1.
+PAMBUNGAD
NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Tayo ay manalangin.
Lahat: Diyos ng
Kapayapaan, maging pagkakataon nawa ang aming pagtitipon ngayon upang maranasan
ang kapanatagang kaloob Ninyo. Sangkapan niyo po kami ng kakayahang makita Kayo
sa aming pang-araw-araw na gawain. Hayaan
niyo pong mamuhay kami sa Inyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na isinilang
sa sabsaban. Amen.
2.
+PAMBUNGAD
NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Tayo ay manalangin.
Lahat: O Diyos,
tipunin niyo po kami sa gitna ng aming kahirapan. Ipagkaloob Niyo po ang Inyong
pangitain tungkol sa aming tunguhin. Kung saan matatamasa ng lahat ang buhay na
ganap at kasiya-siya. Hayaan niyo pong
mamuhay kami sa Inyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na isinilang sa
sabsaban. Amen.
3.
+PAMBUNGAD
NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Tayo ay manalangin.
Lahat: Pinupuri ka
namin, O Diyos, sa iyong pakikipisan. Tinipon mo kami ngayon bilang isang bayan
upang higit naming maunawaan ang kahulugan ng pagsilang ni Jesus. Gawin nawang
pagkakataon ito na kami ay higit na maliwanagan sa espiritu ng kapakumbabaan. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa Inyong
kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na isinilang sa sabsaban. Amen.
4.
+PAMBUNGAD
NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Tayo ay manalangin.
Lahat: Diyos na
Manlilikha, ang lahat dito sa lupa at maging sa langit ay sa iyo. Sa
pananambahan namin ngayon, higit ka nawa naming makilala. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa Inyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus
na isinilang sa sabsaban. Amen.
5.
+PAMBUNGAD
NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Tayo ay manalangin.
Lahat: Naghahari
naming Diyos, binubuksan namin ang aming buhay sa katotohanan na iyong kaloob.
Mangusap ka nawa sa amin, O Diyos, sa pamamagitan ng sanggol sa Betlehem.
Maghari nawa sa amin ngayon ang galak at pag-asa, ang kapanatagan at kalakasan,
ang pag-ibig at pagkalinga. Hayaan niyo
pong mamuhay kami sa Inyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na isinilang sa
sabsaban. Amen.
6.
+PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Manalangin tayo.
Lahat: O Diyos, na
aming magulang, salamat po sa mga biyaya na iyong ibinigay. Sa patuloy Niyong
pagtitiwala sa amin, kahit sa kabila ng ilang ulit na ikaw ay nabigo. Sa kabila
ng di matapos-tapos na pangako ay patuloy kang nakikipagtipan sa amin. Nawa sa
pagkakataong ito, tulungan Mo kami na maisabuhay ang iyong mga katuruan. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa Inyong
kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na isinilang sa sabsaban. Amen.
7.
+PAMBUNGAD
NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Tayo ay manalangin.
Lahat: Diyos na
aming Magulang, ginawa mo kaming mga bagong nilikha sa pamamagitan ng iyong
Anak na si Jesus, aming Cristo. Patuloy niyo po kaming samahan at patatagin sa
paglilingkod at pagpupuri sa Iyo. Hayaan
niyo pong mamuhay kami sa Inyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na isinilang
sa sabsaban. Amen.
8.
+PAMBUNGAD
NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Tayo ay manalangin.
Lahat: Diyos na
aming Magulang, ang aming pagtitipon ay gawin mo nawang kalugod-lugod sa iyong
harapan, at sangkapan kami ng talino’t katatagan. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa Inyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus
na isinilang sa sabsaban. Amen.
9.
+PAMBUNGAD
NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Tayo ay manalangin.
Lahat: Diyos na
aming Magulang, ang dakilang misteryo ng pagsilang ni Jesus sa sabsaban ay mapag-ukulan
nawa namin ng pansin sa aming pananambahan. Maipagdiwang nang may di magmamaliw
na pag-ibig ang kapanganakan ni Jesus, kasama ng Santo Espiritu. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa Inyong
kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na isinilang sa sabsaban. Amen.
10.
+PAMBUNGAD
NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Tayo ay manalangin.
Lahat: Dios na aming
Magulang, sa pagsambang ito ay loobin mong manuot ang Iyong pag-ibig sa amin.
Umunlad kami sa pagsunod sa Iyo at pagsasabuhay ng pananampalatayang malaya at
mapagpalaya. Hayaan niyo pong mamuhay
kami sa Inyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na isinilang sa sabsaban. Amen.
11. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Tayo ay manalangin.
Lahat: Sa gitna ng
aming mga pagtitiis, dalhin niyo po kami sa inyong liwanag. Maranasan ang galak
sa pagiging bahagi ng pangangaral ng Mabuting Balita. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa Inyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus
na isinilang sa sabsaban. Amen.
12. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Tayo ay manalangin.
Lahat: Dios na aming
Magulang, ngayong malapit na ang Pasko ng Pagsilang ng iyong Anak, kaming mga
lingkod mong hindi karapat-dapat ay tangkilikin nawa sa pag-ibig ng iyong
Salita na nagkatawang-tao. Manahan nawa sa amin ang Espiritu Santo, ngayon at
magpasawalang hanggan. Hayaan niyo pong
mamuhay kami sa Inyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na isinilang sa
sabsaban. Amen.
13. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Tayo ay manalangin.
Lahat: O aming Diyos, igawad mo nawa sa amin ang
kabanalan ng puso; ang pang-unawa sa iyong layunin na di mapipigil ng
makasariling hangarin; at hindi mapipigil ng karupukan upang maisakatuparan ang
iyong kalooban. Sa iyong liwanag ay mailinaw sa amin ang kahulugan at katuturan
ng buhay. Sa iyong habag ay masumpungan nawa namin ang tunay na paglaya, sa kay
Cristo Jesus kasama ng Santo Espiritu. Hayaan
niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na nabinyagan
sa Ilog Jordan. Amen.
14. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Tayo ay manalangin.
Lahat:
Diyos
na aming Magulang, basbasan Niyo po ang pananambahang ito sa Iyong presensya.
Sa gayon ay maranasan namin ang tunay na galak at karunungang magdadala sa amin
sa Iyong kabanalan. Amen.
15. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Tagapanguna: Tayo ay manalangin.
Lahat: O Diyos, sa pananambahang ito, hayaan Niyo po
sanang marinig uli ang iyong tawag na binigkas sa amin mula noong kami ay nasa
sinapupunan pa lamang. Hanggang sa kami ay mailuwal sa mundong ito. Naging kasama
ka namin sa panahon ng kagalakan at tagumpay, at sa panahon ng kalungkutan at
pagkabigo. Patuloy mo kaming pinalalakas sa harap ng nakapanlulumong kalagayan.
Kung may nangungutya at nanunupil ay naroon ka na nagbibigay kalakasan.
(Sandaling tumahimik)
Tinig: “Huwag kang
titigil.” “Huwag kang bibitiw.”
Lahat: Aming pinupuri ang iyong katapatan sa lahat ng
panahon. Hayaan niyo
pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na nabinyagan
sa Ilog Jordan. Amen.
16. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Tagapanguna: Tayo ay manalangin.
Lahat: Sa gitna ng aming mga alinlangan, dalhin niyo po
kami sa katiyakan. Samahan niyo po kami, O Diyos, nitong aming pananambahang
naglalagay sa amin sa pagtuklas ng kahulugan ng buhay. Maranasan nawa namin ang
galak sa pagiging bahagi ng pangangaral ng Mabuting Balita. Ipagkaloob niyo nga
po ang katapatang sumunod kay Cristo-Jesus. Hayaan
niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na nabinyagan
sa Ilog Jordan. Amen.
17. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Tayo ay manalangin.
Lahat: O aming
Diyos, maghari ka nawa sa amin, lalong higit sa pananambahan naming ito. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong
kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na nabinyagan sa Ilog Jordan. Amen.
18. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Tagapanguna: Tayo ay manalangin.
Lahat: Diyos na Magulang, loobin Mong maranasan naming
ang iyong kabanalan sa pananambahang ito at masangkapan kami ng lakas at dunong
sa patuloy na pagpupunyagi upang mabuhay, at maging daluyan ng buhay. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong
kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na nabinyagan sa Ilog Jordan. Amen.
19. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Tayo ay manalangin.
Lahat: O Diyos,
Tagapaglikha ng lahat ng bagay. Mula sa alabok ng mundo hinubog niyo kami, at
mula sa abo ng kamatayan inyo kaming itinaas. Sa pamamagitan ng mapagpalayang
kapangyarihang nahayag sa krus. Muli niyo po kaming likhain na may malinis na
puso at pagharian ng bagong espiritu. Sa gayon ay magkaroon kami ng kakayahang
ikumpisal ang aming mga kasalanan. Hayaan
niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na nagdadala
sa amin sa isang malalim na pagbubuhay.
Amen.
20. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Tayo ay manalangin.
Lahat: Ipagpatuloy mo
nawa, O Diyos, ang iyong paglikha sa aming buhay. Ihinga mo nawa sa amin ang
hininga ng buhay at matuto kami sa iyong biyaya. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus
na nagdadala sa amin sa isang malalim na pagbubuhay. Amen.
21. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Tayo ay manalangin.
Lahat: O Diyos ng
Pag-ibig, tulungan ninyo po kami na magtiwala sa iyo at yakapin ang iyong mga
pangako sa kay Cristo-Jesus kasama ng Santo Epiritu. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus
na nagdadala sa amin sa isang malalim na pagbubuhay. Amen.
22. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Tayo ay manalangin.
Lahat: O aming
Diyos, sa lipunang puno ng hinagpis, takot, kasakiman, at pagkagutom sa kabila
ng tinataglay na yaman nitong iyong lupang nilikha. Pangunahan niyo po kami, sa
kalagayang wala nang magugutom at mauuhaw dahil sa kawalan at kasakiman. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong
kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na nagdadala sa amin sa isang malalim na pagbubuhay. Amen.
23. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN (LINGGO NG
PALASPAS)
Tagapanguna:
Tayo ay manalangin.
Lahat: O Diyos na
aming Magulang na kumakalinga, nagtuturo ng tunay na karunungan upang kami ay
mamuhay sa pag-ibig at katuwiran. Dumadalangin kami na iyong kalingain sa gitna
ng aming pagkakasadlak sa kahirapan. Sa pagdiriwang namin ngayon sa matagumpay
na pagpasok ni Jesus sa Jerusalem, naniniwala kami na yaon ay kapahayagan ng
isang matatag at matapat na paninindigan. Ang katotohanan ay hindi kailanman
mapipigilan ng kahit anong banta ng kasamaan at kasinungalingan. Gawaran niyo
po kami ng sapat na katatagan at katilinuhan upang hindi kami madaya ng
kabuktutan. Hayaan niyo pong mamuhay kami
sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na nagdadala sa amin sa isang malalim na pagbubuhay. Amen.
24. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Tayo ay manalangin.
Lahat: O aming Diyos
ng buhay at muling pagkabuhay, sa aming pagdiriwang ngayon ay ipagkaloob mo na
mabuhay kami sa pagpapanibagong dulot ng iyong Espiritu. Mailinaw sa amin ang
kahulugan ng buhay at ng muling pagkabuhay ng iyong anak na si Jesu-Cristo. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong
kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na nabuhay mula sa mga patay. Amen.
25.
+PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Tayo ay manalangin.
Lahat: O Diyos na aming Magulang, paghariin mo
nawa ang iyong di masukat na pag-ibig. Dalhin mo po kami sa kamatayan ng aming
pagkamakasarili. Hayaan niyo
pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na kapahayagan
ng hindi masukat Mong kapangyarihan.
Amen.
26.
+PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Aming Diyos na makapangyarihan sa lahat, narito kami na Iyong mga anak.
Nagpapakumbabang lumalapit sa Iyo upang Ikaw ay aming pasalamatan at
papupurihan. Patuloy ka nawa naming maparangalan sa aming mga kilos, gawa,
pananalita at paglilingkod sa aming kapwa. Hayaan
niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na kapahayagan
ng hindi masukat Mong kapangyarihan.
Amen.
27.
+PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Tagapanguna: Tayo ay manalangin.
Lahat: Diyos naming Makapangyarihan, kalugdan mo kami
at bigyan ng pagkakataong maranasan ang ibayong pag-asa at pag-ibig. Sa iyong
kapangyarihan kami ay mamalaging tatalima nang sa gayon ay maranasan namin ang
tunay na kalayaan. Hayaan
niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na kapahayagan
ng hindi masukat Mong kapangyarihan.
Amen.
28.
+PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Tayo
ay manalangin.
Lahat: Diyos na
aming Magulang, ibangon niyo po kami sa pagkakadapa at hayaang sumunod sa iyo.
Ipagkaloob mo nawa sa amin ang patnubay mong mabiyaya at ang banal na kagalakan
upang kaming mga anak mo ay masigasig na maglilingkod sa iyo. Samahan niyo po
kami ngayon, O Diyos, at gawing karapat-dapat sa pagpupuri. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong
kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na kapahayagan ng hindi masukat Mong kapangyarihan. Amen.
29.
+PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Tayo
ay manalangin.
Lahat: Diyos na
aming Magulang, samahan mo nawa ang iyong bayan sa paglilingkod. Patnubayan
niyo po kami sa aming pagtitipon ngayon upang itampok ang iyong kabanalan. O
aming Diyos, panatilihin niyo po kaming kinalulugdan sa pamamagitan ni
Jesu-Cristo kasama ng Santo Espiritu. Hayaan
niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na kapahayagan
ng hindi masukat Mong kapangyarihan.
Amen.
30.
+PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Tagapanguna: Manalangin
tayo.
Lahat:
Makapangyarihan at mahabaging Diyos, sa iyong biyaya at kagandahang loob, kami
ay inyong kupkupin. Iligtas sa lahat ng kapahamakan at kami ay ihanda sa lahat
ng mga hamon sa buhay. Hayaang kami ay makapaglingkod sa iyo sa pamamagitan ng
paglilingkod sa kapwa. Hayaan niyo pong
mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na kapahayagan
ng hindi masukat Mong kapangyarihan.
Amen.
31.
+PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Tagapanguna: Manalangin
tayo.
Lahat: O Diyos na Makapangyarihan sa lahat, patuloy niyo
po kaming tunghayan lalong higit sa aming paglilingkod at pananambahan.
Makamtan nawa namin ang kalayaan at pamana sa piling mo sa pamamagitan ni
Jesu-Cristo. Patuloy nawa naming mapagtibay ang pananalig sa iyo. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong
kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na kapahayagan ng hindi masukat Mong kapangyarihan. Amen.
32.
+PAMBUNGAD NA PANALANGIN
(LINGGO NG PANDAIGDIGANG KOMUNYON)
Tagapanguna: Manalangin tayo.
Lahat: Makapangyarihang Diyos, tinawag mo kami mula sa
aming mga natatanging buhay upang makiisa sa iyong katawan. O Diyos, tulungan
mo po kami na ang aming mga kaibahan ay mapagyaman sa aming karanasan, sa halip
na maghihiwalay sa amin. Ang aming mga kahinaan ay magbuklod sa amin sa halip
na sumira sa aming ugnayan. Tulungan niyo po kami, O Diyos, na mapanindigan ang
aming layuning makapaglingkod sa halip na paglingkuran. Sa aming pagdiriwang
ngayon ng Linggo ng Pandaigdigang Komunyon, O Diyos, samahan niyo po kami. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong
kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na kapahayagan ng hindi masukat Mong kapangyarihan. Amen.
33.
+PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Manalangin tayo.
Lahat: Diyos na
makapangyarihan sa lahat, sa pagdiriwang namin ngayon ng Linggo ng mga Layko ay
tulungan mo kaming maging matapat sa iyong kalooban. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus
na kapahayagan ng hindi masukat Mong kapangyarihan. Amen.
34.
+PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Manalangin tayo.
Lahat: Diyos naming
Makapangyarihan, sa pananambahan namin ngayon dinggin ang aming mga kahilingan.
Ang layuning maipahayag sa aming pananampalataya ang Anak Mong nabuhay mula sa
mga patay ang aming pag-asang manabik sa pagkabuhay. Tumibay nawa kami sa
paglilingkod sa paraang Iyong kinalulugdan. Hayaan
niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na kapahayagan
ng hindi masukat Mong kapangyarihan.
Amen.
35.
+PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Tagapanguna:
Manalangin tayo.
Lahat: Diyos na
makapangyarihan sa lahat, sa iyong anak na pinakamamahal at hari ng sanlibutan,
niloob mong pag-isahin kaming lahat sa iyong kadakilaan. Itulot mong
makapaglingkod kaming lahat at makapagpuri sa iyo nang walang humpay. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong
kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na kapahayagan ng hindi masukat Mong kapangyarihan. Amen.
++++++++++++++++++++
No comments:
Post a Comment