Ang
Saligang Padron at Balangkas ng Serbisyo ng Pagsamba ay nakaugat sa Banal na
Kasulatan at sa tradisyong pinagmulan at karanasan ng United Methodist Church.
Ginagabayan ng padrong ito ang komunidad ng mga mananampalataya at lahat ng mga
naghahanda ng mga lingguhang gabay sa pananambahan upang maunawan ang balangkas
at nilalaman ng ating pagsamba. Sa Saligang Padron na ito (Sa Pagpasok;
Proklamasyon at Tugon; Pasasalamat at Komunyon; at Pagpapahayo) nakapaloob ang
balangkas ng ating mga Pananambahan.
SA PAGPASOK
Magtitipon ang bayan sa ngalan ng Panginoon. Maaaring sa mga panahong
ito gagawin ang mga impormal na batian, mga pagbabalita at pagtanggap.
Tutugtugin ang instrumental na musika o imno ng paghahanda.
|
+PANIMULANG TUGTUGIN (PRELUDE)
Ito ay musikang pinapatugtog o tinutugtog habang ang
mga tao ay nagtitipon. Ito rin ay hudyat ng pagsisimula ng pananambahan. Sa
panahong ito ginagawa ang prosesyunal.
+TAWAG SA PAGSAMBA (CALL TO WORSHIP)
Ang Tawag sa Pagsamba ay mga kataga ng paanyaya na
sinasambit ng Tagapanguna o Pastor sa bayan ng Diyos upang ituon na ang
sarili sa pananambahan.
+IMNO NG PAPURI (HYMN OF PRAISE)
Ito ay isang imnong nagpapahayag ng kolektibong
papuri sa Diyos, pagkilala sa kabutihan at kadakilaang ginawa ng Diyos sa
Sanlibutan. Maaari ang Praise Singing
sa pangunguna ng Praise and Worship
Team ng simbahan ay gawing alternatibo nito.
Sa
kapanahunan ng Pagdatal isinusunod sa IMNO NG PAPURI ang PAGSINDI NG KANDILA NG PAGDATAL bago ang Pambungad na Panalangin.
Ang pagsindi ng mga kandila ng pagdatal ay gagawin lamang sa lingguhang
Pananambahan sa kapanahunan ng Pagdatal.
Sa
pananambahan sa Gabi o Araw ng Pasko, ipapasok matapos ang Imno ng Papuri ang
PAGSINDI NG KANDILA NI CRISTO bago
ang Pambungad na Panalangin.
+PAMBUNGAD NA PANALANGIN (OPENING PRAYER)
Ito ay panalanging humihingi ng patnubay sa Diyos sa
pananambahang gagawin.
PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD (CONFESSION AND PARDON)
Sa
mga pagsambang Metodista at Evangelical, malimit nahahati ito sa tatlong
bahagi. Una, Tawag sa Pagsisisi (Call to Confession), mga katagang sinasambit
ng Tagapanguna upang hikayatin ang bayan na ikumpisal ang kanilang mga
pagkukulang at pagkakasala sa harapan ng Diyos. Pangalawa, Panalangin sa Pagsisisi
(Prayer of Confession), isang natatanging panalangin sa harapan ng presensya
ng Diyos kung saan nangungumpisal sa mga pagkukulang at pagkakasala. Susundan
ito ng tahimik na pagninilay. At pangatlo, Katiyakan ng Pagpapatawad
(Assurance of Pardon or Absolution), mga kataga na sinasambit ng pastor na
naglalahad ng katiyakan mula sa Diyos na maranasan ng bayan nito ang
pagpapatawad. Ito ay malimit hinahango na mga talata sa Banal na Kasulatan na
naglalarawan sa inisyatiba ng Diyos sa paglilligtas. Ito rin ay kapahayagan
na ang Diyos ay mabuti, makatarungan, at mapagpatawad.
+GLORIA PATRI
Ang Gloria Patri ay salitang Latin na ang ibig
sabihin ay Glory be to the Father.
Ito ay isang awit o kataga ng papuri sa Santa Trinidad. Inaawit natin ito
malimit bilang tugon sa Kapahayagan ng Pagpapatawad.
|
PROKLAMASYON AT TUGON
Ang
pagiging Evangelical ay bahagi ng
katangian natin bilang Metodista, ang bukas na Bibliya na nakikita ng mga tao
at ang accessibility nito sa bayan
ng Diyos na mabasa ang siyang kapahayagan nito. Sa bahaging ito ng Saligang
Padron binabasa at pinagbubulay-bulayan ang Salita ng Diyos.
|
DALANGING PAGKALIWANAGAN (PRAYER OF ILLUMINATION)
Ang panalanging ito ay sinasambit ng pastor o ng worship
leader na nakatuon sa dalawang bagay. Una, ito ay panalanging humihingi ng
gabay at basbas mula sa Diyos sa pagbabasa ng mga aralin, sa gayon ay
mapakinggan ng komunidad ang katotohanan mula sa Diyos. Pangalawa, ito ay
panalangin upang pagpalain ang pastor o tagapangaral sa paglalahad nito ng
sermon, sa gayon ay makapagdulot ito ng liwanag at inspirasyon sa mga
nakikinig na bayan ng Diyos.
ARALIN (SCRIPTURE)
Ang bawat Linggo ay may
nakalaang tatlong aralin mula sa Lumang Tipan para sa Unang Aralin, Epistula
para sa Ikalawang Aralin, at Ebanghelyo.
Sa kapanahunan matapos ang Araw ng Pagkabuhay, ginagamit para sa Unang
Aralin ang Aklat ng Mga Gawa ng Apostoles kung saan binibigyang diin ang
kuwento ng bagong nilalang na nauugnay sa muling pagkabuhay.
Ang bawat aralin ay
ipakikilala gaya ng mga sumusunod:
ANG
ARALIN SA LUMANG TIPAN/ GAWA NG MGA APOSTOLES
Tagabasa: Ang
pagbasa mula sa Aklat ni _______________ kabanata ____ mula sa talata ____
hanggang ____. Ang Salita ng Diyos.
Komunidad:
Salamat sa Diyos.
Tugon: (awitin, “Pangunahan Mo”)
Pangunahan mo, aming pagbubulay.
Karunungan Mo’y sa mi’y maging ganap.
ANG
ARALIN SA MGA LIHAM
Tagabasa: Ang
pagbasa mula sa ______________________, kabanata _____, sa mga talatang
______ hanggang _______. Ang Salita ng
Diyos.
Komunidad:
Salamat sa Diyos.
+ ANG
PAGDAKILA SA EBANGHELYO
Ito ay inaawit bago basahin ang Aralin sa Ebanghelyo. Ang
lahat ay magsitayo hanggang matapos ang pagbabasa ng aralin sa ebanghelyo.
(awitin,
Alleluia, UMH186) Alleluia, alleluia, alleluia,
alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia.
+ANG
ARALIN SA EBANGHELYO
Pastor: Sumainyo ang Panginoon.
Komunidad: At
sumaiyo rin.
Pastor: Ang Mabuting Balita ng
Panginoon ayon kay San ______________.
Komunidad:
Papuri sa iyo, Panginoon.
Pastor: (Basahin ng malinaw ang aralin). Ang Mabuting Balita ng
Panginoon.
DALIT NA AWIT (ANTHEM)
Ang awiting ito ay nakatuon sa tema ng Pananambahan
at ng araling binasa. Ito ay papuring awit sa Diyos at nagpapahayag sa
mensahe ng araling binasa.
SERMON
Ang Sermon ay hango sa salitang Latin na ibig
sabihin ay “talk” o “speech”. Ito ay isang diskurso ayon sa araling binasa na
nagbibigay ng mga panuntunan sa buhay at sa mga hamong hinaharap ng mga
mananampalataya. Kung may bibinyagan, ikukumpil o itatalaga,
mainam gawin ang mga ito pagkatapos ng Sermon. Nangangahulugan ito ng positibong
pagtanggap sa Salita ng Diyos na napakinggan. Kapag gagawin dito ang mga
Serbisyo ng Pambautismong Tipan, ang Kapahayagan ng Pananampalataya ay hindi
na sasambitin.
KAPAHAYAGAN NG PANANAMPALATAYA/KREDO (AFFIRMATION OF
FAITH/CREED)
Ang
Kredo ay mainam na tugon sa Salita ng Diyos na napakinggan. Ito ay
kapahayagan ng muling pagpapatibay sa kung ano ang ating sinasampalatayanan.
|
PASASALAMAT AT KOMUNYON
Sa
mga serbisyong kalakip ang Banal na Komunyon, ang mga aksyon ni Jesus sa
Mataas na Silid ay ating binabalikan. Ang pagkuha ng tinapay at saro, ang
pasasalamat sa tinapay at saro, ang pagpira-piraso ng tinapay, ang
pagbabahagi ng tinapay at saro. Sa mga serbisyo ng pagsamba na walang
pagdiriwang ng Banal na Komunyon, agad isinusunod ang Panalangin ng Panginoon.
|
Sa panahong ito ang pastor ay nakatayo behind the
Lord’s Table.
PAGHAHANDOG (OFFERTORY)
Ang
Paghahandog ay bahagi sa pananambahan kung saan iniipon ang mga kaloob,
pangako, at ikapu mula sa bayan ng Diyos, at pagdadala ng tinapay at saro sa
altar. Ang pag-awit ng nauukol sa komunyon o pasasalamat ay ginagawa sa mga
panahong ito. Ang Paghahadog ay nahahati sa mga sumusunod: una; TAWAG SA
PAGHAHANDOG, kung saan inaanyayahan ang lahat na mag-alay bilang bahagi ng
pasasalamat sa Diyos; pangalawa; ang DOKSOLOHIYA, kung saan hinango sa
salitang Griyego para sa “Words of Praise”; at Pangatlo; ang PANALANGIN UKOL
SA PAGHAHANDOG.
PAGKUHA NG TINAPAY AT SARO
DAKILANG PASASALAMAT
ANG PANALANGIN NG PANGINOON
Ang Panalangin ng Panginoon ay panalanging itinuro
ng ating Panginoong Jesus sa kanyang mga alagad noong hiniling nilang turuan
silang manalangin. Malimit ang panalanging ito ay inaawit o di kaya’y
sinasambit nang sabayan.
PAGPIRA-PIRASO SA TINAPAY
PAMAMAHAGI NG TINAPAY AT SARO
PANALANGING MATAPOS ANG KOMUNYON
|
PAGPAPAHAYO
Sa diwang ito ang bayan ng Diyos ay pinapahayo upang mangaral at
maglingkod sa kapwa taglay ang pagpapala ng Diyos.
|
IMNO
+PANALANGING PASTORAL (+PASTORAL PRAYER)
Ang Panalanging Pastoral ay panalangin ng bayan sa
pangunguna ng pastor na naglalaman ng mga hinaing, pangarap, kahilingan ng
bayan ng Diyos.
+PAGPAPAHAYONG MAY LAKIP NA PAGPAPALA (+DISMISSAL
WITH BLESSING/BENEDICTION)
Ang
huli at pinal na panalangin na nagkakaloob ng bendisyon mula sa Diyos sa mga
nananambahan, upang humayo na taglay ang pag-ibig at kapayapaan ng Diyos sa
sanlibutan.
+TATLONG AMEN (+THREE FOLD AMEN)
PANITAPOS NA TUGTUGIN (POSTLUDE)
Ito ay tugtugin matapos ang Tatlong Amen o panitapos na bahagi ng
pagsamba.
PAGHAYO (GOING FORTH)
|
No comments:
Post a Comment