Matapos ang sandaling katahimikan ay aawitin ang nga sumusunod:
(Change My Heart) Baguhin
O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang
maglingkod sa iyo, ang dalangin ko.
Pastor: Mga kapatid,
ating pagnilayan ang mensahe mula sa Deuteronomio 30:19-20, “Saksi ko ang
langit at ang lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang
pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay
magtagal. Ibigin ninyo si Yahweh, makinig sa kaniyang tinig at manatiling tapat
sa kanya. Sa gayon, mabubuhay kayo nang matagal sa lupaing ipinangako niya sa
ninuno ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob.”
15. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Buksan
natin ang ating mga puso upang matuto sa pag-ibig ni Cristo.
Tugon: O Panginoon, kaawaan kami. O Panginoon,
kaawaan kami. Kaawaan kami, O Panginoon.
Tinig 1: Panginoong
Jesus, tulungan niyo po kaming lumakad sa Iyong liwanag at maging daluyan ng
pagkakaisa ng Iyong bayan. Cristo, kaawaan mo kami. T
Tinig 2: Panginoong
Jesus, kung paanong ibinigay mo ang iyong sarili sa lahat, gayundin naman
sangkapan niyo po kami ng kakayahan na maging kapahayagan ng iyong pagkalinga
at kabanalan. Panginoon, kaawaan mo kami. T
(Tumahimik ang lahat)
Pastor: Kahabagan
tayo ng Diyos at patatawarin tayo sa ating mga kasalanan. Patnubayan tayo sa
buhay na walang hanggan. Amen.
16. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Naghihintay ang Diyos na tayo’y lumapit sa kanya
upang suriin ang ating mga sarili.
Tugon: O Panginoon, kaawaan kami. O Panginoon,
kaawaan kami. Kaawaan kami, O Panginoon.
Tinig 1: O Diyos, kami ay alipin ng kasalanan. Panginoong
Diyos, kahabagan Mo kami. T
Tinig 2: Kami ay nagkasala laban sa iyo sa isip, sa salita
at sa gawa. Panginoong Dios, patawarin Niyo po kami. T
Tinig 3: Hindi ka namin inibig nang buong puso, lakas at kaluluwa, at gayundin
ang aming kapwa. Panginoong Dioys, kahabagan Niyo kami. T
Tagapanguna: Patawarin niyo po kami at pangunahan tungo sa
Iyong kabanalan. T
(Tumahimik ang lahat)
Pastor: Yamang napawalang-sala na tayo dahil sa pananalig
sa ating Panginoong Jesu-Cristo, sa pamamagitan Niya’y mayroon na tayong
kapanatagan sa harapan ng Diyos (Roma 5:1).
17. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: May kagalakan at kasigasigan ba nating isinasapamuhay
ang ating pagiging Kristiyano? Magnilay tayo, magtasa, magpuna sa harapan ng
Panginoon.
Tugon: O Panginoon, kaawaan kami. O Panginoon,
kaawaan kami. Kaawaan kami, O Panginoon.
Tinig 1: O Dios, patawarin niyo po kami sa kakulangan ng
ating pananalig at katapatan sa iyo. T
Tinig 2: Tulungan niyo nawa kaming malunasan ang
pagkahati-hati ng iyong bayan. Sagipin niyo po kami mula sa pagkatakot na
siyang dahilan kung bakit hindi kami nakakakilos ng lubos at maayos. T
(Tumahimik ang
lahat)
Pastor: Yamang napawalangsala na tayo dahil sa pananalig
sa ating Panginoong Jesu-Cristo, sa pamamagitan Niya’y mayroon na tayong
kapanatagan sa harapan ng Diyos (Roma 5:1).
18. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Tayo ay bumalik sa kanya, hanapin siya at sa
gayo’y masumpungan din natin n gating sarili sa kanya.
Tugon: O Panginoon, kaawaan kami. O Panginoon,
kaawaan kami. Kaawaan kami, O Panginoon.
Tagapanguna: Kami ay sa iyo, O Diyos, bagamat kami
ay natatali sa napakaraming pinagkakaabalahan. Itulot Niyo pong ang aming mga
panahon ay sa iyo nakatuon. T
Tagapanguna: Patawarin niyo po kami at gawing
karapat-dapat sa iyong banal na harapan. Amen. T
(Tumahimik ang lahat)
Pastor: Kung ang ating mga pagdulog ay matapat at walang
halong pagkukunwari. Ang ating Diyos ay
malugod na tumatanggap, nagpapatawad at nagkakaloob ng bagong buhay.
19. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Sa gitna ng kawalang hustisyang naghahari sa ating
lipunan, tayo ay tinawag na magpalaganap ng liwanag at pag-asa. Subalit sa
maraming pagkakataon atin itong nakaligtaan. Sa maraming pagkakataon ay
nagkukulang tayo sa pagsasabuhay sa dakilang komisyon ng Panginoon. Tayo ay
lumapit sa Panginoon upang magsisi at magbalik-loob sa kanya.
Tugon: (awitin, “Change may
Heart”) BAGUHIN, O DIOS, ITONG PUSO KO.
PAGHARIAN MO ABANG BUHAY KO. HUBUGIN MO, O DIOS, LIKHAIN MO. ANG KALOOBAN MO’Y
S’YANG DALANGIN KO.
(Tumahimik ang lahat)
Tagapanguna: Bilang mga taong pinatawad at may bagong ugnayan
kay Cristo, ialay natin ang ating mga sarili sa Diyos. Siya ang nagturo sa atin
ng pagmamahal at pagtulong sa kapwa. Sa alay nating katapatan, tayo ay kanyang
kinalulugdan.
20. PAGSISISI ATPAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Tayo ay magsilapit sa luklukan ng biyaya ng Diyos
na may pagtitiwala. Magsisi, humingi ng tawad, at magbalik-loob sa Kanya.
(Tumahimik
ang lahat)
Pastor: Tayo ay
manalangin.
Lahat: O Diyos,
kupkupin Mo kami.
Tagapanguna:
Panginoon, dalisayin Niyo po kami.
Komunidad: Patawarin Mo
kami sa aming mga pagkukulang at pagkakasala bilang Iyong bayan. Amen.
(Tumahimik
ang lahat)
Tugon: (awitin, “Change my Heart”) BAGUHIN, O DIOS, ITONG PUSO KO. PAGHARIAN MO ABANG BUHAY KO. HUBUGIN
MO, O DIOS, LIKHAIN MO. ANG KALOOBAN MO’Y S’YANG DALANGIN KO.
(Tumahimik ang lahat)
Pastor: Ang ating Diyos ay malugod na
tumatanggap, nagpapatawad at nagkakaloob ng bagong buhay.
21. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Tayo ay magsilapit sa luklukan ng biyaya ng Diyos
na may pagtitiwala. Suriin ang ating mga kakulangan at kasalanan nang sa gayon
ay maging karapat-dapat sa Kanyang banal na dulang.
(Tumahimik
ang lahat)
Pastor: Tayo ay
manalangin.
Lahat: O Diyos na
makapangyarihan sa lahat, kami’y nagkasala laban sa iyong kabutihang
walang hanggan. Kami po ay nagsisisi nang buong puso at nagbabalik-loob sa
iyong pamamatnubay. Amen.
(Tumahimik
ang lahat)
Tugon: (awitin, “Change my Heart”) BAGUHIN, O DIOS, ITONG PUSO KO. PAGHARIAN MO ABANG BUHAY KO. HUBUGIN
MO, O DIOS, LIKHAIN MO. ANG KALOOBAN MO’Y S’YANG DALANGIN KO.
(Tumahimik ang lahat)
Pastor: Kung tayo
ay nananalanging higit pa sa mga salita, ang ating Diyos ay malugod na tumatanggap,
nagpapatawad at nagkakaloob ng bagong buhay.
22.
PAGSISISI
AT PAGPAPATAWAD
Pastor: Tayo ay manalangin. Aming Diyos,
nakikilala mo kami sa loob at labas ng aming pagkatao, sa pamamagitan ng lahat
ng aming mga kilos at gawa. Alam mo ang aming nakalipas, ang kasalukuyan at
maging ang aming hinaharap.
Tugon:
(awitin, “Take O, Take Me as I Am” tune) Tanggapin
kami, O Diyos. Suguin kaming Lubos.Katapatan ay alay namin sa’Yo.
Pastor: Sa harapan
mo’y hindi kami nararapat sapagkat batid naming kami’y nagkasala at patuloy na
nagkakasala sa iyo. T
Pastor: Gayunman,
itinuturo mo sa amin na ang mga pagkakamali ay marapat lamang na ituwid at
ihingi ng kapatawaran. T
Pastor: Kung kaya
ngayon, nagpapakumbaba kami sa iyong harapan taglay ang aming pananalig na
kami’y muli mong pagkalooban ng panibagong pagkakataon. T
Pastor: Linisin mo
ang aming puso at isipan. Akayin mo po kami patungo sa landas ng katuwiran, sa
kongkretong paglilingkod sa iyo at sa aming kapwa. T
Pastor: Ituwid mo ang
baluktot naming mga paniniwala. Dulutan kami ng mga bagong karunungang angkop
para sa makatotohanang pagsasabuhay ng pananampalataya. T
Pastor: Ito ang aming
taos-pusong panalangin sa pangalan ng aming Panginoong Jesus kasama ng Santo
Espiritu.
Lahat: Amen.
Tahimik na pagbubulay at
pagsisisi
Pastor: Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi
kumukupas. Ang tipan ng kapayapaang ating natamo mula sa kanya ay mananatili.
At ang kapatawaran ay kanyang igagawad. Aleluya!
23. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna:
Ang mga pagsubok at tukso ay nasa paligid lamang natin. Ang kalikuan at
karahasan ay laging nagbabanta. Ito ang
mga sumisira sa ating magandang ugnayan sa kapwa at sa Diyos. Lumapit tayo sa
Diyos, hingin ang Kanyang patnubay. Ihingi rin natin ng tawad ang ating mga
pagkukulang at pagkakasala.
Tagapanguna: Tayo ay manalangin.
Mula
sa kailaliman ng aming pagkatao, sa mga karanasan sa buhay at pananampalataya,
O Diyos, kami’y dumudulog.
Tugon: (awitin, “Take O, Take Me as I Am” tune) Tanggapin kami, O Diyos. Suguin kaming
Lubos.Katapatan ay alay namin sa’Yo.
Tinig 1: O Diyos
hinahangad namin ang pagbabago at pagtutuwid sa aming buhay, sa iglesya, at
lipunang kinabibilangan. Tulungan mo kaming labanan at talikuran ang
pangangalunya, karima-rimarin na pamumuhay at kahalayan. O Diyos, kahabagan
niyo po kami. T
Tinig 2: Pilit kaming
inilalayo sa iyo, O Diyos, ng mga gawa ng laman, ng pagsamba sa mga
diyos-diyosan, paninirang puri, pagkapoot, pagkagalit, paninibugho, at
kasakiman. O Diyos, kahabagan niyo kami. T
Tinig 3: Sa aming
paglalakbay, kami, O Diyos, ay nasasadlak sa pagkakabaha-bahagi,
pagkakampi-kampi, pagkainggit, paglalasing, walang taros na pagsasaya, at iba
pang tulad nito. T
Lahat: Malimit kami
ay nahuhulog sa bitag ng kasalanan. Nakagagawa ng desisyong nakasasakit sa
kapwa at nakasisira sa kalikasan. Patawarin niyo po kami, O Diyos.
Tahimik na pagbubulay.
Pastor: Sa kay Cristo
Jesus, tayo ay pinatawad at sinugong maging malaya. Sa walang katapusang
pag-ibig ng Diyos tayo ay binawi mula sa pagkaalipin sa kasalanan. Mamuhay tayo
bilang pinatawad ng Diyos, isabuhay natin ang kanyang kalooban. Amen.
24. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna:
Mataimtim nating isagawa ang pangungumpisal ng ating mga kasalanan sa Diyos at
sa kapwa. Ito ay paghahanda sa pakikipagtagpo natin sa Panginoon sa Banal
niyang Misteryo.
Ang lahat ay magkaroon ng sandaling katahimikan at tahimik na
pagbubulay.
Tugon: (awitin, “Take O, Take Me as I Am” tune) Tanggapin kami, O Diyos. Suguin kaming
Lubos.Katapatan ay alay namin sa’Yo.
Tagapanguna:
Mapagmahal at maunawaing Diyos, kami po ay lumalapit sa iyo upang ipahayag ang
aming mga pagkukulang at pagkakamali. T
Tagapanguna:
Ang lahat ng aming mga nagawang labag sa iyong kalooban. Hindi po namin
nagawang ibigin, tanggapin at pahalagahan ang aming kapwa.T
Tagapanguna: O
Diyos, turuan niyo po kaming lumakad sa lilim ng iyong pagmamahal, at patawarin
po ninyo kami. T
Tahimik na pagbubulay.
Pastor: Kumikilos ang
Diyos sa pamamagitan ni Jesus upang ihayag ang kaganapan ng buhay. Patuloy na
kumikilos ang Diyos upang tayo ay iligtas. Magpuri sa Diyos.
25. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna:
Inaanyayahan tayo upang magnilay sa ating mga pagkukulang at kahinaan.
Makikinig ang Diyos sa ating pangungumpisal.
Ang lahat ay magkaroon ng sandaling katahimikan at tahimik na
pagbubulay.
Tugon: (awitin, “Take O, Take Me as I Am” tune) Tanggapin kami, O Diyos. Suguin kaming
Lubos.Katapatan ay alay namin sa’Yo.
Tagapanguna: O
Panginoon, ikaw ay nagdusa alang-alang sa amin na mga nagkasala. Panginoon,
kaawaan mo po kami. T
Tagapanguna:
Panginoong Jesus, ikaw ang pinagmumulan ng tubig na bumubuhay sa amin, nagkakaloob
ng lakas at pag-asa. Panginoon, patawarin mo po kami. T
Tagapanguna: Naging
sakim kami sa iyong biyayang kaloob, na dapat sana’y pagyamanin upang lahat ay
magkaroon niyon. Ito ay aming sinarili at pinagdamutan ang kapwa. Panginoon,
patawarin mo po kami. T
Tahimik na pagbubulay.
Pastor: Sa kay
Cristo-Jesus, ipinagkaloob sa atin ang pagkakataong mapanumbalik muli ang ating
ugnayan sa Diyos. Parangalan ang mapagpalang Naglalang.
26. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna:
Tayo na mapanghusga sa panlabas na katangian ng kapwa ay hinahamon upang suriin
ang nilalaman ng ating puso. Tayo na gumagawa ng aninong nagpapadilim sa
katotohanan ay inaanyayahan sa liwanag ng Panginoon. Sa gayon, ay mahayag ang
ating mga pagkukulang at kahinaan, ang ating mga kalakasan at kakayahan. Sa
liwanag ng Panginoon, suriin ang ating mga sarili.
Ang lahat ay magkaroon ng sandaling katahimikan at tahimik na
pagbubulay.
Tugon: (awitin, “Take O,
Take Me as I Am” tune) Tanggapin
kami, O Diyos. Suguin kaming Lubos.Katapatan ay alay namin sa’Yo.
Tagapanguna: O
Diyos, aming Pastol, kami ay naligaw sa iyong daan. Mas sinunod namin ang aming
sariling pagnanasa kaysa sa iyong kalooban. T
Tagapanguna:
Naroon ang aming pagkatakot na harapin ang kasamaan at pag-usapan ang kuwento
ng totoong buhay.
Tagapanguna:
Nasanay na kaming isisi sa iba ang aming mga kakulangan. Tulungan niyo po
kaming manumbalik sa dating kalikasan ng tao. T
Tahimik na pagbubulay
Pastor: Kasama natin
ang Diyos, sapagkat layon niyang tayo ay lumakas na pangatawanan ang
pagsusulong karunungan. Ang Diyos ay tapat.
27. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna:
Gaano tayo kabukas sa Diyos? Gaano tayo katapat sa kanyang Anak na si
Cristo-Jesus? Gaano natin kamahal ang ating kapwa? Gaano tayo katotoo sa
liturhiyang ating pinagsasaluhan? Tayo ay magsuri.
Ang lahat ay magkaroon ng sandaling katahimikan at tahimik na
pagbubulay.
Tugon: (awitin,
“Take O, Take Me as I Am”) Tanggapin
kami, O Diyos. Suguin kaming Lubos.Katapatan ay alay namin sa’Yo.
Tinig 1: Ako’y kaawaan, O mahal kong Diyos.
Sang-ayon sa iyong kagandahang-loob. Mga kasalanan ko’y iyong pawiin. Ayon din
sa iyong pag-ibig sa akin. Linisin mo sana ang aking karumihan, at ipatawad mo
yaring kasalanan! T
Tinig 2: Ang pagsalansang ko ay kinikilala. Laging
nasa isip ko at alaala. Sa iyo lang ako nagkasalang tunay, at ang nagawa ko’y
di mo nagustuhan. Kaya may matuwid ka na ako’y hatulan. Marapat na iyong
parusahan. T
Tinig 3: Ako’y masama na buhat nang iluwal.
Makasalanan na nang ako’y isilang. Nais mo sa aki’y isang pusong tapat.
Puspusin mo ako ng dunong mong wagas.
T
Tinig 4: Ako
ay linisin, sala ko’y hugasan. At ako’y puputi nang walang kapantay. Sa galak
at tuwa ako ay puspusin. At muling babalik ang galak sa akin. T
Tinig 5: Ang kasalanan ko’y iyo nang limutin. Lahat
kong nagawang masama’y pawiin. Isang pusong tapat sa aki’y likhain. Bigyan mo,
O Diyos, ng bagong damdamin. T
Tinig 6: Sa iyong harapa’y h’wag akong alisin.
Ang Espiritu mo ang papaghariin. Ang galak na dulot ng ‘yong pagliligtas.
Ibalik at ako ay gawin mong tapat. T
Tagapanguna: O aming Diyos, patawarin ninyo po
kami. Amen
Tahimik na pagbubulay
Pastor: Tayo ay
pinatawad ng Diyos, sa kanyang habag pinagkalooban tayo ng bagong buhay at
pagkakataon. Patuloy na kumikilos ang Diyos upang tayo ay palayain at gawing
mapagpalaya.
28. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna:
Ang Diyos ay umaanyaya sa atin upang suriin ang ating mga sarili sa kanyang
iglesya. Gaano tayo kabukas sa Diyos? Tayo ay magsuri.
Ang lahat ay magkaroon ng sandaling katahimikan at tahimik na
pagbubulay.
Tugon: (awitin,
“Take O, Take Me as I Am”) Tanggapin
kami, O Diyos. Suguin kaming Lubos.Katapatan ay alay namin sa’Yo.
Tagapanguna: O
Diyos, kami ay nangungumpisal sa iyo na sa maraming pagkakataon ay hindi kami
naging bukas sa iyo. Hindi namin nakikilala ang iyong kabutihan sa aming kapwa
dahil sa aming pagkamakasarili. T
Tagapanguna:
Itinuon namin ang aming isipan sa mga makamundong bagay at aming binalewala ang
iyong kalooban. T
Tagapanguna: O
aming Diyos, patawarin niyo po kami sa aming kahibangan, sa aming kayabangan,
at sa aming mga pagkukulang. T
Tagapanguna: Ihinga
mo nga sa amin minsan pa ang hininga ng buhay, at kami ay lalakad sa iyong
liwanag at kabanalan. Amen.
Tahimik na pagbubulay.
Pastor: Tayo ay
pinatawad ng Diyos, sa kanyang habag pinagkalooban tayo ng bagong buhay at
pagkakataon. Kumikilos ang Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga propeta at ni
Cristo-Jesus upang dalhin ang kaganapan ng buhay. Sa Diyos ay magtiwala.
29.
PAGSISISI
AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna:
Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat
gumanap sa banal na pagdiriwang.
(Tahimik na pagbubulay)
Tugon: (awitin, “Hear Our Prayer, O Lord”) Ang daing
namin, Oh! Dios ay dinggin; Kapayapaan mo’y nasang tanggapin. Amen.
Komunidad: Inaamin ko sa
makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala
(dadagok sa dibdib) sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang. T
Tagapanguna: O
Diyos, tulungan po ninyo kaming mamuhay sa iyong pamamaraan. Turuan niyo po
kaming maglingkod sa halip na maghintay na kami ay paglingkuran. T
(Tahimik na pagbubulay)
Pastor: Sumainyo ang
Panginoon.
Komunidad: At sumaiyo
rin.
Pastor: Ang paanyaya
ng Diyos.
Komunidad: Aleluya!
Tagabasa: “Ito ang aking magiging tipan sa kanila
pagdating ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon: Iuukit ko sa kanilang puso
ang aking mga utos, at itatanim ko ang mga ito sa kanilang mga isip.” At
kanya ring sinabi pagkatapos, “Hindi ko
na alalahanin pa ang kanilang mga kasalanan at mga kasamaan.” Sapagkat
ipinatawad na ang mga kasalanan, hindi na kailangan pang maghandog dahil sa
kasalanan. Kaya nga, mga kapatid, tayo’y malaya ng makapapasok sa Dakong
Kabanal-banalan dahil sa kamatayan ni Jesus. Binuksan niya para sa atin ang
isang bago at buhay na daang naglagos hanggang sa kabila ng tabing-alalaong
baga’y ang kanyang katawan. Tayo’y may isang Dakilang Saserdote na mamamahala
sa sambahayan ng Diyos. Kaya’t lumapit tayo sa Diyos na may tapat na kalooban
at matibay na pananalig sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat
nilinis na ang ating mga puso at nahugasan na ng dalisay na tubig ang ating mga
katawan. Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag mag-alinlangan, sapagkat
tapat ang nangako sa atin. Huwag kaligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon
gaya ng ginawa ng ilan, kundi palakasin ang loob sa isa’t isa, lalo na ngayong
nakikita nating nalalapit na ang pagdating ng Panginoon (Hebreo 10:18-25).
Komunidad: Salamat
sa Diyos!
30.
PAGSISISI
AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna:
Ang kamay ng Diyos ang nagdala sa atin upang magsama sa panahong ito. Ang Diyos
ay umaanyaya upang suriin ang ating mga sarili sa kanyang iglesya. Gaano tayo
kabukas sa Diyos? Gaano natin kamahal ang ating kapwa? Gaano tayo katotoo sa
liturhiyang ating pinagsasaluhan? Tayo ay magsuri.
Ang lahat ay magkaroon ng sandaling katahimikan at tahimik na
pagbubulay.
Tugon: (Jesus,
Remember Me, UMH#488) Jesus,
Remember me when you come into your kingdom. Jesus, remember me, when you come
into your kingdom.
Tagapanguna: O
Diyos, kami ay nangungumpisal sa iyo na sa maraming pagkakataon ay hindi kami
naging bukas sa iyo. Hindi namin nakikilala ang iyong kabutihan sa aming kapwa
dahil sa aming pagkamakasarili. T
Tagapanguna:
Itinuon namin ang aming isipan sa mga makamundong bagay at binalewala ang iyong
kalooban sa amin. T
Tagapanguna: O
aming Diyos, patawarin ninyo po kami sa aming kahibangan, sa aming kayabangan,
at sa aming mga pagkukulang. T
Tagapanguna: Ihinga
mo nga sa amin minsan pa ang hininga ng buhay, at kami ay lalakad sa iyong
liwanag at kabanalan. Amen.
Pastor: Tayo ay
pinatawad ng Diyos, sa kanyang habag pinagkalooban tayo ng bagong buhay at
pagkakataon. Kumikilos ang Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga propeta at ni
Cristo-Jesus upang dalhin ang kaganapan ng buhay. Patuloy na kumikilos ang
Diyos upang tayo ay palayain at gawing mapagpalaya.
31.
PAGSISISI
AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna:
Ang pagdiriwang ng Banal na Komunyon ay isang pakikibahagi sa kamatayan at muling
pagkabuhay ni Cristo-Jesus. Sa mga
pagkakataong hindi tayo naging karapat-dapat sa mga pagpapalang bunga ng muling
pagkabuhay ng Panginoon, humingi tayo sa Diyos ng awa at patawad.
Ang lahat ay magkaroon
ng sandaling katahimikan at tahimik na pagbubulay.
Tugon: (Jesus,
Remember Me, UMH#488) Jesus,
Remember me when you come into your kingdom. Jesus, remember me, when you come
into your kingdom.
Pastor: Iginawad ng Panginoon ang kanyang
masaganang pagpapala sa ating lahat, kalakip ang pananampalataya at pag-ibig na
nasa atin dahil sa pakikipag-isa kay Cristo Jesus. Narito ang isang
katotohanang dapat tanggapi’t paniwalaan ng lahat: “Si Cristo Jesus ay naparito
sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan (1 Timoteo
1:14-15). Mga kapatid, manalig sa Mabuting Balita, sa kay Cristo-Jesus tayo ay
napatawad! Amen.
32.
PAGSISISI
AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna:
Inaanyayahan tayo ni Jesus, ang Mabuting Pastol sa ating pangalan upang tayo ay
makasunod sa kanya sa landas ng kabanalan at paglaya. Batid natin ang kanyang
maamong tinig na umaanyaya sa atin. Suriin ang ating mga sarili sa kanyang
harapan bilang Mabuting Pastol.
Tugon: (Jesus,
Remember Me, UMH#488) Jesus,
Remember me when you come into your kingdom. Jesus, remember me, when you come
into your kingdom.
Tagapanguna:
Panginoong Jesus, inihayag mo sa amin ang daan tungo sa landas ng kabanalan at
kalayaan mula sa gapos ng kasakiman at kaalipinan. Panginoon, patawarin niyo po
kami. T
Tagapanguna:
Ipinagkaloob mo sa amin ang aliw na dulot ng katotohanan at karunungan.
Inihatid mo kami sa buhay na walang hanggan. Panginoon, kaawaan mo kami. T
Tagapanguna: Naging
maramot kami sa aming kapwa, naging pabaya sa aming mga tungkulin. Madalas kami
ay lumalabag sa iyong kalooban at tumataliwas sa iyong mga kautusan. Patawarin
ninyo po kami. T
Tahimik na pagninilay.
Pastor: Ang ating
pagsisisi ay isang pagkilala sa ating katauhan at pangangailangan sa biyaya ng
Diyos. Nangako ang Diyos na patatawarin tayo sa ating mga kahinaan. Tanggapin
natin ang katiyakang ito nang may kapakumbabaan at pag-asang dulot ng muling
pagkabuhay ng Panginoon.
33.
PAGSISISI
AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Sa
diwang ito, siyasatin natin ang ating kalooban na malimit nahihirapang
tumanggap ng ating mga pagkukulang. Mas
madali sa atin ang mamuna ng kapwa at pag-usapan ang kahinaan ng iba. Alam
natin ang pangangailangan ng iglesya, subalit nananatili tayong walang
pakialam. Si Cristo ay umaanyaya upang ikumpisal ang ating mga pagkukulang at
pagkakasala.
Tahimik na pagninilay.
Tugon: (Jesus,
Remember Me, UMH#488) Jesus, Remember me
when you come into your kingdom. Jesus, remember me, when you come into your
kingdom.
Pastor:
Dakila ang Diyos, sapagkat ipinapahayag niya ang kapangyarihan ng habag at
kalakasan ng pagiging lingkod. Sa pamamagitan ng kanyang bugtong na anak na si
Jesus, ang Cristong Hari. Pasalamatan natin ang Diyos!
34.
PAGSISISI
AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Sa
kapangyarihan ng Espiritu Santo, nagagawa nating supilin ang kasalanan. Taimtim
nating aminin ang ating mga pagkakasala habang humihingi rin tayo sa Diyos ng
lakas at inspirasyon.
Tahimik na pagninilay.
Tugon: (Jesus,
Remember Me, UMH#488) Jesus, Remember me
when you come into your kingdom. Jesus, remember me, when you come into your
kingdom.
Pastor: Kung tayo ay
nananalanging higit pa sa mga salita, kung ang ating mga pagdulog ay matapat at
walang halong pagkukunwari, ang ating Diyos ay malugod na tumatanggap sa atin.
Ang Diyos ay mahabagin.
35.
PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Ang
diwa ng Santa Trinidad ay naihahayag sa pamamagitan ng ating pagmamahal sa
kapwa. Sa mga pagkakataong nabigo tayong mabuhay ayon sa kalooban ng Diyos at
mahalin ang ating kapwa, hingin natin ang kapatawaran ng ating Panginoon.
(Tumahimik)
Tugon: (awitin, “Kyrie, Kyrie” tune UMH # 484)
Panginoong Dios, Mahabag ka. (2x)
Pastor: Pinalalakas
tayo ng Diyos upang hanapin ang pagkakasundo. Kung tayo ay nananalanging higit
pa sa mga salita, kung ang ating mga pagdulog ay matapat at walang halong
pagkukunwari, ang ating Diyos ay malugod na tumatanggap sa atin. Ang Diyos ay
mapagpatawad at nagkakaloob ng bagong buhay.
36.
PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Ang sukatan ng ating katapatan sa Diyos ay hindi yaong kabutihang
ginagawa natin, na inihahambing sa ginagawang kabutihan ng iba. Kundi sa buhay
nating nahahayag ang banal na kaningningan ng Diyos. Tayo nga ba ay lumalakad
sa kapakumbabaan kasama ang Diyos sa lahat ng pagkakataon?
(Tumahimik)
Tugon: (awitin, “Kyrie, Kyrie” tune UMH # 484)
Panginoong Dios, Mahabag ka. (2x)
Pastor: Kung tayo ay magbago ng puso’t isipan, handang talikdan ang
makasariling kaligtasan, at matutong sumunod sa mga aral at daan ni Cristo nang
may katapatan, tayo’y Kanyang patatawarin mula sa ating mga kasalanan.
37.
PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Sa
diwang ito, bigyan natin ng pagkakataon ang ating sarili na magnilay. Maraming
panahong hindi natin nakikita ang ating mga kahinaan at pagkukulang. Dahil wala
tayong panahong suriin ang sarili. Tayo ay magsuri, kung saan tayo nagkulang,
at taimtim nating pagsisihan ang ating mga nagawang kasalanan.
Sandaling katahimikan.
Tugon:
(awitin, “Kyrie, Kyrie” tune UMH # 484) Panginoong Dios, Mahabag ka. (2x)
Pastor: Kahit sa
kabila ng ating mga pag-uugaling tumataliwas sa kanyang kalooban, habang tayo
ay makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin. Magalak tayo sa biyayang
kaloob mula sa mga kamay ng Diyos. Tayo ay pinatawad at tinawag upang
magpatawad din
38.
PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna:
Pumarito ang Panginoong
Jesus upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga banal. Talikdan natin
ang ating mga pagmamagaling at hingin sa Panginoon ang kanyang kapatawaran.
Sandaling katahimikan.
Tugon: (awitin, “Kyrie, Kyrie” tune UMH # 484)
Panginoong Dios, Mahabag ka. (2x)
Pastor:
Ang pangako ng Diyos ay
biyaya na laging bukas upang ang lahat na lumapit sa kanya ay makaranas ng
kaganapan nito. Isabuhay ang pananampalatayang itinuro sa atin ni Cristo. Ang
Walang hanggang Diyos ay sumasaatin, kasama natin ngayon at sa walang hanggan.
Amen.
39.
PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Napakadali
para sa ating sabihing, “Mahal natin ang Diyos.” Subalit napakabagal naman
tayong isabuhay ito. Sa mga pagkakataong ginawa nating bukambibig lamang ang
ating pananampalataya, hingin natin ngayon ang kapatawaran ng Panginoon.
(Tumahimik)
Tugon: (awitin, “Kyrie, Kyrie” tune UMH # 484)
Panginoong Dios, Mahabag ka. (2x)
Pastor: Pinalalakas
tayo ng Diyos upang hanapin ang pagkakasundo. Kung tayo ay nananalanging higit
pa sa mga salita, tunay na ang Diyos ay mapagpatawad at nagkakaloob ng bagong
buhay.
40.
PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna:
Maraming panahong hindi natin nakikita ang ating mga kahinaan at pagkukulang.
Dahil wala tayong panahong suriin ang sarili. Tayo ay magsuri, kung saan tayo
nagkulang, at taimtim nating pagsisihan ang ating mga nagawang kasalanan.
(Tumahimik)
Tugon:
(awitin, “Kyrie, Kyrie” tune UMH # 484) Panginoong Dios, Mahabag ka. (2x)
Pastor: Kahit sa kabila
ng ating mga pag-uugaling tumataliwas sa kanyang kalooban, habang tayo ay
makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin. Magalak tayo sa biyayang
kaloob mula sa mga kamay ng Diyos. Tayo ay pinatawad at tinawag upang
magpatawad din.
41. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Kumilos
ka sa amin, O Diyos, kasabay ng aming pagpupuri at pagsamba sa iyo. Umaasa kami
sa iyong biyaya at inspirasyon. Maging liwanag ka nawa sa madilim naming
kinasasadlakan. Pangunahan mo po kami na makita ang aming mga pagkukulang at
pagkakamali sa iyo, at sa aming kapwa.
Tugon: O
Panginoon, kaawaan kami (2x), kaawaan kami, O Panginoon.
Tinig 1: Sa mga
sandaling hinuhusgahan namin ang aming kapwa at pinag-isipan sila nang masama.
Panginoon, kaawaan mo kami. T
Tinig 2: Sa mga
sandaling nagmatigas kami sa aming mga pagkakamali sa salita at sa gawa.
Kristo, kaawaan mo kami. T
Tinig 3: Sa mga
sandaling hindi kami nagpatawad sa mga nagkasala sa amin. Panginoon, kaawaan mo
kami. T
Pastor: Laging
ipinapaalala sa atin ang katotohanang ang pag-ibig ng Diyos ay laan sa mga
tumatanggap nito. Mamuhay na may kapakumbabaan at may pagtitiwala sa Diyos.
Handang kumilos para sa kanya at pangunahan niya tayo.
42. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Tayo
ay inaanyayahan upang muling tuklasin ang sarili sa kanya, magbago, lumago,
maging aktibo sa kanyang gawain. Tanggapin nating tayo ay nagkulang.
Tugon: O
Panginoon, kaawaan kami (2x), kaawaan kami, O Panginoon.
Tagapanguna: Tayo
ay manalangin.
Tinig 1: O aming Diyos,
ang aming buhay ay hungkag sa Iyong pag-ibig. Binale-wala namin ang iyong tinig
at patnubay. T
Tinig 2: Sa tuwing
kami ay nakikipag-usap sa iyo, malimit ang namumutawi sa aming labi ay reklamo.
Kahit sa kabila ng iyong mga pagpapala ay hindi ka namin napasasalamatan. T
Tagapanguna:
Sa tuwing kami ay iyong pinagpapala, hindi kami naging mapagpasalamat sa
kasapatan ng iyong biyayang kaloob. O Diyos, tulungan niyo po kaming magbago at
magbalik-loob sa iyo. T
Pastor: Ang Espiritu
ng Diyos ay tutulong na mawakasan ang ating mga kahinaan. Ituwid niya tayo sa
landas ng pagpapatawad at pagtutuwid. Sa lahat ng bagay, gumagawa ang Diyos ng
ikabubuti ng lahat. Mamuhay bilang tapat na lingkod at mananampalataya. Sa
pangalan ni Jesu-Cristo, pinatawad tayo!
43. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Tayo
ay inaanyayahan upang muling tuklasin ang sarili sa kanya, magbago, lumago,
maging aktibo sa kanyang gawain. Tanggapin natin na tayo ay nagkulang.
Tugon: O
Panginoon, kaawaan kami (2x), kaawaan kami, O Panginoon.
Tagapanguna: Tayo
ay manalangin.
Tinig 1: Mapagkalingang
Diyos, aming ipinapahayag ang aming mga pagkukulang at pagkakamali (sandaling tumahimik upang bigyan ng
pagkakataon ang komunidad sa tahimik na pagsisisi). Kami po ay nangangailangan ng tubig na
tutugon sa aming pagkauhaw subalit tuyo ang aming mga balon. T
Tinig 2: Kami po ay
natatakot lumapit sa buhay na tubig. Takot kaming uminom ng tubig na nasa iyo
mismong mga kamay. Nahihirapan kaming tanggapin na kami ay nagkulang at
nagkamali. T
Tagapanguna: O
Diyos, tulungan niyo po kami at kaawaan. Samahan niyo po kami sa pagbabago at
pagbabalik-loob sa iyo. T
Pastor: Sa kay Cristo
masusumpungan natin ang tunay na buhay. Pasanin natin ang krus hindi bilang
pabigat kundi bilang sagisag ng pag-asa. Sa pangalan ni Jesu-Cristo, pinatawad
tayo!
44. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Hindi
maitatago sa mata ng Diyos ang lahat ng ating mga ginagawa. Anuman ang mga
pagkukunwari, at pagsasamantala sa kapwa ay hindi maililingid sa kanya. Ang
katarungan ay ipapataw ng Diyos. Sa pagkakataong ito, inaanyayahan tayo upang
humiwalay sa ganoong gawi na nagpapalayo sa atin mula sa Diyos.
Tugon: O
Panginoon, kaawaan kami (2x), kaawaan kami, O Panginoon.
Tinig 1: Lumalapit kami
sa iyo ngayon, O Diyos, na may pagkilala sa aming mga pagkukulang at
pagkakamali. Inaamin ang aming mga nasirang relasyon sa kapwa (sandaling
tumahimik upang bigyan ng pagkakataon ang komunidad sa tahimik na pagsisisi). Nilikha mo kami para sa iyong komunidad
subalit inilayo namin ang aming buhay at nagkanya-kanya. T
Tinig 2: Hinangad mo
ang aming pagbabago, subalit mas pinili naming makipagkasundo sa mundo. Tinawag
niyo po kami na ibigin ang kapwa, subalit mas inuna namin ang pansariling nasa.
T
Tinig 3: Ipinagkaloob
mo sa amin ang biyayang gamitin para maitaguyod ang kagalingan ng lahat,
subalit naging sakim kami at inabuso ang iyong mga kaloob. T
Tagapanguna: O
aming Diyos, iligtas niyo po kami mula sa kasakiman at pagkamakasarili. Kaawaan
niyo po kami, O Panginoon.
Pastor: Ang lakas at
buhay ay igugol sa ministeryong pinasimulan ni Cristo-Jesus. Sa ganitong diwa,
masusumpungan ang tunay na pagkakakilanlan na tayo ay sa kanya. Maranasan ang
kapatawaran at kaganapan ng kalooban ng Diyos. Tinanggap tayo ng Diyos,
biniyayaan at hinubog para sa paglilingkod. Amen.
Komunidad: Sa
pangalan ni Jesu-Cristo, pinatawad tayo!
45. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tugon: O
Panginoon, kaawaan kami (2x), kaawaan kami, O Panginoon.
Pastor: Sa ating pagdidili-dili, natutuklasan natin na ang
ating pagsunod ay kadalasang nasa salita lamang at kulang sa gawa. Kulang tayo
sa pagsasagawa at tunay na pananampalataya.
(Tumahimik)
Tagapanguna:
Panginoong Jesus, tinanggap mo ang krus at ang
kamatayan upang ihatid sa amin ang kapatawaran at buhay. Panginoon, kaawaan mo
kami. T
Tagapanguna:
Panginoong Jesus, inaanyayahan mo ang iyong mga
tagasunod na isabuhay ang iyong mga halimbawa nang karunungan at katatagan.
Subalit kasama kaming patuloy na nagmamatigas at nagbibingi-bingihan. Cristo,
patawarin niyo po kami. T
Tagapanguna:
Batid din namin ang sakripisyo at pagmamahal ng
aming mga magulang, ng aming mga lolo at lola. Subalit, malimit hindi namin ito
nakikita at napapahalagahan. Patawarin niyo po kami sa aming mga pagkukulang sa
kanila at tulungang magawa ang aming pagkalinga sa kanilang pagtanda. T
Tagapanguna:
Panginoong Jesus, hindi mo kami pinababayaan sa
aming paglalakbay, sa aming kahinaa’y lalong naaninag ang iyong kapangyarihan.
Panginoon, kaawaan mo kami. T
Pastor: Ang lahat sa atin ay nagkukulang at nagkakasala,
subalit pinawawalang sala ng Diyos ang lahat ng nakipag-isa kay Cristo. Dahil
sa kagandahang loob ng Diyos sa atin, pinawalang-sala niya tayo.
46. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tugon: O
Panginoon, kaawaan kami (2x), kaawaan kami, O Panginoon.
Tagapanguna: Manalangin
tayo.
Tagapanguna: Panginoong Jesus, ipinagkatiwala mo sa amin ang
tungkuling magturo at magmulat. Subalit sa maraming pagkakataon hindi namin ito
nagagampanan. Panginoon, patawarin niyo po kami. T
Tagapanguna: Naging makasarili kami at walang pakialam sa
pangangailang isulong ang Edukasyong Kristiyana sa iba’t ibang kaparaanan.
Walang paglago sa iyong iglesyang pinagkatiwalaan mo ng ministeryong ito, dahil
walang kumikilos. Panginoon, patawarin niyo mo kami. T
Tagapanguna: Inatasan niyo kaming maging tapat sa aming mga
tungkulin. Subalit lumalala ang sitwasyon at pagiging usad pagong na
ministeryo. Dahil kami ay nagpabaya at naging kampante sa pansarili naming
interes at kaligayahan. Panginoon, patawarin niyo kami. T
Tagapanguna: Tulungan niyo po kami Panginoon, na maging mulat
sa tawag ng panahon. Lumago sa iyong pag-ibig at karunungan. Nawa ay maisabuhay
namin ang pananampalatayang buhay, ang pag-ibig, paglilingkod at pagpupuri sa
iyo na nag-iisa naming Diyos. Cristo, kaawaan niyo po kami. T
Pastor:
“Darating ako,” ang sinabi
ng Diyos, “Upang saklolohan ang
binubusabos. Sa Pinag-uusig, na walang magkupkop, hangad nilang tulong,
ipagkakaloob!” (Awit 12:5) Ang pangako ni Yahweh ay maaasahan. Manalig tayo
sa kanya at palalakasin niya tayo upang lumaya sa pagkukulang, pagkakasala, at
pagkaalipin.
47. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tugon: O
Panginoon, kaawaan kami (2x), kaawaan kami, O Panginoon.
Pastor: Lumapit tayo, sa Dulang ng Pagkakaisa, kasama ang
lahat ng nagnanais na maranasan ang presensya ni Cristo Jesus. Sa pamamagitan
ng pagpira-piraso ng tinapay at pagbabahaginan ng alak. Lumapit tayo, ikumpisal
ang ating mga kasalanang humihiwalay sa atin sa Diyos at sa ating kapwa. T
(Ang
lahat ay sumandaling manahimik)
Tinig 1: Ating ikumpisal na hindi sa lahat ng panahon ay
nabubuhay tayo gaya ng mga pinatawad, pinalaya, at pinag-isa kay Cristo.
Nakikita natin ang ating mga sarili na malayo sa isa’t isa, nagkakanya-kanya,
at watak-watak. T
Tinig 2: Maraming mga pader na namamagitan sa bawat isa sa
atin. Sa usaping kultura, ekonomiya at maging sa pulitika. T
Tinig 3: Hindi kami naging tapat na katiwala ng iyong mga
nilikha. Hindi kami naging seryoso sa mga tungkuling iniatang mo sa amin na
pangalagaan at pagyamanin ito. Sa gayon, ang lahat ay mabiyayaan. T
Tinig 4: Maraming bagay ang sa amin ay tumutukso, umaagaw ng
atensyon mula sa aming pagkakatuon sa iyong mga tagubilin at hamon. Hanggang sa
matuklasan na lang namin, malayo na kami sa iyo. O Diyos, patawarin niyo po
kami. T
Tinig 5: O Diyos ng buhay, patawarin niyo po kami, naging
bahagi kami sa pagkasira ng iyong biyaya. Naging bahagi kami sa paglabag ng mga
karapatan ng aming kapwa. Inabuso namin ang kagalingan ng lahat, sa pamamagitan
ng maling paggamit ng teknolohiya at siyensya. O aming Diyos, sa aming
kasakiman nalalagay sa alanganin ang buong sangnilikha. Patawarin niyo po kami.
T
Pastor: Mga kapatid, ating pagnilayan ang mensahe mula sa
Deuteronomio 30:19-20, “Saksi ko ang
langit at ang lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang
pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay
magtagal. Ibigin ninyo si Yahweh, makinig sa kaniyang tinig at manatiling tapat
sa kanya. Sa gayon, mabubuhay kayo nang matagal sa lupaing ipinangako niya sa
ninuno ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob.”
48. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tugon: O
Panginoon, kaawaan kami (2x), kaawaan kami, O Panginoon.
Tagapanguna: Saan
nakaugat ang ating lakas? Kaninong panuntunan tayo sumusunod? Tayo ngayon sa
diwa ng pagsisisi.
(Ang
lahat ay sumandaling manahimik)
Tinig 1: Mapagmahal na
Diyos, sa diwang ito aming ikinukumpisal na napakarami naming gintong guya na
naging diyos-diyosan. Patawarin niyo po kami, sa napakaraming pagkakataon na
ipinagpalit namin ang aming pagtitiwala sa iyo sa pera at sa mga bagay na
nagpapalayo sa amin sa iyo. T
Tinig 2: Patawarin
niyo kami, O Diyos, dahil ipinagpalit namin ang panahong dapat ang aming
pamilya ay nasa iyong templo. Ipinagpalit namin sa pamamasyal sa mall, sa sinehan, sa resort, at marami pang iba. T
Tagapanguna:
Ipaalala mo nga po sa amin, O Diyos, na hindi kami nag-iisa, na kasama ka namin
lagi sa aming mga paglalakbay. T
Pastor:
Mga kapatid, alalahanin natin ang hamon ng Diyos sa pamamagitan ni Propeta
Isaias, “Ang mga gawain ng taong
masasama’y dapat nang talikdan, at ang mga liko’y dapat magbago na ng maling
isipan. Tayo ay manumbalik sa Diyos. Lumapit sa kanya upang kahabagan. At mula
sa Diyos matatamo ng lahat ang kapatawaran.” (hango sa Isaias 55)
49. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tugon: O
Panginoon, kaawaan kami (2x), kaawaan kami, O Panginoon.
Pastor: Kasabay ng
pagdulog natin sa kanyang hapag ay ang pagbabalik-loob natin sa Diyos. Sa
kanyang hapag tayo ay nananalangin sa kanyang biyaya.
Tagapanguna:
Panginoong Jesus, habilin mong manalangin kaming lagi at huwag mawalan ng
pag-asa. Panginoon, kaawaan mo kami. T
Tagapanguna: Panginoong
Jesus, tiniyak mo sa amin na nakikinig ang Diyos sa bawat panalangin. Cristo,
kaawaan mo kami. T
Pastor: Tayong lahat
ay nagkulang at nakasala, walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng Diyos.
Gayon man, dahil sa kanyang kagandahang-loob ay pinawalang-sala ang tao sa
pamamagitan ni Cristo-Jesus na nagpalaya sa atin sa lahat ng uri ng kaalipinan.
50. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: “Yamang naliligid tayo ng makapal na
saksi, iwaksi natin ang kasalanan, at ang anumang balakid na pumipigil sa atin,
at tayo’y buong tiyagang magpatuloy sa takbuhing nasa ating harapan”
(Hebreo 12:1). “Ituon natin ang ating paningin
kay Jesus na siyang pinagmulan ng ating pananampalataya, at siya ring
nagpapasakdal nito” (Hebreo12:2a).
Tugon: (awitin) Panginoong Dios, mahabag ka. [UMH # 484]
(Ang
lahat ay sumandaling manahimik)
Lahat: O Dios ni
Marta at Lazaro at lahat ng mga Banal, na nangaral na si Jesu-Cristo ay
Panginoon, na nakipamuhay sa aming abang kalagayan. Siya na nakipamuhay sa amin
at nagkaloob ng mga pagkakataon upang kami ay lumago at lumaya. Subalit sa
kabila nito, naging suwail kami at makasarili. O Dios, patawarin niyo po
kami.
(Tahimik na pagbubulay)
Pastor: Iginawad ng Panginoon ang kanyang
masaganang pagpapala sa ating lahat, kalakip ang pananampalataya at pag-ibig na
nasa atin dahil sa pakikipag-isa kay Cristo Jesus. Narito ang isang
katotohanang dapat tanggapi’t paniwalaan ng lahat: “Si Cristo Jesus ay naparito
sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan (1 Timoteo
1:14-15). Mga kapatid, manalig sa Mabuting Balita, sa kay Cristo-Jesus tayo ay
napatawad! Amen.
51. PAGSISISI
AT PAGPAPATAWAD
Tagapanguna: Dumulog tayo sa hapag ng Panginoon nang may
pananalig at kababaang-loob, sumasampalataya sa kanyang pag-ibig at hindi sa
sariling lakas. Humingi tayo ng awa at patawad sa Diyos.
(Tumahimik)
Tugon:
O Panginoon, kaawaan kami (2x). Kaawaan kami, O Panginoon.
Tagapanguna: Panginoong Jesus, sadyang mahina ang aming
pananampalataya. Patatagin mo ang aming pananalig. Panginoon, kaawaan mo kami. T
Tagapanguna: Panginoong Jesus, kami ay naglilingkod ngunit
karaniwang naghihintay ng kapalit. Gawin mong dalisay ang aming kalooban.
Kristo, kaawaan mo kami. T
(Tumahimik ang lahat)
Pastor: Ang pag-ibig ay hindi magaspang ang pag-uugali,
hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa (1 Corinto 13:5).
Pinagkalooban tayo ng biyayang umibig at magpatawad sa isa’t isa. Pinagkalooban
tayo ng katiyakang ang Diyos ay pag-ibig, mapagpatawad at ating patnubay.
52. PAGSISISI
AT PAGPAPATAWAD
Pastor Patuloy na iniaalay ni Jesus sa Eukaristiya ang kanyang sarili
bilang kalugod-lugod na handog sa Diyos. Dahil sa iniaalay niyang buhay,
nagkaroon ng kapatawaran ang mga kasalanan ng sanlibutan
(Tahimik na pagbubulay)
Tugon: (awitin,
“Kyrie, Kyrie” tune UMH # 484) Panginoong Dios, Mahabag ka. (2x)
Tagapanguna: Panginoong Jesus, Hari ng Sanlibutan, patawarin niyo po kami
dahil madalas hindi namin naiintindihan ang iyong mga pamamaraan. T
Tagapanguna: Umaasa kaming darating kang dala ay mga hukbong pandigma at
kapangyarihan. Subalit dumating ka sa pamamagitan ng abang sabsaban. Sa iyong
pagpapakumbaba kami ay iyong pinalaya. T
Tagapanguna: Namumuhay kami kung saan ang aming mga prebilihiyo ang naghahari
at ang pera ang ginagawang hari ng buhay. T
Tagapanguna: O Diyos, tulungan niyo po kaming mamuhay sa iyong pamamaraan.
Turuan niyo po kaming maglingkod sa halip na maghintay na kami ay paglingkuran.
T
(Tahimik na pagbubulay)
Pastor: Dakila ang Diyos, sapagkat ipinapahayag niya ang kapangyarihan ng
habag at kalakasan ng pagiging lingkod. Ipinapahayag ng Diyos ang habag at ang
kalakasan ng paglilingkod. Sa pamamagitan ng kanyang bugtong na anak na si
Jesus, ang Cristong Hari. Pasalamatan natin ang Diyos!
++++++++++++++++++++
No comments:
Post a Comment