KAPAHAYAGAN NG PASASALAMAT
SA
MGA GURO NG GENDER FAIR EDUCATION SEMINAR MULA SA INSTITUTE OF WOMEN STUDIES-ST.
SCHOLASTICA’S COLLEGE, October 24-27, 2014 @ SPMCI, Kidapawan City
Inihanda nina Rev. Jeric
Cortado and Dss. Cristine G. Cortado
Fine Coco Sugar: Tanggapin niyo ang fine coco
sugar na ito bilang tanda ng aming pasasalamat. Mula ito sa inang kalikasan,
sumibol at tumubo ang puno ng buhay, at sa punong ito nailuwal ang matamis na
asukal na nagpepreserba ng buhay at kalakasan. Iminulat ninyo sa amin ang
kahulugan ng tamis ng buhay at paglilingkod kung may pagkakapantay-pantay.
Coarse Coco
Sugar: Ito ay
sumasagisag sa aming pasasalamat dahil iminulat ninyo sa amin ang Gender Fair
Lens sa pagharap sa reyalidad ng buhay. Isinasagisag ng coarse coco sugar na
ito ang “firmness” sa pagsasabuhay ng bagong kamulatang ito. Sa paglalakbay
ninyo bilang mga facilitator, mahirap man ang lakbayin (coarse o magaspang),
patuloy pa rin, pagkatapos ay malalasap ang tamis na bunga ng tunay na
paglilingkod.
Native Bag: Tanggapin niyo po ang
indigenous bag na ito na maaaring paglagyan ng mga personal ninyong gamit sa inyong
patuloy paglalakbay upang ipalaganap ang Gender Fair Education. At habang dala-
dala niyo ang bag na ito, maaalala ninyo kami mula sa iba’t ibang tribu sa
Mindanao, hindi lang bilang binigyan ninyo ng pag-aaral kundi kasama na ninyo
sa pagsusulong ng adhikaing ito.
Native Wallet: Tanggapin niyo po ang indigenous wallet na
ito na sumasagisag ng aming kulturang nagpapasalamat sa mga aral at hamon na
inyong ibinahagi. Maari niyo po itong gamitin upang paglagyan ng mga calling
cards, identification cards, pera o mga alaala na patuloy na umuugnay sa atin
bilang magkakasama sa nagsusulong ng mga karapatan at kagalingan ng mga
kababaihan.
Malong: Tanggapin niyo po ang malong
na ito na isa sa mga kilalang produkto ng Mindanao, taglay ang iba’t ibang
kulay na sumasagisag sa iba’t ibang kultura mayroon sa aming komunidad.
Ginagamit ang malong sa iba’t ibang kaparaanan na nagbibigay buhay at pag-asa
sa bawat isa sa amin. Nagiging tapis o kasuotan, duyan at baby carrier, kumot
laban sa lamig at ano pa man. Habang ginagamit niyo ito maalala ninyo na minsan
napadako kayo sa SPMCI, nagpamulat sa amin ng Gender Fair Education.
No comments:
Post a Comment