Thursday, September 14, 2017

GABAY SA SERBISYO NG PAGSAMBA SA PANAHON NG LAMAY

PANIMULA
PAGTITIPON AT PAGHAHANDA
Magtitipon ang lahat sa ngalan ng Panginoon. Maaring sa mga panahong ito gagawin ang mga impormal na batian, mga pagbabalita at pagtanggap. Tutugtugin ang instrumental na musika o imno ng paghahanda.
+TAWAG SA PAGSAMBA
Ang lahat ay magsitayo.
+IMNO                                 
Ang lahat ay manatiling nakatayo.
+PANIMULANG PANALANGIN
Ang lahat ay manatiling nakatayo.

PROKLAMASYON AT TUGON
DALANGING PANGKALIWANAGAN
Ang panalanging ito ay sinasambit ng pastor o ng worship leader na nakatuon sa dalawang bagay. Una, ito panalanging humihingi ng gabay at basbas mula sa Diyos sa pagbabasa ng mga aralin, sa gayon ay mapakinggan ng komunidad ang katotohanan mula sa Diyos. Pangalawa, ito ay panalangin upang pagpalain ang pastor o tagapangaral sa paglalahad nito ng sermon, sa gayon ay makapagdulot ito ng liwanag at inspirasyon sa mga nakikinig na bayan ng Diyos.

ANG ARALIN SA LUMANG TIPAN
Tagabasa: Ang pagbasa mula sa Aklat ni _______________ kabanata ____ mula sa talata ____ hanggang ____. Ang Salita ng Diyos.                                                               
Komunidad: Salamat sa Diyos.
Tugon:  (awitin, “Pangunahan Mo”) Pangunahan mo, aming pagbubulay. Karunungan Mo’y sa mi’y maging ganap.

SAGUTANG PAGBASA/PSALTERIO               
Ang sagutang pagbasa ay hango sa mga piling aralin sa Awit.

ANG ARALIN SA MGA LIHAM/GAWA NG MGA APOSTOLES
Tagabasa: Ang pagbasa mula sa ______________________, kabanata _____, sa mga talatang ______ hanggang _______.  Ang Salita ng Diyos.
Komunidad: Salamat sa Diyos.
+ ANG PAGDAKILA SA EBANGHELYO
Ang lahat ay magsitayo hanggang matapos ang pagbabasa ng aralin sa ebanghelyo.
(awitin, Alleluia, UMH186) Alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia.

+ANG ARALIN SA EBANGHELYO
Pastor: Sumainyo ang Panginoon.                          
Komunidad: At sumaiyo rin.
Pastor: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San ______________.
Komunidad: Papuri sa iyo, Panginoon.
Pastor: (Basahin ng malinaw ang aralin). Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

DALIT NA AWIT
Sa diwang ito, ang koro ay maaring mag-alay ng awit o isang natatanging alay na awit na aawitin ng komunidad.
SERMON                 
+PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Nasa discretion ng pastor kung idaos ang Banal na Komunyon, at kung idaos ito mainam na gagawin sa mga bahaging ito ng pagsamba.

PAGTATAPOS
IMNO  
+ANG PANGWAKAS NA PANALANGIN
+BENDISYON                                                                      
+TATLONG AMEN

+++++++++++++++

No comments:

Post a Comment