+PAGBATI
Pastor: Sa pangalan ng Diyos na ating
Magulang.
Lahat: Amen.
Pastor: Sinabi ni Jesus, “Pakinggan n’yo! Nakatayo ako sa may
pintuan, kumakatok; kapag narinig ninyo ang aking tinig at binuksan n’yo ang
pintuan, papasok ako.” Mga kapatid at mga kaibigan, sama-sama tayong
nagtipon-tipon upang hangarin ang pagpapala ng Diyos sa tahanang ito, na
naihanda sa pamamagitan ng pagsang-ayon ng Diyos at ng gawa ng tao.
Hindi
lamang isang tirahan ang tahanang ito kundi sagisag ng mabiyaya at mapagmahal
na pangangalaga ng Diyos. Kung kaya, magdala tayo ng pagpupuri at pasasalamat sa
Diyos.
PAGTATALAGA NG
TAHANAN
Pamilyang
nagtatalaga:
Sa ngalan ng Diyos na ating magulang, itinatalaga namin ang tahanang ito sa
Kanya na may pagpapasalamat. Amen.
Pastor: Manalangin tayo. Walang hanggang Diyos, pagpalain mo ang
_____________________ na ito. Paghariin mo nawa ang iyong pag-ibig at maihayag
dito ang ipinangako mong presensya. Silang mga pumapasok at lumalabas sa
tahanang ito ay maturuan na magmahal, kung paano mo kami minahal. Mamuhay sa
kapayapaan ni Jesu-Cristong aming Panginoon. Amen.
Dadako ang pastor sa mga bahagi ng tahanan at sa mga kagamitang
kasamang itatalaga o bendisyunan.
Pinto
Pastor: Pagpalain Mo po, O Diyos, ang
pintuan ng tahanang ito upang walang bagay na makapipinsala ang makapasok dito
at upang ito’y mamalaging bukas sa mga nangangailangan. Sa pangalan ng Ama, ng
Anak, at ng Santo Espiritu. Amen.
Wiwisikan ng Holy
Water.
Salas
Pagpalain
Mo po, O Diyos, itong salas na siyang pinagtitipunan ng mga naninirahan dito.
Nawa’y ang buong sambahayan ay makatagpo rito ng kapahingahan at katiwasayan ng
lobo. Manatili sana silang nagmamahalan sa isa’t isa upang ang sinumang dumalaw
sa kanila ay matuto sa kanilang magandang halimbawa. Amen.
Wiwisikan ng Holy
Water.
Silid-Kainan
Pagpalain
Mo po, O Diyos, ang silid na ito kung saan pinagsasaluhan ang Iyong masaganang
biyaya. Nawa’y patuloy na alalahanin ng sambahayan ang mga taong naging bahagi
sa pagkakaroon ng pagkain sa kanilang hapag. Gayundin naman ang mga taong salat
sa ganitong pangangailangan. Amen.
Wiwisikan ng Holy
Water.
Kusina
Pagpalain
Mo po, O Diyos, itong kusina kung saan ang pagkain ay dinadalisay sa tubig at
apoy. Amen.
Wiwisikan ng Holy
Water.
Paliguan
at Palikuran
Pastor: Pagpalain Mo po, O Diyos, ang
paliguan at palikurang ito na bahagi ng kalinisan sa katawan ng tao. Nawa’y ang
sinumang gagamit nito ay magkaroon ng malinis na puso at kaisipan, kasama ng
pisikal na katawan para sa kaganapan ng kanilang pagkatao. Amen.
Wiwisikan ng Holy
Water.
Silid
ng mga Magulang
Pagpalain
Mo po, O Diyos, ang silid na ito upang ang mag-asawa ay mamuhay nang tahimik at
may pagmamahalan. Nawa’y maging tapat sila sa isa’t isa at maranasan Iyong
biyaya kasama ng kanilang mga supling. Amen.
Wiwisikan ng Holy
Water.
Silid-Tulugan
ng mga Bata at Iba pa
Pagpalain
Mo po, O Diyos, ang silid na ito at gawing duyan ng pagmamahal at pagkalinga.
Pagkalooban Mo ng kapahingahan ang pagod nilang katawan dahil sa mga gawain sa
araw-araw. Amen.
Wiwisikan ng Holy
Water.
Silid
Aklatan o Study Room
Pagpalain
Mo po, O Diyos, ang silid na ito at ang sinumang magpapalipas oras dito.
Palawakin Mo ang kanilang karunungan at kanilang pag-iisip, pananalita at
pagsusulat upang Ikaw ang kanilang mapaglingkuran. Amen.
Wiwisikan
ng Holy Water.
Silid
sa Pagtatrabaho
Pagpalain
Mo po, O Diyos, ang silid na ito at ang lahat ng mga kagamitang naririto. Ito
nawa’y maging silid na makapagpapalitaw ng kakayahang lumikha at pagyamanin ang
kaloob Mong biyaya. Amen.
Wiwisikan ng Holy
Water.
Halamanan
Pagpalain
Mo po, O Diyos, ang halamanang ito na nagbibigay aliw sa amin. Nawa’y makita
namin ang Iyong luwalhati sa Iyong kamangha-manghang nilikha. Bigyan Mo kami ng
biyaya na purihin Ka at magpasalamat sa Iyo. Amen.
Wiwisikan ng Holy
Water.
At
iba
Pastor: Pagpalain mo po, O Diyos ang
mga kagamitang ito. Nawa ang _______________________ na ito ay maging
instrumento upang maranasan ng lahat ng gagamit ang iyong biyaya. Ipahintulot
mo rin po na gagamitin ito sa kapurihan sa Iyo. Sa pangalan ng Ama, ng Anak, at
ng Santo Espiritu. Amen.
Babasbasan din ng
Pastor ang mga sagisag na inaasahang makikita sa altar o sa isang sulok, o mesa
ng tahanan.
Babalik ang lahat
sa dakong pinagtitipunan at sasambitin ng pastor ang mga sumusunod na
Panalangin.
Pastor: Ang pag-iingat nawa ng Diyos
ang siyang igawad sa tahanang ito, at gayundin naman sa ating lahat. Ang
kanyang pag-ibig ang siya nawang manahang palagi sa inyo upang ipagpatuloy
ninyo ang mabuhay na may paglilingkod sa kapwa. Sa pangalan ng Ama, ng Anak, at
ng Santo Espiritu. Amen.
Ang pagsamba ay
magpapatuloy. Mainam na isunod dito ang PASASALAMAT AT KOMUNYON, o di kaya ANG
PAGPAPAHAYO.
++++++++++++++++++++++++++++++
No comments:
Post a Comment